ANONG balita sa rancho anak?” Nakangiting sinubuan ko si mommy ng hot soup na hinanda ng katulong. Kahit papaano ay nakakarecover na siya ng lakas. “Hindi ko pa po alam mom e, dibale tatanungin ko si Evan pagkatapos.” Ngumiti naman siya sakin at tinanggap ang soup. Naalala ko ang nangyari ng gabing iyon na may namatay mismo sa harap ko. But why do I feel nothing? Someone died right in front of me… I should feel something, fear, shock anything. But I don’t. Siguro dahil sa masamang mga ginawa nila kaya kahit katiting na awa ay hindi ko maramdaman? “By the way mom, pinull out na po ni Alfred ang contract niya satin.” “Yes nagmessage siya sakin anak.” Sabi pa niya saka tinitigan ako. “Why mom?” ““Has anyone been threatening you baby? You can tell me.” Nagulat naman ako sa tanong ni m

