Chapter 11

1584 Words
Masaya kaming kumain sa isang restaurant malapit lang sa University namin dahil manunuod pa Kami ng game nila kuya. "Ready na kami kuya para ipag cheer kayo. kaya, I'm sure panalo na yan." "Ofcourse Princess," pag sang-ayon ikaw ang lucky charm ko eh!" Binalingan ko naman si Gavin, "Good luck galingan mo! Yakang-yaka niyo 'yan!" pagpapalakas ko ng loob niya. "Thank's Aliah! Oo naman hindi kami magpapatalo para worth it 'yung pag cheer mo." ngumiti na lang ako at hindi sumagot dahil kinikilig ako. Simula no'ng huling pag uusap namin ay ngayon ko lang siya ulit nakausap. Talagang iniwasan kona siyaa simula no'n, nilaan ko ang sarili sa mga gawain namin sa school, mga tinapos na projects, practice, at iba pa. Nagpaka busy ako para hindi ko siya maisip at nagawa ko naman. Mag uumpisa na ang game nila kuya, kaya pumwesto sila Mommy malapit lang sa team. Kami naman ay nasa gilid ng court, nakakatuwa dahil sumama ang buong ka squad namin para ipag cheer sila kuya. Woooohh! "Go MSU win, win, win!" Sigaw naming lahat, pati ang mga school mate namin na nanunuod ay nakikisabay nadin. Kalaban nila ang mga taga Filamer University. Matatangkad at mga gwapo din, marami rin ang sumisigaw para sa team nila. Prriiiiitttttt.." Pito ng refery para mag jump ball na sila. Si Gavin naman ang sa MSU. Paghagis ng refery ng bola sa ere ay si Gavin ang naka kuha at pinasa papunta sa kasamang may jersey no. 3 nasalo naman agad nito at iniwas agad ang bola sa kalaban. Naghanap ng tyempo para makatakbo papunta sa ring pero nahirapan siya sa depensa ng kalaban. Kaya ipinasa nito kay kuya dahil bakante, nasalo nito agad at tinira ni kuya..." Pasok! Naka puntos sila. Nag sigawan naman kaming taga cheer ng team. Bola ng kabila kaya sila naman ang dumipensa, first quarter pa lang pero parehong mahigpit ang opensa, at depensa. biglang tinira ng may jersey no.5 Oliva ang nakalagay sa likod ng niya, pero nasobrahan sa lakas kaya tumama lang sa ring. Biglang nag rebound si Gavin at si no. 2 Bolivar ng kabilang team.Nakuha ni Gavin at dretcho dunk sa ring..." Pasok ulit. Waaahh! Oh! my god, ang galing ni Gavin. tili ni Stacey. "Grabe best, mas lalo siyang pumogi sa dunk na 'yon ah!" ani Jallessa "Oo nga eh! Kaso wala, hanggang tingin lang ako eh. Kaya pinilit kung umiwas, tama ba 'yung ginawa ko, Jah?" tanong ko rito habang nakatingin kay Gavin na naglalaro. "Ang alin? 'Yung hanggang tingin ka lang or pag iwas?" "Ha?" 'yon lang ang naisagot ko kay Jallessa "Ganito kasi 'yan best, diba sa pag amin mo sa kanya sabi mo magpaka tutuo ka lang? Eh, bakit ngayon gusto mo nang umiwas? tanong niya sakin, himdi nanaman ako nakasagot. "Sabi mo gagaan ang loob mo kapag nasabi mo na sa kanya 'yung feelings mo. Pero bakit ngayon nahihirapan ka?" "Ang hirap pala Jah'. Nasaktan ako ng sinabi niyang hindi kami talo, 'yung dating kasi sakin sinarado niya agad yung pinto nung sinubukan kung kumatok para pumasok.." nanubig ang mata nagbabatyag lumuha ngunit pinigilan ko. "Chill up Aliah, hindi ikaw 'yan eh! Asan na 'yung confident, fearless, fighter best friend ko?! napaligon ako kay Jallessa ng sinabi niya 'yon. "Hindi pag iwas ang sulusyon best. Sabi mo nga diba, magpaka tutuo, kaya 'yon padin ang gawin mo!" nabuhayan naman ak ng loob, basta talaga si Jah' ang kausap ko tungkol sa ganitong bagal gumagaan kahit papaano ang pakiramdam ko. "Sa ganda mong yan!" ewan ko lang, sa dami ng ngkaka gusto sayo kahit sa taga School best napansin 'yang beauty mo eh! Kaya hindi malabong magka gusto din siya sayo, no. Duuhh! natawa naman ako dahil ginaya magsalita si Stacey. "Ayan, edi tumawa ka din. Kaya 'wag ka nang umiwas, alam niyang gusto mo siya kaya pakita mo. Malay mo diba! aninya pa. "Kaya 'wag kang mawalan ng pag asa best. Andito lang kami ni Stacey hindi ka namin iiwan, laging naka kaming nakasuporta sayo." nakikinig lang ako kay Jallessa, nakatulong talaga ang mga advice niya sa akin.Tila nawala ang mabigat sa dibdib ko, gumaan ang naliwanagan ang isip ko! Tama si Jallesa. Lalo kung ipapakitang gusto ko talaga siya, at hindi na ko iiwas, ibabalik ko 'yung dati kung ano ang pakikitungo ko kay Gavin. "Salamat Jah," niyakap ko siya at yumakap rin siya pabalik. "Tama ka, 'yun ang gagawin ko." "Welcome best, pero naku! Nawili tayo sa pag uusap hindi na natin nasubaybayan 'yung game." kahit ako man. mawili talaga kami sa pa kwentuhan." natawa kami pareho. "Naku! Patapos na pala ang second half." ani ko. "Okey lang 'yan best, lamang tayo. 38 - 45 ang scores. Ayan break na nila, halika lapitan natin." Yaya niya sakin at sumunod naman ako!" Umpisahan mo na ngayon best, heheh Pawis sila oh! alam mo na 'yan." Tukso niya sakin, lumapit na kami sa kanila at agad kung dinampot 'yung towel ni kuya at binigay ko rito. "Thank you Princess," pasalamat ni kuya ng bigyan ko siya ng tuwal habang hinihingal. "Ano, okay ba 'yung laro namin?" tanong niya pa. "Oo ang galing niyo kuya! Ang gwapo mo lalo!" sabi ko kahit ang tutuo nawala kami sa fucos manuod dahil nawili kami ni Jallessa sa pag uusap." natawa naman si kuya sa sinabi ko. "I like that!" Upo muna ko don. "Sige." Papalapit na si Gavin kaya kinuha ko narin 'yung towel niya para ibigay sa kanya. "A-h G-avin, heto paa ang towel mo." s**t bakit ba ako nauutal. saway ko sa sarili. Ngumiti siya sa'kin, ng iabot ko sa kanya ang towel basang basa rin kasi siya ng pawis. "Salamat Aliah," kinuha niya agad 'yung towel at pinunas sa mga pawis niya. "Wait, I'll get you some water." kinuhanan ko siya ng bottles water sa may gilid kung nasaan banda sila couch. "Here," abot ko. "Thank you so much Aliah!" Akala ko hindi mo na ako papansinin ulit. I'm sorry for what I've said to you before, nabigla lang ako." hinhing pasensya niya sa'kin bigla ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil may girlfriend nga pala siya. "It's fine Gavin! No worries, and I still like you, nothings gonna change it. ani ko, lumapit ako sa kanya ng napaka lapit. "That's why I proved to you Gavin, that you don't want me as your sister, because I can be more than that!" Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, nalanghan ko ang mabango niyang hininga. Oh my, ang bango talaga. bulong ng isip ko. "Okay' prove to me then!" Hamon niya niya sa'kin at nagka titigan kaming dalawa. grabe ang lakas ng loob kung sabihin sa kanya 'yon pero ang tutuo ay nangangatog ang tuhod ko nanlalabot. "Sure my king," ngumiti ako ng matamis para matabunan lang ang kabang nararamdaman at pangangatog ng mga tuhod ko. Prriiiiitttttt...." Pito ng refery napalayo naman kami sa agad sa isa't-isa. "Sige na, mag start na ang 3rd quarter. Galingan niyo, goodluck." "Ofcoure my majesty, " sabay kindat pa nito. Hahaha! "Sige na! Balik na rin ako kila Jallessa. Bye!" nagpa alam na ako sa kanya at bumalik na sa mga kaibigan ko. "Gosh! Kinikilig ako, tutuo ba 'yon? Wait, paano 'yung girlfriend niya? tanong ko sa sarili para akong timang nagsasalita habang naglalakad mag isa. Anu kaba naman Aliah fate, Hindi pa naman kayo ah, prove it nga raw diba! Kontra ng isip ko! bahala na basta 'yon na muna ang isipin mo. Waahh! "Panalo tayo!" matinis na tili ni Stacey. Woooohhhh! "Galing niyo!" Sigaw ni Jallessa at sabay kaming nagpalakpakan. Agad ko silang sinalubong, akmang yayakap sana ako kay kuya nang pigilan ako nito. "Wait princess, pawis ako oh! Hahah! "Masaya lang ako kuya, congrats." bati ko rito. "Congratulations guys," binati ko rin ang buong team nila. "Ang gagaling nyo! Yan ang team work." ani ko pa na nakataas ang kamao para ipakitang malakas sila. "Salamat Aliah," pasalamat naman nila sa'kin. "Welcome guys," lumapit sa'kin si Gavin with open arms. "How about me? Hindi mo ba ako babatiin?" kunyareng nagtatampo, naangiti ako dahil ang cute niya. "Binati ko na buong team niyo, kaya kasama kana rin do'n." ani ko na kunyare wala lang. "What the?" kita ko ang disappointment sa mukha niya. Haha ha, natawa ako bigla, "Joke lang, congrats my king." ani ko sa kanya na kinaliwanag ng madilim niyang mukha. "Uy! Okay na sila ulit," tukso ni Stacey ng makalapit ito sa'min. "Congratulations Gavin, at sa buong team.." aning bati ni Jallessa "Yeah! Super fan kami, congrats sa buong team." ani rin ni Stacey "I'm proud to all of you team, sana mag tuloy-tuloy ang panalo natin para sa championship." Ani ni couch Samson ng makalapit ito sa amin abang nagbabatian. "Yes couch! Makaka asa ka diba, team?" malakas na boses ni kuya ng sagutin si couch at balingan ang mga ka-team. "Yes couch! Magpapatuloy tayo sa championship!" sabay-sabay nilang pag sang-ayon. "That's right," nagagalak sa naisagot ng team niya! "Sige magpahinga na kayo! May aasikasuhin lang ako, update ko kayo later sa schedule niyo next game team." agad naman na umalis si couch nang makapag paalam. "Group Hug!" Sigaw ni Mommy kaya nagsiyakapan kaming lahat. "Congratulations Anak, at sa team niyo. So, I know gutom na kayong lahat, let's eat." "Gusto ko 'yan Mom," sang-ayon ko. "Let's go, guys," inaya na kaming lahat ni Mommy para makag lunch. "Ang saya nang araw na to!" ani ko kila Stacey at Jallessa sabay kaming tatlo sa maglakat palabas ng gym.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD