THEY keep saying your family is the one who’ll be with you through struggles and happiness…
They keep saying you can’t choose which family you belong to…
“Hayaan mo iha, tutulong ako mamaya sa tito mo na hanapin ang mama mo ha?”
Pinanood ko si auntie Nessa na pinaghahandaan ako ng breakfast.
“Si lola po ba kumain na? Parang hindi ko siya nakikitang lumalabas.”
“Oo kumain na, saka ano kaba kahapon magdamag yan si lola mo sa labas. Ewan ko ba diyan minsan tinotopak ang sakit.” Natatawa pang sabi ni auntie, napakurap ako habang nakatingin sakanya.
Even trusting them would be a big mistake..
Pakiramdam ko ay may sasabog na emosyon sa dibdib ko nang makita ko ang wax ni lola. Mabuti na lang at mabilis kong pinakalma ang sarili ko pabalik sa kwarto. Walang ibang dapat na makaalam ng mga alam ko. Tinignan ko isa-isa ang mga auntie ko, they seem innocent, but they’re keeping secrets. Who knows, maybe one of them knows where Mom is. Alam na din ba nila na wax si lola? Pero kung sino man ang makahawak kay lola kahit sino malalaman e. Hindi ko siguro napansin noon dahil nakadamit ng makapal si lola. It creeps me out to think that she’s already dead. Naalala ko pa nakikipag-usap ako sakanya!
“Are you okay iha?” Nakangiting sabi ni auntie Georgia habang hawak ang isang paso ng halaman.
“Yes po auntie.” Sagot ko habang nakatingin sa halaman.
“Oh it’s Datura, nilagay ko lang ‘to muna sa paso para display.”
“It’s poisonous auntie, para san mo gagamitin ‘yan?” Malamig na sabi ko. Nakita kong natigilan siya kahit sila auntie Nessa.
“Yes of course it’s poisonous kung kakainin ng deretso pero wala akong pag-gagamitan nito ano kaba. Kagaya ng sabi ko display lang ‘to sa kwarto. “ Nakatawang sabi niya, naalala ko si mama na pinakita ang background ng garden sakin. Pilit akong ngumiti sakanya at tumango.
“I see, nabasa ko lang din po kasi ‘yan sa pinanood ko kaya alam ko po.”
“Wow that’s good to hear, atleast ‘diba aware ka sa mga bagay sa paligid mo.”
Tumingin ako sa mukha ni auntie Georgia, does she know anything about it too?
“Yes auntie maganda na din yung handa ka po sa lahat ng bagay.” Makahulugang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
As long as I’m here, I can’t depend on anyone. Hindi ko din naman gustong umalis kapag hindi kasama si mama, malakas ang loob ko may alam ang isa sakanila sa mga nangyayari dito. Pero mag-isa lang ako..sino ang lalapitan ko sa mga ganitong pagkakataon na kahit ang nag-iisang akala ko kasama ko ay mukha ding may tinatago? What do they gain by following Grandpa? Halos lahat ba sila dito habol ay mana?
“Good morning auntie.”
Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ang boses na ‘yon, kasabay non ay ang pagkabog ng dibdib ko.
“Oh Evander iho! Nandito ka pala!” Narinig kong sabi ni auntie Nessa. It felt like a light suddenly appeared before my eyes. Lumingon ako sa likuran ko, nakita ko si Evander na papalapit samin. He looks really good in that black shirt, you can almost see his muscular physique. Napalunok ako kasabay ng naisip ko.
I know it’s wrong, but there’s no other choice…
“Oh! Love!” Nakangiting sabi ko kay Evander. Nakita kong natigilan pa siya sa sinabi ko, kahit sila auntie ay nagulat.
“Hey..” Nakita kong nagsalubong ng bahagya ang makapal niyang kilay sa sinabi ko. Matamis ang ngiting hinawakan ko ang kamay niya nang makalapit siya.
“Tinawagan ko ho siya auntie na baka pwedeng dumaan muna dito.” Nakangiting baling ko kina auntie. Napansin ko ang tinginan nila.
“P-pero..kailan pa kayo naging close?” Gulat na sabi pa ni antie Nessa.
“What is the meaning of this Peony?!”
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Evander nang marinig ang sigaw ni Lolo. Tiningala ko siya, I noticed his face change to a cold expression. Hnawakan niya din ng mahigpit ang kamay ko at pailalim na nilingon si lolo habang ako ay nanatiling nakaupo hawak ang kamay niya. Nang silipin ko si lolo ay matalim ang tingin niya sa amin.
“Don Reno..sorry for showing up all of a sudden.” Sabi ni Evander at pinatong pa ang kamay sa balikat ko.
“Tinawagan kasi ako ng fiancé ko para sunduin siya dito.” At pinisil pa ang balikat ko.
Nah, I didn’t expect him to say that! Hindi na lang ako umimik habang nakatingin pa din kina lolo. Dumating na din sila auntie Linda kasama ang pamilya niya.
“Evan..” Narinig kong sabi ni Sarah habang nakatingin samin dalawa.
“Anong ibig mong sabihin na susunduin mo ang apo ko?”
“In case you forgot, she’s my fiancé Don Reno. May karapatan ako na sunduin siya dito, lalo pa nabalitaan ko na nawawala si tita mas kailangan niya ako.”
Hindi ko alam kung pero bigla kong naramdaman na may kakampi ako sa mga oras na ‘to. Evander’s intentions remain unclear to me but it doesn't matter. Ang mahalaga malaman ko kung nasaan si mommy.
“Sinabi ko naman sayo na pinag-iisipan ko pa hindi ba? Lalo pa alam kong labag sa loob ng apo ko.” Kita ko ang pagkakakuyom ng kamao ni lolo.
“Oh is that so? We have an agreement incase you forgot.” Nang tingalain ko si Evander ay bahagya pang nakataas ang sulok ng labi niya na parang hindi magpapatalo kay lolo.
“Iha apo…” Matamis ang ngiting binalingan ako ni lolo. “..alam ko na hindi mo gusto ‘to hindi ba? Isa pa ay hinahanap ngayon ang mom---
“No lolo, actually pumayag na ako sa kasal na alok ni Evander.” Tumayo ako at humawak sa kamay ni Evan.
“Kaya ho ako bumalik dito para magpatulong na din sakanya para hanapin si mommy.” Nakangiting sabi ko sakanila.
“Damn you b***h!” Sigaw ni Sarah at akmang lulusubin ako nang biglang humarang si Evander. Tahimik na nagtago ako sa likuran niya.
“Evander why?!”
Hindi siya pinansin ni Evander, humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko.
“Well I guess she’s not safe here..” Kay Sarah siya nakatingin habang sinasabi iyon pagkatapos ay humarap kina lolo. “….if you don’t mind I will take my fiancé with me.”
Dahil wala ni isang sumagot ay hinila na ako ni Evander. Hindi ako tumitingin kina lolo nang makalagpas kami. I can feel their anger… maging ang mga tingin na iyon na kung nakakamatay lang kanina pa ako bumagsak.
“Pag-usapan natin mamaya kung ano ang nasa isip mo.” Narinig kong sabi ni Evander habang palabas kami. Napatingala ako sakanya, lumingon naman siya sakin at ngumiti.
“I’ll make sure you never regret the decisions you make Peony..”
Maybe..dealing with the devil is all I can do..