***********
"Khendra Apo pakihatid mo nga itong mga naitali na naming kangkong kila Rhona abay panigurado kanina payon nag hihintay."
ang sigaw nang aking butihing lola.
" opo lola papanaog napo "
ang sagot ko habang nag mamadaling bumaba.
" dahan dahan Khendra baka madapa ka sa pag mamadali mo"
nakasalubong ko si lolo sa hagdan habang pababa ako.
hinalikan ko ito sa pisngi
" hahaha okay lang ako lolo kilangan mag madali kasi ilalako pa namin ni aling Rhona ang mga naitaling kangkong ni lola."
napakonot noong tumingin saakin ang lolo ko.
" anong ilalako akala ko ba ihahatid mo lng doon"
" lolo sayang din kasi kong di ako mag lalako tutulong ako wala naman akong gagawin"
ang aking sagot sabay kawit nang aking kamay sa bisig nito.
" sus iring bata ka sigi na nga kahit di ka namin payagan eh ikaw padin masusunod"
tinawanan ko na nalang ang lolo ko at pumunta sa lola ko na kanina pa ako tinatawag.
" lola ito ba lahat dadalhin ko?
tanong ko saaking lola habang tinuturo ang dalawang malaking baskit na may naka salansan nang mga nakataling kangkong.
" Oo Apo yan na nga iwan mo nalang kay Rhoda yan tapos bumalik kana ah"
" Nako Cedes maglalako daw iyang maganda nating apo"
ang mabilis na sabat nang lolo ko.
Napa nguso naman ako sa pag sumbong nito.
kahit kilan talaga pinagbabawalan nila akong gumawa lalo na ang pag lalako.
" Nako Khendra ha tumigil ka pagka hatid mo yan kay Rhoda umuwi kana"
agad na bunganga ni lola saakin.
" lola naman sayang kasi at isa pa wala akong ginagawa kaya chill lang kayo ni lolo easy saakin to "
sabay kindat sa kanila at umalis bitbit ang dalawang baskit na namumutiktik sa laman nang kangkong.
walang nagawa ang dalawang matanda nang umalis na ako.
marami kasing tanim na gulay kami sa likuran nang bahay namin ngunit ang kangkong ang mas hinahanap nang mga namimili.
dahil mas masarap ihalo sa sinigang.
yong iba naman inaadobo nila
tulad ko pag wala kaming ulam kangkong ang mabilis kong mailuto.
masarap talaga.
masayang naglalakad ako patungong palingki kong saan si aling Rhoda nag aantay saaking panind.
nang may mag busina saaking likuran.
gumilid ako at tumabi
bumukas ang bintana nang sasakyang huminto saaking harapan.
napangiti ako nang si Nanay Sabel ang dumungaw.
" Khendra....pasaan kaba at ang init nag lalakad ka"?
" nako Nay Sabel parang ngayon lang kayo saakin hehe sanay po ako Nay kaya carry lang to"
ang magiliw kong sagot.
" papunta po ako nang palingki kay aling Rhoda ilalalo ko po itong mga tinaling kangkong nila lolo at lola"
dagdag kong sagot.
" Abay tamang tama Khendra kilangan ko rin nang kangkong akin na pabilhan mo nga ako nang sampong tali ilagay ko nalang sa reff yan di naman agad masira yan"
mabilis pa sa alas kwatrong ipinag balot ko ito.
naka ngiti akong inabot sa kanya ang naibalot ko nang kangkong.
inabot naman nito ang bayad saakin.
di sinasadyang nasilayan ko ang nasa harap nang manubela.
biglang kulo nnag dugo ko nang makilala ito.
ito yong lalaki na bumusina nang malakas saakin na akala ko eh mababangka ako sa sasakyan nito na naging dahilan nang aking pag ka hulog sa kanal na maputik.
" my gosh Aling Sabel you cook that kind of grass? is that healthy?
taas kilay na pang hahamak nito sa tinitinda ko.
napaismid naman ako kala mo kong sinong maganda tsi!!
ang arte arte...kahapon kapang tingting ka sarap mong kutusan.
ang litanya ko saaking isipan.
" Nay Sabel gusto ko ipagluto moko nang adubong kangkong namiss kopo yan"
ang sabat nang lalaking naka ingkwentro ko kahapon.
nakatitig ito saakin nang matiim.
napayuko naman ako sa hiya ano ba ginagawa nito may dumi ba ako sa mukha..
natataranta tuloy ako baka may muta ako oh di kaya uling sa mukha ko.
" Abay oo na man Grayson ipagluluto kita at magsasahog din ako nito sa sinigang na bangus diba paborito morin yon"
ang masayang sagot ni Nay Sabel.
" sigi po Nay Sabel maraming salamat sa pag bili "
" Grayson pwdi bang isabay nalang natin si Khendra sa palingki total don din naman ang punta natin"
nagulat ako sa pakiusap ni Nay Sabel sa nag ngangalang Grayson.
" what??? no way...mangangamoy pawis ang sasakyan pag sumakay yan yakss!
ang maarting sabat at nag rereklamong si tingting..
" Nako Nay tama po amoy pawis na ako kakahiya naman kay tingting kong sasakay ako"
midyo napalakas ang sabat ko kay Nay Sabel.
" What??? who's tingting?
ang naka lurat nitong matang nag tatanong.
narinig ko naman nag pag hagikhik ni Grayson at Nay Sabel.
na ma's lalong nag painis sa kasama nitong tingting.
" sorry mam kasi subrang sexy niyo kaya para kayong tingting sa kasexyhan"
at saka po kahit po boong pawis ako mabango padin ako"
" abat......!!!!
" bye Nay Sabel....Sa ulitin....
sabay kaway nang aking kamay sa kanila at tumalikod kala mo ha....
" shut up Brenda!!!!
narinig ko pang saway nang lalaking nag ngangalang Grayson .
ang arte e baka nga kong siya ang nag kapawis mas may amoy pa ito saakin eh.
maldita ka mas maldita ako di ako pinanganak na mahirap kong di ko kayang lumaban sa agos nang buhay
lalo na sa tulad niyong mga mayayamang mata pobre..tsk!!!
******
hello again Sa ulit ito nanaman ang bago niyong aabangan
Sana may nag share na man Sa kwento nila jorge at Celine
kong sakali mag a updates ako nang especiall chapter salamat❤