Chapter 3

2977 Words
Chapter 3 "Naaadik ka na yata sa larong 'yan," nakangiting saad ni Gavil habang pinagmamasdan si Allane na abala na naman sa paglalaro ng cellphone. Katatapos lang nila kumain at niyaya siya ni Allane sa balkonahe na konektado sa kwarto nito. "Paano ba laruin 'yan, hmm?" "Easy peasy, Honey." Nilingon niya si Gavil at saglit na tumingin sa mga mata nito. Mapupungay ang mga matang iyon, mga matang bumihag sa bata pa niyang puso. Hindi niya talaga akalain na mahuhulog ang loob niya sa binata. Katunayan ay kuya ang tawag niya rito noon dahil matalik na kaibigan ng Kuya Vaylord niya. Palagi tumatambay si Gavil sa mansiyon hanggang namalayan na lang niya na kakaiba na ang nararamdaman niya sa binata sa tuwing kakausapin siya nito kahit na palagi niya itong tinatarayan noon. "What's the mechanics, My Luna?" bulong ni Gavil at pinasandal sa sariling dibdib ang likod ng ulo ni Allane matapos gawaran iyon ng isang masuyong halik. Hindi mawala ang ngiti sa labi ng dalaga. Ang swerte niya talaga kay Gavil dahil bukod sa mahal siya ay hindi nagagalit kahit nagbababad siya kalalaro sa cellphone imbes na pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. 'Yong ibang kaibigan niya ay galit na galit sa tuwing maglalaro ng kung anong game app sa tuwing kasama ang kani-kanilang kasintahan. "Napakadali lang naman nito laruin, Honey." Ibinalik niya sa menu at muling pinindot ang game app na Journey to the Lost Kingdom at ipinaliwanag ang mechanics niyon. "Ganito lang, Honey. Una, pipili ka ng magiging hero mo. Marami ka namang pagpipilian, e." Itinaas niya sa ere ang hintuturo, "And take note, ha, lahat sila ay mga dugong bughaw." Ipinakita niya ang listahan ng mga dugong bughaw na pagpipilian ng player. "So, I chose a princess cause I wanna be a princess someday." Napakalapad ng ngiti niya. "So, here, if you wanna choose a prince, princess, a king or queen, duke or duchess, just press the circle below them and you're good to go on a first level. May mission ang bawat level at kapag nagtagumpay ka sa mission na iyon, voila! May naghihintay na reward sa 'yo and you'll going to advance to the next level. I already got my latest reward. It's a century old tiara for my hero princess." Tuwang-tuwa si Gavil habang nakikinig sa mga paliwanag ng nobya. Ito ang minahal niya kay Allane, napakatiyaga magpaliwanag ng dalaga. Hindi sila nauubusan ng kuwento kapag ganitong magkasama sila. Kahit mabigat ang problema niya sa kasalukuyan ay gumagaan kapag kaharap na niya ang nobya. "Tiara? Really, Honey?" nangingiting tanong ni Gavil. "It's better if you got a sword and an armor." Nangunot ang noo ni Allane. "Hindi 'yon bagay sa isang prinsesa, Honey, although isa 'yon sa mga reward na pagpipilian. A sword and an armor is for a prince or a king." Mariing tinitigan ni Allane ang nobyo. "You sound like my kuya, Honey." "Am I?" Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga. "Hmm. Gusto n'yo yata ako maging tomboy." Tumawa siya. "Gusto ni kuya na ma-perfect ko ang mga galaw sa larong arnis at 'yong itinuro niya sa akin dati. 'Yong ju...judo. 'Yon nga. Judo nga." Umiling-iling siya. "Ayoko ng judo na 'yon. Nagmumukha akong tomboy." Muli niyang isinandal ang ulo sa dibdib ni Gavil matapos ilapag sa mesa ang cellphone. Hindi na rin naman kasi siya makakapaglaro dahil naubusan na siya ng lives. "Vaylord wants you to be safe all the time. Kaya siguro gusto niya na matuto ka ng self defense." "Which I don't like," maarteng saad niya saka inirapan ang nobyo. Lihim na lang na napangiti si Gavil. Maldita ang nobya niya at kung sasawayin niya ito, malamang hiwalayan siya nito nang wala sa oras. Gamit ang kaliwang kamay ay pinasadahan niya ang may kahabaan na niyang buhok saka huminga nang malalim. Hindi talaga siya mananalo sa kasintahan kaya hinigpitan niya na lang ang pagkakayakap dito at muling ipinatong ang baba sa kanang balikat ng nobya. "I wonder how would you find that lost kingdom," saad ni Gavil mayamaya. "A key." Habang nakasandal sa nobyo ay hinaplos ni Allane ang kanang pisngi nito. Napapikit na lang si Gavil sa ginagawa nito. Gustong-gusto niya iyon. "Key?" "Yup! Malapit ko na sanang makuha 'yong susi ng Lost Kingdom, pero hayun, naubusan ako ng lives. Maghihintay na naman ako nang ilang oras so they could give me another sets of lives." "You could give them money in exchange for another sets of lives." "No," agad na tugon ng dalaga. "Wala silang gano'n, Honey. At ayoko rin namang magbayad para makapaglaro lang. That's cheating." Napakunot ang noo ni Gavil. Isa kasi siyang game app developer at lahat ng mga game app na nire-release ng kaniyang kompanya sa international market ay may bayad kaya nagtataka siya kung bakit namumukod tangi ang game app na nilalaro ni Allane ang hindi nagpapabayad. "That's not cheating, Honey. That's just how it works. It's a business after all. You create something beneficial for the people and in exchange you'll earn money from what you've created." "So, you mean lahat ng game app na ni-release ng company mo ay may bayad?" "Technically, yes. But it's just a little amount of money. And WOLF Company isn't just a business. It is also a company that funds a different projects made by the world's known scientist." Pag-aari ni Gavil Wolf ang kompanyang WOLF, World Of Life Fantasy na gumagawa ng mga appliances na makapagpapagaan sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao. Maging ang mga kagamitang pang-agrikultura ay pinasok na rin ng kompanya kaya hindi na nakapagtataka kung pati ang high technology gaya ng paggawa ng spacecraft ay pasukin na rin ng binata. "Why don't you make a machine that would bring us to the future or to where we were before this lockdown begins?" maarteng suhestiyon ng dalaga. Umarko pa ang kilay niya dahil sa stress na dulot ng lockdown. "Naiinis na ako sa lockdown na ito. Gusto ko ng makawala rito sa bahay. Sa aming tatlo, si Kuya lang ang nakakalabas dahil siya ang may hawak ng quarantine pass sa bahay na 'to." "I already made one, Honey," may pagmamalaking tugon ng binata. "But it's not for mass consumption. Hindi pa namin siya nasusubukan sa tao, pero sigurado ako na gagana 'yon." "Oh? Wow!" Niyakap niya nang mahigpit ang binata sa sobrang saya. Sa wakas makakapag-travel na siya sa past o kahit sa future. "So kanino n'yo sinubukan? Animals I bet?" "Chimpanzee." "As usual." Umikot ang mata ni Allane. "Kawawa naman ang mga chimpanzee." "Next, we are going to use a vampire as a test subject?" Napaawang ang labi ni Allan nang marinig ang huling sinabi ng nobyo. "Vampire? Do they exist, Honey?" Kinakabahan siya sa isasagot nito. "Others said they exist. I might believe if I see one." "Bored na bored na talaga ako rito sa bahay, Honey," pag-iiba ni Allane sa usapan. May kutob siyang nakakahalata na ang nobyo sa tunay na pagkatao ng Kuya Vaylord niya. "Then come with me at the Forest Kingdom tomorrow," bulong ni Gavil. "I'll give you a tour. Don't worry, iuuwi kita sa hapon. Gusto ko lang makita mo ang lugar kung saan ako nanggaling. Sigurado akong magugustuhan mo roon." Nilingon ni Allane ang nobyo saka inirapan."Sira ka ba? Alam mo ng bawal lumabas. Naka-lockdown ang buong bansa. Sumunod na lang tayo sa batas para hindi na lumala pa ang transmission ng virus." "I'm a law-breaker, Honey." Pinagdikit ni Gavil ang kanilang mga noo. "Remember that I am the Alpha and soon to be King of Forest Kingdom. I can go whenever and wherever I want." "Yabang mo talaga," natatawang tugon niya. "That's why you couldn't be a princess, Honey," muling bulong ng binata. "You're going to be a queen. My queen, My Luna Queen." Tumayo si Gavil habang pangko ang dalaga. Naglakad siya malapit sa balustre kung saan natatanaw nila ang kabuuan ng bayan ng Santa Teresita. Bumaba si Allane at niyakap ang binata. Na-miss niya ang ganitong pakiramdam. 'Yong silang dalawa lang sa gitna ng kabilugan ng buwan. Tahimik ang kapaligiran maliban sa maya't mayang paghuni ng mga panggabing ibon. "I miss you, Gavil." Isiniksik ng dalaga ang sarili sa matipunong dibdib ng binata. "A lot." "I miss you too, Honey." Hinawakan ni yang magkabilang pisngi ng dalaga saka matamis na ngumiti. Bilog na bilog na ang buwan kaya kitang-kita na ni Allane ang kabuuan ng mukha ng nobyo. Pinasadahan niya iyon gamit ang kanang kamay niya na wari bang kinakabisa ang bawat anggulo niyon. Natatakot siya sa maaaring mangyayari sa mga susunod na araw lalo pa't tila ipinapahiwatig ni Gavil na naghahanap ang grupo nito ng bampira na maaaring gawing test subject. Ayaw niyang maging test subject ang kuya niya. Mas gugustuhin niya na siya na lang ang gawing test subject tutal gustong-gusto niya naman na makapag-time travel para maiwasan ang kasalukuyang lockdown. "Gawin mo na lang kaya akong test subject, Honey," masiglang saad ng dalaga saka kumalas sa pagkakayakap ng nobyo. Ipinatong niya sa magkabilang balikat ni Gavil ang magkabila niyang kamay. "Gusto kong mag-time travel." Ipinulupot ni Gavil ang mga kamay sa baywang ng dalaga. "You are not qualified for that role. The perfect role for you is to be by my side, Honey." Ngumiti siya at lingid sa kaalaman ni Allane ay may sinenyasan ang binata sa labas ng mansiyon. Mayamaya ay tinanggal ni Gavil ang mga kamay ng dalaga na nakapatong sa mga balikat niya. Umurong siya nang kaunti saka may kinuha sa bulsa ng suot niyang pantalon. Lumuhod siya sa harapan ni Allane saka binuksan sa maliit na kahon na naglalaman ng isang singsing. Walang imik si Gavil, nakangiti lang habang nakatingin sa nobya. Maluha-luha naman si Allane habang nakatingin sa nakaluhod na nobyo. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Gavil dahil wala naman siyang naririnig mula sa bibig nito. Nakatingin lang ito sa kaniya at napakaluwang ng pagkakangiti. Gamit ang mga kamay ay tinakpan ng dalaga ang bibig nang makita sa ere ang mga salitang, "Will you marry me, Allane?" Malapad na tarpulin iyon na may kasamang kulay pink na lobo habang nililipad ng hangin. Sa may gate mismo iyon ng mansiyon kung saan nakaharap ang balkonahe papasok sa kuwarto niya. "Will you marry me, Honey?" tanong ni Gavil. Tumango si Allane. "Yes, Honey." Maluha-luha pa rin siya habang isinusuot ng binata ang singsing sa daliri niya. "Thank you." Ginawaran ni Gavil ng masuyong halik ang noo ng dalaga. Kasabay niyon ay narinig nila ang pag-alulong ng mga lobo sa labas ng mansiyon tanda na pakikiisa sa kasiyahang nararamdam nilang dalawa. "You surprised me," saad ni Allane na nakayakap pa rin sa nobyo. "I don't want to lose you. You don't know how much it hurts me knowing you're in pain and I am miles away from you." Sa ilalim ng bilog na bilog na buwan ay masuyong hinalikan ni Gavil ang dalaga. Tumagal ang halik na iyon nang ilang minuto hanggang sa kusang naghiwalay ang kanilang mga labi. Mababanaag ang kasiyahan sa mukha ng dalawang taong nagmamahalan. "I want to talk to your brother," saad ni Gavil nang muli silang maupo sa bench. Malapit na maghatinggabi at tila walang planong umuwi si Gavil. "Why?" Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "Honey, you're dad isn't around and Vaylord is the only family you have aside from your mom. I think it's the right thing to do if I we let him know about us getting married." Rumihestro ang takot sa mukha ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman ni Vaylord na pumayag siya na magpakasal kay Gavil. Tiyak niyang hindi iyon matatanggap ng kapatid. Bumuntong-hininga siya. "I don't think it's a right idea. Kuya never likes you in the first place." "Wala namang mawawala kung susubukan natin. He's your brother, nararapat lang na irespeto natin siya." Niyakap niya na lang ang nobyo. Natatakot talaga siya sa maaring mangyari. Noon pa ay alam na niya na may kinikimkim na galit ang kapatid niya. "It's almost twelve midnight, Honey. It's time to go home. Baka maabutan ka pa ni Kuya." "Mas mabuti para makausap ko siya." "No. Ako na ang kakausap sa kaniya bukas." Ramdam ni Gavil ang takot na nararamdaman ng dalaga. "Relax, Honey. Magiging maayos ang lahat. Kilala ko si Vaylord. He's my bestfriend right?" "Ex-bestfriend." "Still, he's my bestfriend." Hindi na nakipagtalo pa si Allane. Ipapaubaya na lang niya ang lahat sa nobyo. Sana lang ay maging maayos ang lahat. Mayamaya ay may kinuha si Gavil sa bulsa ng suot nitong pantalon. Maliwanag na sa bahaging iyon kaya napakunot ang noo ng dalaga nang masipat ang hawak ng nobyo. Kuwintas iyon na hindi niya maintindihan kung anong klase ang pendant. Parang ngipin ng kung anong hayop. "What's that? Eww." Tinakpan ng dalaga ang bibig dahil nandidiri siya sa hitsura niyon. "Dragon's fang, Honey. That's what my foster mom said." Nagbago ang reaksiyon ng mukha ni Allane. She always been fascinated by dragons. Isa iyon sa mga gustong-gusto niyang hayop kaya nga iyon ang unang-una niyang binili sa game app na Journey to the Lost Kingdom gamit ang points na nakuha niya sa bawat mission. "Wow!" may paghanga niyang saad pero bigla ring nangunot ang noo. "Are you sure it's a dragon's fang? It's too little to be one." Dalawang pulgada lang kasi iyon. Nagkibit-balikat ang binata saka isinuot sa leeg ni Allane ang kuwintas. "Sabi nila poprotektahan ng dragon ang sinumang may suot ng pangil na ito." Nagpasalamat na lang ang dalaga. Wala na siyang lakas para makipagtalo pa. Inaantok na siya at tila walang planong umuwi ang nobyo. Hanggang sa makatulog na siya sa mga bisig nito. Napangiti na lang si Gavil habang pinagmamasdan ang tulog na kasintahan. Pinangko niya ito at dinala sa kama para maayos itong makatulog. Sa baba niya na lang hihintayin si Vaylord. Kalalapag pa lang niya sa dalaga nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang taong hinihintay niya— si Vaylord. Madilim ang mga mata nito habang mariing nakatitig sa dating kaibigan. "What are you doing here?" malakas na sigaw nito pero hindi man lang nagising si Allane. Senenyasan ni Gavil si Vaylord na huwag maingay at nang masigurong maayos na ang pagkakahiga ng dalaga ay niyaya niya si Vaylord sa ibaba. "Sinabihan na kita noon pa na hiwalayan mo ang kapatid ko!" bulyaw ni Vaylord habang pababa ng hagdan. "I love her," tugon ni Gavil nang makababa na sa living room. "Really? At anong buhay ang ibibigay mo sa kapatid ko? Manirahan sa kagubatan kasama ang taong-lobo na kagaya mo?" Hinatak ni Vaylord ang kwelyo ng suot na damit ni Gavil saka nagpakawala ng isang suntok. Tumama iyon sa panga ni Gavil. "Kuya?" Umalingawngaw ang boses ni Allane sa apat na sulok ng mansiyon. Naroon siya sa itaas ng hagdan at nakamasid sa kapatid na walang habas sa pagsuntok kay Gavil. "Stop it, please." "Huwag kang mangialam," sigaw ni Vaylord saka inilabas ang pangil. Handa na sanang kagatin ang dating kaibigan nang biglang tumalon si Allane mula sa itaas. Nagulat ang dalaga sa ginawa niyang pagtalon pero hindi na niya iyon pinansin dahil nasa utak niya ang pag-awat sa kapatid. Mabilis niyang kinuha ang espada na nakasabit saka itinaas iyon. "Stop it, Kuya! Or else..." Sa isang iglap ay nag-uunahang makakubli sina Vaylord at Gavil sa mini bar na naroon malapit sa pintuan palabas ng swimming pool. Panay ang mura ng huli dahil sinakal siya ng kapatid ng dalaga. Hindi naman siya makaganti dahil iniiwasan niyang magalit ang nobya. Pinilit niya na lang abutin ang isang pack ng iodized salt na naiwan sa bar counter katabi ng manggang hilaw na dala niya kanina para sa dalaga. Ang alam niya kasi takot sa asin ang mga bampira. Nagkatotoo ang hinala niya na isang bampira ang dating kaibigan. "Kuya, tama na," muling pakiusap ni Allane dahil dinig na dinig niya ang pagsigaw ni Gavil tanda na nahihirapan na ito. Hindi maabot ni Gavil ang asin kaya dali-daling lumapit si Allane sa bar counter ngunit bago pa iyon mangyari ay biglang umilaw ang mini lamp na katabi ng asin at manggang hilaw. Isa ang mini lamp na iyon ang dala ni Gavil kanina para sa dalaga. Namangha si Allane nang pumailanlang sa ere ang tunog na tila may naganap na pagsabog kasabay ng paglabas ng kulay pula, asul, at berde na sinag na nanggagaling sa mini lamp. Direktang kumonekta ang tatlong sinag na iyon sa hawakan ng espada pati na sa cellphone niya na naroon sa bulsa ng suot niyang short shorts. "Hindi," usal ni Gavil nang mabitawan ni Vaylord mula sa pagkakasakal. "Hindi ito maaari." Gulat na gulat ang binata maging ang magkapatid nang magsanib ang mga sinag na nanggagaling sa hiyas ng espada, sa mini lamp na naimbento ng mga siyantepikong hawak ni Gavil at ang cellphone ng dalaga na gawa rin ng kompanya ni Gavil. Naghugis tatsulok ang mga sinag na iyon at hindi nagtagal ay isa na namang nakasisilaw na na liwanag ang nasaksihan nilang tatlo kasabay ng isa pang nakabibinging pagsabog na hindi nila alam kung saan nanggagaling. Agad nilang tinakpan ang kani-kanilang mga mata dahil halos hindi na nila makita ang paligid at puro ingay na lang ang kanilang naririnig. Ilang saglit pa ang dumaan ay napaluhod ang dalaga dahil biglang nginig ang mga tuhod niya sa lakas ng vibration na nagmumula sa cellphone na naroon sa bulsa ng suot niyang short shorts. Tila namanhid ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at sa sobrang takot ay nabitiwan niya ang hawak na espada kaya naputol ang pagkakakonekta ng mga sinag dahilan para mawala ang liwanag subalit sa isang iglap ay nilamon naman sila ng walang katapusang dilim.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD