--- Chapter 21 "Naglilinis lang ako ng oras na iyon nang nagulat ako sa biglaan niyang pagdating tapos hindi ko napansin na nabangga ko pala iyong vase sa gilid ko't ayun nabasag ng hindi ko sinasadya tapos... tapos..." umiyak siyang muli habang nagkukwento. Ramdam parin ni Jervis ang takot sa mga mata ni Alex. Maski rin naman siya ay takot sa kaniyang Lolo. Lolo na niya ito ah? Kadugo, at tagapagmana ng kaniyang mga ari-arian pero nahihirapan siyang pakisamahan ang matanda dahil na rin sa ugali nito. Masasabi niyang ayaw niyang maging katulad nito na simula no'ng yumao iyong taong mahal niya sa buhay which is iyong Lola niya ay nagbago na ang ugali nito, pero hindi niya masisisi ang kaniyang Lolo, dahil pinaka-mamahal niya ang nawala, naging ganito rin siya no'ng nawala sa kaniya si Al

