Chapter 30 | Suicide or Murder

849 Words
[Continuation to Nina's POV] Kinabukasan ay nakaburol na si Daddy sa isang funeral home. Kulay puting kabaong na may apat na Ruby stones sa apat na corners. Medyo malawak ang kwarto kung saan nakaburol si Daddy dito sa funeral home. Narito ang lahat sa pamilya namin maging sina Julia, Billy at Franco at si Noli rin. May iba ring mga bisita na nakaupo sa mga benches. Kami ni Georgia ang nagaasikaso sa mga bisita na dumadating habang si Aunti Sarah, Trevor at Franco naman ang namimigay ng mga makakain at maiinom ng mga nakiramay. Si Mommy naman ay nakaupo lang sa harap at tahimik na umiiyak. I saw Julia stand and walk towards the females comfort room. Inaya ko si Georgia na sumunod saakin papunta kay Julia. Pumasok kami ni Georgia sa Cr at nakita namin si Julia na naghihilamos at pinupunasan ang mukha. "Are you happy now? Namatay si Daddy ng dahil sayo." mahina kong sabi at tinapon ni Julia sa basurahan yung tissue na pinampunas niya sa mukha niya saka humarap saakin. "Sige Nina, panindigan mo na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito." sagot niya. "Bakit bigla ka ata naging palaban? May Inspiration ka ba?" sarkastiko kong sabi at tumawa kami ni Georgia saka nag-apir. "Haha! Na-realize ko lang kasi Nina na...hindi pala dapat ako nagpapauto at nagpapaapi sa mga katulad mong tuso." sagot niya. "Kung ano-ano naman sinasabi mo. Aminin mo nalang kasi na ikaw ang tumulak kay Daddy sa building kaya siya namatay." sabi ko. "Oh talaga Nina? Paano mo naman nasabing hindi Suicide ang nangyari kay Daddy kundi Murder? Paano mo nasabing tinulak si Daddy kaya siya namatay?" sarkastiko niyang tanong at napalunok naman ako tapos tumahimik sa loob ng cr. Lumapit saakin si Julia ng kaunti habang naka-crossed arm. "Hindi kaya...hindi kaya ikaw ang pumatay kay Daddyㅡ?" sabi niya at bigla ko siyang sasampalin dapat pero sinalo niya ang wrist ko kaya hindi ko siya nasampal. "Oops! 'Wag kang guilty Nina. Sa sinabi mong iyan pwede ka maging suspect." sabi ni Julia. "Hindi ako ang pumatay kay Daddy, bitawan mo ang kamay ko!" utos ko sakanya at hinablot ko pabalik ang wrist ko na hawak niya. "Ikaw, Julia. Ikaw ang dapat maging Suspect. Kaya mo ngang magnakaw diba? edi ibig sabihin kaya mo ring mag-commit ng murder." sarkastiko kong sabi. [Julia's POV] "Nina, alam ng diyos na wala akong ni isang krimen na ginagawa or ginawa. Ipapakulong mo ako? Go, Hindi ako natatakot dahil malinis ang konsyensya ko Nina. Ikaw ang dapat matakot pag ako na ang nagdemanda sayo." sabi ko at biglang pumasok ang kaibigan kong si Noli sa Cr. "Bes, kanina pa kita iniintay ah?" sabi niya. "Oo Bes, lalabas narin ako. May kumausap lang kasi saakin. Akala niya naman matatakot ako sakanya." sarkastiko kong sambit at kumapit ako sa braso ni Noli tapos lumabas na kami ng Cr. Narinig ko naman sa labas bago tuluyang sumara ang pinto ang inis na ekspresyon ni Nina pag natatalo siya. Napangiti nalang ako saglit. Akala niya ba ha? Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatunayan na siya ang nasa likod ng lahat ng ito. Bumalik na kami ni Noli sa inuupuan namin kanina. Hindi ko rin nilalapitan si Mommy dahil magagalit lang siya. Gusto ko man siyang lapitan at i-comfort, wala eh. Galit na galit siya saakin ngayon. [Billy's POV] Wala na si LoloㅡSobrang...nalulungkot ako ngayon, for sure lalo na si Lola. Kasama ko ngayon sina Andrew, Rina at Jelly pati si Tito Hideo. Narito kami sa Rooftop ng Funeral Homes Building at nagpapahangin 7pm narin kaya medyo malig dito sa rooftop. "Tito, baka malasing kayo niyan ha? Sainyo naman may mangyaring masama." mahina kong paalala kay Tito dahil kanina pa siya umiinom ng beer sa malaking bote. "Haha! Ikaw talaga Billy. Kaya ko naman ang sarili ko ano. Tsaka hindi pa ako pwedeng mamatay. Gusto ko pa magka-asawa at pamilya." sagot ni Tito Hideo at may mapait na ngiti sa kanyang mga labi. "Tito, everything will be okay. We just need to accept the fact naㅡwala namang hindi nawawala dito sa mundo." mahinang sabi ni Jelly. "Alam ko naman 'yun Jelly eh. Hindi lang ako makapaniwala at hanggang ngayon ay gulat parin ako dahil sobrangㅡbiglaan ng lahat." sagot ni Tito at uminom ulit siya ng Beer. Bigla namang dumating si Lee kasama sina Navee, Piper at Vince. "Uncle, pinapatawag ka po ni Lola sa baba." ani ni Lee. "Talaga? Oh sige. Bababa na ako Billy, diyan na muna kayo ng mga kaibigan at pinsan mo." paalam ni Tito at bumaba na siya sa room kung saan ang burol ni Lolo. Lumapit naman saakin si Lee ng kaunti. "Ang kapal din ng mukha niyo ng mama mo pumunta dito after all what you did." malamig na sambit ni Lee. "Lee, ayoko ng away please." mahina kong sabi at tumayo na ako pati sila Jelly. Tapos nang maglalakad na kami palayo ay hinablot ni Lee ang braso ko tapos iniharap niya ako sakanya tapos nagtitigan kaming dalawa. Ano bang problema niya? [To be Continued...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD