HINDI ako makapaniwala habang nakatingin sa malaking litratong nakasabit sa dingding. It was me...kuha ang larawan na iyon nang gawin akong model ni mama sa isa naming product.
“Look closely..” Sabi pa ni lolo at may pinindot sa gilid. Narinig ko na parang may nahulog sa likuran non.
“Halika may ipapakita ako sayo.” Parang bata na alok ni lolo. Napalunok ako at bahagyang umatras.
“M-mukhang kailangan ko ng----
“What are you two doing here?”
Sabay pa kaming napalingon sa boses na iyon. Nasilaw ako sa ilaw non, nakita ko ang bulto ni Evander na may hawak na flash light, hindi ko alam kahit na gago siya ay para siyang naging anghel ngayon sa paningin ko. It feels like an angel saved me.
“Oh iho! Nandiyan ka pala, nagpatulong lang ako kay Peony na kunin ang pinapakuha ng lola niya.”
Hindi naman umimik si Evander, ramdam ko ang bigat at init ng titig niya sa amin.
“A-ah sige ho lolo dito na ho ako.” Naiilang na tumalikod ako at iniwan sila. Nakahinga ako ng maluwag lalo pa ng makalabas ako. Sapo ang dibdib na mabilis akong umakyat ng hagdan, hindi ko alam kung nandoon pa sila pero wala na sakin iyon. Sa isiping nakita ko ang larawan ko sa baba ay lalong bumigat ang nararamdaman ko dito sa rancho. If my mom saw that, she would probably be mad at it.
Ilang minute ang lumipas ay bumukas na ang ilaw, bahagya na akong nakahinga ng maluwag. Kinuha ko ang unan at niyakap iyon. Nasa ganong position ako nang biglang bumukas ang pinto.
“What the heck?” Gulat na napaupo ako nang makita ko si Evander na madilim ang mukha. Pasipa niya pang sinara ang pinto sa likuran habang masama ang tingin sakin, nakita ko ang isang lighter sa isang kamay niyang nakayukom habang sa kabila naman ay ang susi ng kwarto ko.
“Why does he have your photo?!” The fire in his eyes burned right through me, filled with unsual sparkle that I cannot explain.
“P-pano mo nakuha susi ng kwarto ko?!” Iyon ang nasabi ko sa kabila ng takot sa titig niya. Napatili ako nang bigla niyang hilahin ang dalawang paa ko pahiga sa kama at umibabaw sakin.
“Get off me!”
“And what are you two doing in the basement?!” His words came out sharp, almost hissing and controlled, as if I were the one who made him mad. Sinubukan ko siyang itulak sa dibdib ngunit mas lalo lang niyan diniin ang sarili sakin.
“Hindi kaba nag-iisip nang sumama ka sakanya ha?! O baka naman mas natutuwa kapa na kayo lang dalawa?” May malisya na sabi niya, naramdaman ko ang galit sa dibdib ko. Buong lakas ko siyang tinulak ngunit mas di hamak na mas malaki siya sa akin.
“Bitawan mo sabi ako kung hindi sisigaw ako?!”
“Do it then!” He hissed. “...so they can see you were never meant for anyone but me.” And claim my lips, he tightens his grip around my wrist. Pinilit kong igilid ang mukha ko paiwas sakanya habang napupuno ng kaba ang dibdib ko dahil sa presensya niya.
“Look at me..” His hand slid around my throat, sumalubong sakin ang galit na titig niya.
“I’ll make you forget every man...every face and every hand that touched you before me belonged nowhere; it belongs to me now Peony.” Humigpit ang hawak niya sa leeg ko at pilit na hinalikan ang labi ko. One of his hand slip inside my sleep wear.
“N-no--
His kiss silenced me once again, mabigat ang bawat halik niya sakin. His kiss carries no hint of tenderness or affection, It is full of anger and possessive intensity.
“You won’t even remember their names once I claim you. I’ll take up so much space in your heart until there’s no room left for anyone else." He said between the intensity kiss, kahit na anong tulak ang gawin ko ay lalo lang humihigpit ang kamay niya sa leeg ko. It is suffocating me. Pumikit ako ng mariin at handang kagatin muli siya.
“Do it...bite my lips Peony.” Hinihingal na lumayo siya ng bahagya sakin. “...and you won’t like the consequences.” He warned me, I gasped for breath and couldn't help but blink. Nakaawang pa ang labi ko nang muli niya akong halikan. I didn’t want to deal with his revenge, so I just let him do whatever he wanted.
“Peony..” He gasped for breath and tease my lips with his kiss. Pakiramdam ko ay naglalaro ako sa apoy lalo pa ang hinahalikan ko ay ikakasal na. Naramdaman ko ang paggapang niya sa isang kamay ko. Napadilat ako nang binaba niya ang palad ko sa gitna niya. I felt its weight and size in my hand, sinubukan kong bawiin ang kamay ko sakanya.
“Do you feel it huh?” Bulong niya habang pilit na pinapahawakan sakin iyon. All kinds of feelings are swirling inside me at this moment. Lalo pa sa tuwing dumidiin ang hawak pagkakahawak niya sa kamay ko para haplusin ang sarili niya.
‘No please..please..?’
Kahit ako ay nagtanong sa sarili ko, what was that please for?! Kahit sinong makakita sa amin iisipin na mali ‘to. Narinig ko ang mahinang ungol niya sa tenga ko.
“Fuck...fuck it..” Bulong niya at binitawan ako sa pagkabigla ko. Walang salita na lumabas sakanya nang tumayo siya, basta na lang siyang tumalikod at sinara ang kwarto. Napanganga ako sa nangyari...did he just leave me? Napahawak ako sa labi ko na bahagya pang namamaga.
‘What the heck is wrong with you Peony?!’
Kagat ang labing bumaluktot ako patagilid at niyakap ang tuhod ko. I don’t know what to feel in this moment. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari, madaming naging ganap simula nang mapunta ako dito. I’ve been careful to avoid anything unnecessary, particularly with men I’ve encountered. Pero si Evander...he makes me feel something, kahit palaging may puwersa sa bawat kilos niya nahuhuli ko pa din ang sariling tumutugon sakanya..
Hours passed, I stayed in the same position....staring into emptiness.
“Ma’am Peony gising na po ba kayo?’ Tinig mula sa labas ng pinto ang narinig ko. Doon ako kumurap kasabay ng paghapdi ng mata ko, siguro ay napatagal ang pagdilat ng mata ko. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay malapit na palang mag-umaga. I can’t believe I’ve been thinking for that long.
Napapalunok na nagtungo na ako sa pinto.
“Breakfast na daw po ma’am sabi ni Don.” Nakangiting bungad ng katulong.
“S-sinong nandiyan sa baba?”
“Mga auntie nyo po saka si Don Reno, si ma’am Sarah lang po yung wala masama daw po kasi pakiramdam. Saka si sir Evander nasa baba din po.”
Parang may nalaglag sa dibdib ko nang marinig ang pangalan na iyon.
“A-ah..skip muna ako ng breakfast, medyo masama din kasi pakiramdam ko.”
Tumango siya saka napanguso. “Ganon po ba? Baka po kasi dahil nawalan ng ilaw kagabi. Tinanong kami ni sir Evander, sino daw nagbaba ng switch ng ilaw. Wala naman din po kaming alam. Galit na galit nga ho siya ma’am nang gisingin kami kagabi. Sinunog pa nga niya yung larawan ho ata iyon sa labas tapos panay mura. Natakot nga ho kami e.”
Natigilan ako nang maalala ko ang larawan ko sa basement. Kaya ba siya may hawak na lighter kagabi?
“Gusto nyo po ba ng gamot ma’am?” Tanong pa ng katulong.
“No thanks, magpapahinga lang ako.”
Nang umalis na ang katulong ay nanghihinang sinara ko ang pinto, I don’t want to face him after what he did. Mabilis akong nagtungo sa mga gamit ko at nag-empake. I made sure I had all my things with me. Kinuha ko na din ang cellphone ko para magpa-book ng ticket. Isang malakas na katok ang narinig ko, hindi ko alam kung bakit sobra akong kinabahan sa malakas na katok na ‘yon.
“Wait!” Sambit ko at nagtungo sa pinto, pagkabukas ko ay bumungad sakin si Evander. He is holding a tray with some food. Nakita kong lumagpas pa ang mata niya sa likuran ko pagkatapos ay malamig na tumingin sakin.
“Where are you going?” Tanong niya pa at pumasok ng kwarto. Sinara niya ang pinto sa likuran habang hawak pa din ang tray.
“Home..” Mahinang sagot ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at nilagpasan ako. Nakita kong nilapag niya sa maliit na table sa gilid ang hawak at dinampot ang ibang maleta ko. Pinagpagan niya pa iyon at nilagay sa ilalim ng kama.
“This is your home.” Baling niya pa sakin at naupo sa gilid.
“Hindi, kailangan ko ng umuwi dahil kailangan ako ni mommy.” Tugon ko sakanya, kinuha naman niya ang isang tinidor at tinusok iyon sa prutas.
“Come here.” Baling niya sakin. “Eat with me..”
“Sinabi kong ayoko dahil masama ang pakiramdam ko.” Nakataas ang kilay na sabi ko sakanya. Ngumisi siya sakin at kumagat ng prutas.
“You should eat something Peony.’’ May utos pa sa tinig niya, naalala ko ang ginawa niya kagabi pati na lang ang basta pag-iwan niya sakin.
“Edi kumain ka mag-isa mo.” Sabi ko pa at akmang tatalikod.
“Do you want me to use my mouth to feed you?”
Napasinghap ako sa sinabi niya at binalingan siya.
“Ikaw ba talaga wala kang hiya?!”
Nagkibit balikat siya at tinapik ang gilid niya.
“Don’t let me force you Peony..” Parang wala na sabi niya at muling kumain. Kuyom ang kamao na lumapit ako at umupo medyo malayo sakanya. Lumingon pa siya sakin at inurong sa harap ko ang tray, pagkatapos ay dumikit padin sakin.
“Nasa tamang pag-iisip kaba para pumunta dito gayong ikakasal kana? Ano na lang ang iisipin nila auntie sakin ha?!”
“Ano bang dapat nilang isipin sayo?” Nakakaloko pang sabi niya at tinaas ang tinidor na may prutas sakin. He mouthed –ahh to me, iniwas ko ang mukha ko.
“Mr. Castellino mukhang wala kang alam sa nangyayari sa pamilya ko. Ito na ang pagkakataon na linisin ang pangalan ng mga magulang ko sakanila. But look what you did? It seems like things are only getting worse because of you.”
“It doesn’t matter how much you try to explain, they’ll still see you the same way. Tingin mo magbabago iyon hanggat nandiyan ang linta sa tabi mo?”
Natigilan ako sa sinabi niya.
“The devil waits patiently for the moment to claim you Peony.” Makahulugang sabi niya pa.
“Huh, baka sarili mo tinutukoy mo?”
Tumaas ang sulok ng labi niya. “Well, I don’t have much patience. What is mine has always been mine.” Sabi niya pa at nilapit sakin ang tinidor. Hinablot ko iyon at kumain.
“Lumabas kana pagkatapos nito.” Sambit ko habang kumakain. Naramdaman ko ang titig niya sakin.
“Wala kaming relasyon ng pinsan mo.” Narinig kong sabi niya, umirap ako sa hangin.
“Pakialam ko.” Bulong ko pa.
“At tama ka ikakasal nga ako..”
Hindi ako umimik, binilisan ko na lang ang pagkain para makaalis na siya.
“Sa tingin ko hindi pa binanggit ng lolo mo ang tungkol sa kasal. Hindi ko naman minamdali ang lahat, gusto ko na maging handa ka na.”
Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Naalala ko ang nangyari sa guest room.
“Your grandpa doesn’t own the ranch anymore Peony..matagal na panahon na bago kapa isilang.”
Wala sa loob na napalingon ako sakanya.
“Umabot na ng milyones ang utang ng Lolo mo sa mga magulang ko noon pa lang. Na-settled na sana ang utang na iyon kung hindi dahil sa ginawa ng mga magulang mo. Sinabi ng lola mo na million ang kinuha nyo sa bank savings nila kaya nabaon sila sa iba din nilang pinagkaka-utangan.” Kwento niya pa at hinawakan ang dulo ng buhok ko.
“....dahil doon napagkasunduan nila Don Reno at mga magulang ko ang planong pagpapakasal para na din maisalba kayo sa pagkaka-utang.” Tumingin pa siya sa mukha ko habang patuloy na nilalaro ang dulo ng buhok ko.
“Ibinigay nila sakin si Sarah bilang kabayaran, my father said it depends on me if I decide to marry her.”
“Kung ano man ang problema ng pamilya nyo at ni lolo labas na kami doon. Kaya kong patunayan na walang kinuha ang mga magulang ko.”
“There’s a lot of evidence under your name Peony.”
Napakurap ako sa sinabi niya, naalala ko ang pinagtatalunan nila daddy noon sa tuwing nagpapadala si lolo.
“Sarah had no part in any of this, it’s you I’m supposed to marry.” Parang bomba na sumabog sa tenga ko ang sinabi niya kahit pa alam ko na ang tinutukoy niya. Tinitigan ko siya kung nagbibiro ba siya sa sinasabi niya pero mukhang nagsasabi siya ng totoo.
“T-that can’t be real..”
“Hindi naman ako nagmamadali..isa pa ilang araw kapa lang dito. Gusto kong mag-adjust ka muna.” He has a playful smile on his face, tumayo siya habang nakatulala pa din ako.
“I’ll take you before the wedding Peony... you can scream, you can run or curse my name.” Sambit niya pa sa harap ko.
“Your choices hold no power the moment I decided to marry you, whether you like it or not.” Iyon ang huling warning niya bago ako iwan sa kwarto. Nanatili padin akong nakatitig sa kawalan habang ina-analize ang mga sinabi niya. Tulalang napatingin ako sa sahig.
“I have to go home..” Mahinang bulong ko ay tinuloy magpa-book ng ticket. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Naabutan ko sa baba ng hagdan si auntie Nessa.
“Auntie..” Tawag ko sakanya, nagmamadaling bumaba ako.
“Oh iha bakit?” Baling niya sakin.
“Ako ba ang pinag-usapan nyo sa guest room? Bakit ako ang magiging kabayaran sa utang nila lolo?”
Nakita kong natigilan siya.
“H-hindi ko din alam kung bakit ikaw ang hiningi ni Evander...iyon na nga ang kinakatakutan ko lalo pa at iba ang tingin niya sayo.”
“Hindi maari ang gusto niya auntie! Wala akong kinalaman sa mga nangyari sakanila dito. Unfair naman sa side ko iyon, magkano ba ang naging utang nila lolo sa pamilyang iyon?”
Huminga siya ng malalim. “Hindi na mabilang Peony, natambakan sila dahil sa lumaki ang tubo nila. Ang alam ko, nalulong si papa sa casino at hindi lang siya umutang ng million kina Don Daniel pati na din kay Evander may utang siya. Hindi ko alam na umabot ng ganon kalaki iyon, ikaw ang sinisisi ni mama dahil ang ibang pera daw ay pinapadala sa ilalim ng pangalan mo. Naging bulag si mama sa ginagawa ni papa.”
“Ha...tapos ako ang gagawin niyang pangbayad utang?” Hindi makapaniwala na sabi ko. Matigas akong umiling at hinawakan ang kamay ni auntie.
“Auntie please oh, pwede mo akong tulungan makaalis dito?”
Umiling siya. “H-hindi ko alam, simula nang umuwi tayo galing sa hacienda may mga tauhan na ng mga Castellino ang nagbabantay sa labas.”
Kagat ang labing dumiin ang hawak ko sakanya,
“Please auntie, tulungan mo ako. Hindi ko gustong pakasalan siya!”
“I think I can help you..”
Sabay kaming bumaling sa may-ari ng boses na iyon. Nakita ko si Sarah na pababa ng hagdan mugto pa ang mga mata niya.
“Sa oras na mawala ka dito malakas ang loob ko na walang choice si Evan kung hindi pakasalan ako.”
“Pero Sarah! Baka magali—
“I don’t care auntie, ako naman talaga ang dapat pakakasalan niya kung hindi lang bumalik dito sa Peony.” May talim pa ang tingin niya sakin.
“Ayusin mo na ang mga gamit mo. Mamaya tutulungan ka namin ni Auntie Nessa tumakas.” Iyon ang sabi niya saka tumalikod..