[Julia's POV] Oh my god, 'wag kang titingin Nina. Nakita ko na ang mahabang buhok ni Nina na kulay reddish orange at tila sunod na ang ulo niya na titingin dito sa ilalim ng kama ng bigla naming narinig ang boses ni Lee. "Mommy! Halika rito may-ibibigay ako sayo!" sigaw ni Lee sa Mommy niya at napahinto si Nina sa gagawing pagsilip saakin. Ilang segundo pa ay tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto nila ni Trevor. Binantayan ko rin ang pasukan sa kwarto nila Nina kung may papasok pa o dadaan pero wala naman matapos ang ilang segundo. Dali-dali akong lumabas sa ilalim ng kama nila Nina at lumabas ako ng kwarto nila habang inaayos ang damit at buhok ko. Pumasok naman ako sa isa pang Cr dito sa 3rd floor at ini-lock ko ang pinto. Ini-rolyo ko ang skirt ni Nina at ipinasok ko iyon sa sl

