HALOS mabasa ko na siguro ang ilang libro sa library nila Evander, medyo nakakabagot pala talaga kapag walang ginagawa. Pagkagising ko kanina ay wala na si Evander sa kwarto, ang sabi ng katulong ay nagtungo daw ito sa planta. Tinapos ko muna ang business at meeting ko sa secretary saka ko tinawagan si mommy para mag-update at bago nagtungo dito sa library. “Ano pa kayang pwedeng gawin.” Nakalabing lumabas na ako, natigilan pa ako nang makita ko ang dalawang balot na balot ng puting dress at may animoy belo pa sa ulo na dumaan sa dulo ng hallway. Napayakap ako sa sarili ko. “Multo ba ‘yon?” Bulong ko pa at dahan-dahang pumunta don. They’re not ghosts. I can still see them walking around. Palihim akong sumunod sakanila, nakita kong pumasok sila sa isang malaking pinto. Mabilis na humakba

