CHAPTER 20 Gusto “That was for my fiancé.” Sa lahat ng posibilidad, ni hindi sumagi sa isip ko na fiancé ni Jinx ang nasa pinta niya. Kaya naman, hindi ko na nagawang makapagsalita agad sa sobrang gulat sa nalaman. Fiancé? Sandali. Hindi ko yata maintindihan. Seryoso ba? E ‘di ibig sabihin lang no’n, may girlfriend si Jinx? Sa naisip ko, bigla ko na lang naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Totoo ba ‘to? Bakit sa tagal naming magkausap, wala akong nakitang babaeng umaaligid sa kanya? Bakit? “T-Talaga? May fiancé ka pala?” Hindi ko na napigilang mautal sa pagsasalita pagkatapos ng ilang segundong pagiging tahimik. May parte sa puso ko na tila bumigat. Parang may hindi ako matanggap. Ang tanga ko lang. Ang bobo ko para isipin na walang nagmamay-ari

