[Julia's POV] Umaga na ngayon at araw ng Linggo. Katatapos lang namin mag-almusal ng mag-ama ko at ang araw na ito para samin ay Family Day. Masaya kaming tatlo na naglalaro ng Truth or Dare nang may biglang kumatok sa pinto ng bahay ni Franco. "Sino kaya iyon?" tanong ng anak ko. "Baka ang Tita Noli mo." sagot ko. "Sandali, titignan ko." ani ni Franco at tumayo siya tapos tumungo sa pinto at pagbukas niya rito ay nanlaki ang mga mata niya. "Love, sino 'yan?" tanong ko at lumapit kami ni Billy sakanya. Nagulat din ako sa nakita ko dahil..."Mommy?" tanong ko. "Oo, anak. Ako ngaㅡI want you to comeback in our mansion." ani niya at nakangiti pa saamin. "Pero, mom...masaya pa po kami dito sa bahay ni Franco. Pwede po bang dito muna kami kahit kaunting panahon nalaㅡ" naputol ang sinasabi ko ng

