ISABELLE POV Masaya kaming nagsabay-sabay kumain. Si Katherine ay wala parin ipinagbago sa pagiging madaldal. Matapos namin kumain ay pumunta kami sa garden kung saan ay nagsulat kami sa mga bato. Nandito parin at walang kupas ang ganda. Nag-asaran pa kami nina Ysa at Katherine, siguro ay namiss namin talaga ang isa’t-isa. Sana ganito na lang palagi, walang away at palaging masaya na lang. Namiss ko bigla sila mommy, sana ay nasa mabuti silang kalagayan ngayon. Nangako naman si Manang Constancia na babantayan niya sila mommy at daddy. “Saan ka nga pala tumuloy?” tanong ni Ysa. “Kay Vien,” sagot naman ni Katherine. Nagkwento naman siya sa mga ginawa nila. Sayang lang at hindi namin siya ngayon kasama. “Nililigawan siya ngayon ni Tyzon,” saad pa niya na nagpatigil sa akin. Tumingin si

