IMBES na sumagot sa kanya ay nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa loob. Lahat ay tulog na at tahimik na ang kabahayan. Tonight was fun and exhausting at the same time. Mababait naman ang mga kaibigan n'ya, at kahit si Gwen ay friendly. Ang tanging tao lang doon na mukhang ayaw sa akin ay si Kate. Of course, bakit naman s'ya matutuwa sa akin kung nasa bisig ako ng ex-boyfriend n'ya. Sa totoo lang, akala ko nga ay pasasakayin na lang ako ng taxi ni Sir Jacob. Base sa pulang lipstick na mantsa sa damit n'ya ay hindi malabong si Kate ang kaharutan n'ya kanina. Idagdag pa na kumapit ang pabangong pambabae sa kanyang suot. Mabuti na lang talaga at ang palabas namin kanina ay hindi pa kami mag-jowa. Kung nagkataon, magmumukha akong katawatawa. Maingat kong hinubad ang suot ko nang makapasok

