HINDI ko mapigilang mamangha sa paligid ko, pagkababa ko pa lang sa tapat ng gate ng rancho ay isang pamilyar na tanawin ang nakita ko bagamat may konting pagbabago.
“Ay ma’am Peony ikaw po ba ‘yan?!”
Isang nakangiting babae na sa tingin ko ay katulong sa rancho ang sumalubong sakin sa gate.
“Ah yes ako nga..” Nakangiting sabi ko lang sakanya.
“Naku ma’am bakit hindi ka nagsabi sa akin na nasa port kana, sana ay nasundo ka namin.” Sabi niya na kinuha ang mga gamit ko.
“Okay lang, may taxi naman pagbaba ko agad e.” Sabi ko habang nakasunod sakanya, ginala ko ng tingin ang paligid ko. Even the familiar smell of the place filled my senses, nakita ko pa ang swing na iyon sa tapat ng garden house.
“Hali kayo ma’am.” Tawag sakin. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sakin ang hindi nagbabagong tanawin. a large wooden staircase curving gracefully upward, its banister carved with intricate details. The floor is lined with ornate rugs in muted red tones, their patterns adding to the vintage elegance of the lobby. Kahit pa luma na iyon ay malinis naman at mukhang alagang-alaga.
“Where’s lola?”
“Nandoon siya sa kwarto niya ma’am.”
“Pupuntahan ko muna siya.” Nakangiting sabi ko habang paakyat kami ng hagdan. Kung hindi ako nagkakamali ay sa right way ang master bedroom kung saan nandoon sila lola. Tandang-tanda ko pa din ang daan sa tuwing tumatakbo ako dito para makipaghabulan sa mga pinsan ko.
“You know how much you mean to me, my love.”
Naabutan ko si Lola na sinusuklyan ni lolo, tanging warm light lang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto. Nakatalikod sila sa direksyon ko kaya hindi nila ako nakita, hindi ko alam ngunit may kaba akong naramdaman pagkakita sa bulto ni lolo.
“L-lola..” Mahinang tawag ko, lumingon sakin si Lolo.
“Apo ikaw pala yan. Kadarating mo lang ba?” Masaya ang mukhang sinalubong ako ni lolo. Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng pinto. Si lola naman ay nakaupo padin sa wooden rocking chair niya.
“Your grandma fell asleep, kakainom niya lang ng gamot e.” Nakangiting sabi niya sakin habang hawak pa din ang suklay. he hasn’t changed at all, Grandpa still seems as strong as ever. Maybe it’s because he was ex-military, sabi nila mom nagkakilala sila lolo at lola sa Italy kung saan dating nagtatrabaho si lolo.
“Ganon po ba, kausapin ko na lang po siya mamaya. Magpapahinga po muna ako.” Paalam ko sakanya.
“Sandali apo!”
Napipilitan akong lingunin siya.
“Kung ano man ang naging dahilan kung bakit kayo lumayo dati naiintindihan ko. Matatanda na kami ng lola mo okay? If I ever did something wrong before… I’m sorry iha.”
Ngumiti ako sakanya ng tipid saka tumango.
“Dito na ho ako..” Paalam ko sakanya saka ako tumalikod. Kahit pa nakalayo na ako ay dama ko pa din ang titig sa likuran ko. It creeps me out, lalo pa at pamilyar ang mga tingin na iyon sa tuwing gumagala kami dito noong bata pa ako.
Doon pa din ako sa kwarto kung saan kami dati natutulog nina mommy sa tuwing bibisita kay lola. The room is still cozy and elegant as ever, the dark polished wood paneling on the walls and ceiling beams giving it a classic feel. The wallpaper is deep green with floral pattern. Nilock ko ang pinto sa likuran ko saka umupo sa edge ng kama.
The room still looked exactly the same. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan si mommy.
“Mom! I am here!” Nakangiting bati ko sa video call, nakita ko si mama na nasa office na naman niya. She always keeps herself busy, baka iyon ang way niya para hindi naaalala si daddy.
“Kamusta ang biyahe? Nakausap mo na baa ng lola mo?”
Umiling ako saka dumapa. “Not yet, kakainom lang niya ng gamot.”
“Ganon ba, how long do you plan to stay there?”
“Hmm, 5 days uuwi din ako this Saturday mom.”
“Okay basta huwag mo akong kalimutang tawagan kung may problema ha? Always stay online sa messenger mo okay? Or kapag walang signal huwag mong hayaang ma-lowbat ang cellphone mo itext mo ako sa number.”
Tumango ako. “Okay mom, I love you. Magpapahinga muna po ako.”
“I love you as always darling. tawagan mo uli ako mamaya okay?”
“Yes mom byee!”
Nang patayin ko na ang tawag ay kumuha muna ako ng pamalit na damit at nag half bath. Pagkatapos non ay humiga na ako sa kama, I felt sleepy, so I closed my eyes for a moment...
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, naramdaman ko na lang ang sinag ng araw na tumama sa mukha ko galing sa nakabukas na bintana.
“Oh shit..” Usal ko at mabilis na tumingin sa phone ko. It’s already 8:00am in the morning?! Ganoon ako katagal nakatulog?! Naligo muna ako at nagtoothbrush.
“Ma’am gising na po ba kayo? Ready na po ang breakfast.” Narinig kong tawag sa labas ng pinto ko habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer.
“Yes sandali na lang!” Sagot ko, sinuklay ko ang mahaba kong buhok na halos lumagpas na sa bewang ko. I let my hair down.
“Hm, ito na lang.” Bulong ko, pinili ko flowy floral dress. Pinatong ko na din ang light yello cardigan dahil thin strap ang suot kong dress. Natigilan ako nang maalala ko kung bakit maiksi ang buhok ko noon.
“Oh..” Usal ko at wala sa loob na tinali ang mahaba kong buhok sa likod pagkuway sinuot ko ang salamin sa mata ko. Lipbalm lang ang nilagay ko sa mukha ko kaya ayos na iyon. Kahit pa hindi sabihin nila mom ang dahilan ramdam ko naman kung bakit kailangan nila iyon gawin noon.
“Good morning iha!” Nakangiting mukha ni lolo ang sumalubong sakin pagdating ko sa kusina. Natigilan pa ako dahil naroon pala ang iba kong pinsan at kamag-anak. Maging si Auntie Linda ay naroon, umiwas ako ng tingin sakanya. I know she still blames me for what happened to Uncle Miller.
“Oh? Ikaw ba yan Peony? Dalaga kana ha!” Nakangiting sabi ni auntie Georgia. Ngumiti ako sakanila at sumalo sa mesa. All of them were staring at me.
“Yes po auntie, good morning po..” Bati ko sakanilang lahat, tumingin ako sa paligid.
“Si lola po?”
“Hindi siya makakasalo satin ngayon masama ang pakiramdam.” Sagot ni lolo.
“Hindi na siya dalaga mom, ilang taon kana nga uli?” Tanong sakin ng pinsan ko si Lany na anak ni auntie Linda.
“Twenty-eight.” Tipid na sagot ko at kumuha ng juice.
“Oh diba! Millenial yan, saka tignan mo nga naman ang ganda mo noon mukha ka ng manang ngayon.” Walang preno na sabi niya sakin. Ngumiti lang ako habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. I wasn’t in the mood to look good while I’m here. Hindi naman iyon ang pinunta ko dito.
“Sabi ni mom hindi pa siya kinakasal kaya dalaga padin siya. Millenial man siya o hindi.” Mataray na sabi ng katabi ko na si Sarah. Panganay na anak ni auntie Linda.
“Shh nasa harap tayo ng pagkain. Nasaan nga pala ang mommy mo?” Tanong naman ni uncle Ross.
“Busy po kasi siya ngayon e. May kailangan lang din po na asikasuhin.” Sabi ko.
“Kahit ngayon na mahina na si mama hindi niya padin mabisita. Ano pa nga ang magagawa natin. Malaki din ang natangay niya kay mama ha.”
Natigilan ako sa sinabi ni auntie Linda.
“What do you mean by that auntie?”
“Shh ano ba mamaya na pag-usapan yan nandito tayo sa harap nila lolo oh.” Sabi naman ni auntie Nessa. I felt mad about what my aunt said.
“Hindi ito ang oras para pag-usapan ang mga bagay na tapos na Linda..” Sa sinabi ni lolo ay nanahimik ang lahat. Kahit pa may gusto akong sabihin ay hindi ko magawa.
“Sorry pa.” Sabi ni auntie Linda, tahimik na sumubo ako ng pagkain.
“Siyanga pala Sarah, bakit hindi mo sinama dito sa Evander?” Narinig kong tanong ni lolo.
“May kailangan daw siyang gawin e, baka nagkaroon lang ng emergency lolo.”
“Hanggang ngayon hindi mo padin nakukuha ang loob niya? How can you make him obey you?”
“But lolo I am trying my best. Isa pa, kami padin naman ang ikakasal hindi ba? He’ll still fall for me eventually.”
“Mabuti pa nga ata ay magkaroon na agad kayo ng anak bago pa ang kasal. Siguradong hindi na yan makakawala sayo.”
Their conversation made me feel sick. Inabot ko ang tubig at uminom.
“Tapos na po ako, lalabas lang po ako saglit..” Paalam ko sakanila.
“Ikaw iha, kalian mo planong magpakasal? You’re not getting any younger.” Narinig kong sabi ni lolo, pilit akong ngumiti sakanya.
“Wala pa po kaming plano ng boyfriend ko magpakasal. Baka po mapag-isipan na namin next year.” Pagsisinungaling ko, tumango naman si lolo.
“Good.” Sabi niya lang at nagpatuloy sa pagkain. Tumango muna ako sa mga auntie ko saka ako tumalikod. Being around them makes my chest feel heavy, siguro ay dahil sa mga tingin nila sakin.
Naisipan kong lumibot saglit sa rancho, matagal na din ang panahon simula ng gumala kami dito. Napansin ko ang lupa na iyon na bahagyang naka-elevate. May fences pa iyon na palagay ko ay nakapalibot sa buong ranch. Tumingin muna ako sa paligid pagkatapos ay nagtungo doon.
“Oh gubat pala..” Bulong ko pa at tumawid sa kabilang rail fence.
I didn’t know there was a forest on the other side. I smiled when I saw a tall trees rise all around as their trunks straight against the soft glow. The sunbeams stream through the branches creating golden rays that light up the forest floor. Naisipan kong maglakad-lakad pa, isa na din siguro ito sa hinahanap-hanap ng katawan ko. To release stress somehow.
“Woah..” Napamulagat ako dahil sa pagsunod ko sa magandang sinag ng liwanag sa mga puno ay napadpad ako sa spring. Hindi ko alam na meron palang lugar dito sa rancho. Natutuwang umupo ako sa isang bato at tinanggal ang sandals ko. Dahil maganda na din ang sikat ng araw lalo na sa balat ay hinubad ko ang cardigan ko pati na din ang salamin ko sa mata.
‘Ang sarap dito..’
Napahagikgik ako nang pumasok sa talampakan ko ang lamig ng tubig. Nilugay ko na din ang buhok ko at hinayaan iyong tangayin ng hangin. They were right, the air really does smell different in the province. Pakiramdam ko ay tinangay nito ang anumang problema ko.
“Seems like they were right about the spirits here..”
Napalingon ako sa nagsalita na iyon, I saw a man standing near me. He was wearing a mask and black cap.
“Oh my God!” Hindi ako nagulat sa presensya niya kung hindi dahil sa hawak niyang baril.
“Don’t worry, this is just a tranquilizer gun.” Sabi pa niya sakin at muling tinaas ang hawak sa direksyon ko. “...but this is strong enough to make someone fall asleep, right?”
Bago pa ako makakilos ay isang dart ang tumama sa cardigan ko na nakalapag sa bato. Napanganga na napatingin ako sa lalaking iyon....