Chapter 16 "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ni kanina pa naiinip at tila naguguluhan itong si Alex sa ginagawa ni Jervis sa kaniya. Una pinasakay siya helicopter na kung saan first time niyang gawin sa tanang buhay niya. Na kahit na takot ito sa heights e nagawa parin niyang labanan ito ng hindi niya inaasahan at marahil e dahil na rin sa mga wisdom of words na sinabi ni Jervis na hindi siya hahayaan na masaktan ito o may mangyaring masama rito, kaya nagkaroon din siya ng tiwala kahit papaano. Tapos pagka-ahon nila galing sa isang isla ay mayroong isang kotse na itim ang sumundo sa kanila, pagkatapos ay do'n na siya piniringan ng binata at sinabing parte iyong ng kaniyang surpresa para sa kaniya. Naramdaman naman ni Alex na huminto ang kotse kanilang sinasakyan at bumukas ang pintu

