Chapter 25 Bumukas ang pintuan at napasilip si Alex mula sa kusina't tinignan kung si Sam na nga ba iyong pumasok, at hindi siya nagkakamali si Sam na nga ito, pero bakit parang pakiramdam niya ay parang badtrip ito? Nakano't kasi ang noo nito at para bang ang asim ng mukha. "Honey? Okay ka lang?" tanong ni Alex sa asawa niyang si Sam. Pagkatapos uminom ni Sam ng isang bagong tubig ay bigla niyang hinagis ito sa may lababo, nagulat at nabigla si Alex sa inasal ng asawa. Nabasag ang baso at tinignan siya nito ng masama. "S-sam, a-anong bang problema?" garalgal ang boses ni Alex at unti-unti na siyang binabalutan ng takot sa katawan nito. Lumapit si Sam sa kaniya at sinambutan siya. "S-sam, aray! Nasasaktan ako!" hinaing pa ni Alex sa ginagawang pagsambunot nito sa kaniyang buhok. Inila

