JACOB rented a van this time around at pinakiusapan n'ya si Kuya na tulungan s'ya. Para daw makapasyal kaming lahat na magkakasama. He wants to go to the beach, go camping and so much more. Ang dami n'yang plano, and in all of it -- I was included. Masaya ang naging bakasyon namin at halos ayaw na naming umuwi. Simple lang ang pamumuhay namin pero naka-adapt si Jacob. And I think that's why my family was not shock when we told them we got married. Si Tatay ang unang bumati sa amin at masayang masaya s'ya. Ibinulong n'ya sa akin na nagpaalam si Jacob sa kanya bago kami bumalik sa Maynila. Learning that my husband asked my father for my hand in marriage brought warmth to my heart. Ang buong akala ko talaga ay nagpakasal ako na walang bendisyon mula kay Tatay. Pero nang malaman ko ang tun

