NABITIN sa ere ang kamay ko na may hawak na kubyertos. Okay na sana eh, kakain na lang ako pero mukhang mauuns'yami pa. Hanga din naman ako sa taong ito, mukhang ginabi na ng uwi ay maaga pa rin magising. Isang bagay na ipinagtataka ko dahil wala naman s'yang pinagkakaabalahang trabaho. Nakasuot pa s'ya ng pajama at mukhang kababangon din lang. "Good morning po, Sir Jacob." At least hindi ba, hindi ko nakalimutang bumati ng may pag-galang sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo n'ya. "Didn't I tell you not to call me that." Pero bago pa ako nakahuma ay nakuha na n'ya ang kamay kong may hawak na tinidor at sa dulo noon ay ang hiniwa kong tapa. He took it then let go of my hand. Habang ngumunguya s'ya ay hindi inaalis ang mga mata sa akin. Nakaramdam ako ng hiya at at kahit gutom na ako

