Chapter 22: Boosting his Self Confidence Crista's POV "Dalian mo na. Buti pa ako tapos na. (ノ_-。)" Sabi ko. "Pucha. Kung ikaw kaya ang pakuskusin ko dito? -____-" sabi ni Clein. "Kasalanan ko ba kung madaming labahin ngayong linggo? Kasalanan ko ba kung blinackmail nila ako? -___-" sabi ko. Eh kasi madami ang labahan ngayong linggo dahil na rin sa mga kolokoy kong kaibigan. Hindi naman kasi sila laging naglalagi sa bahay. Minsan umaalis rin sila pero babalik rin at gagawa nanaman ng kalokohan. Either maglalaro o magmomovie trip. Kung tutuusin, hindi ako sangayon na dito sila nakatira. Pero dahil sa sila ang "pamilya" ko ngayon, ay ok na rin. Tsaka masaya akong kasama sila. ('ω`) So dahil nga sa labing tatlo kami na andito at nagpapalit rin naman kami ng damit 2-3x sa isang araw ka

