Chapter 23 Nakipagkita si Jervis kay Klyde sa bago nitong opisina. Sa opisina ng kaniyang Tatay, siya na kasi ngayon ang CEO ng kanilang kumpanya, pero naninibago parin si Jervis sa kilos at pananalita ni Klyde, para raw kasing hindi ito ang kaibigan niya, pero masaya siya para sa pagbabago ng kaibigan. "Oh? May problema ba?" bungad na tanong ni Klyde kay Jervis, hanggang sa bumukas ang pintuan at pumasok ang isang magandang dilag. Natuon ang tingin ni Jervis rito dahil sadyang maganda ang malakas ang dating ng babaeng ito. "Ay, may bisita po pala kayo!" medyo sarkastikong pagkakasabi ng babae sa kaniyang Boss. Natawa si Jervis dahil parang sa tingin niya e, itong klase ng babaeng ito ang titiklop sa pagiging babaero ng kaibigan. "Sige, Sir. Iiwan ko nalang po muna ito," saka umalis a

