*Anissa's POV* Maaga pa lang ng Sunday ay nagayos na ako ng breakfast. Kahit late umuuwi si Sana from work ay maaga itong nagigising. She's working twice as hard these days, malapit na rin kasi ang bayaran ng final tuition. Around 7:50 am ng magising na siya. Bumaba siya na naghihikab pa. "Wow nagluto ka ng breakfast. Hindi ba nasunog?" I rolled my eyes at her. I did quite few attempts on making our breakfast, pero yung mga nauna ay fail talaga. But today I think I nailed it. Mukha namang hindi over cooked ang bacon at pancake. "See it for yourself." Nilapag ko ang pagkain sa table at nagsmirk sakaniya. "Naks! Galing ah. Ilang pancake at bacon ang nasayang para lang sa perfect na lutong ito!" Pangiinis nito. "Siraulo." I laughed at her. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kaming dala

