“Ysa, Isabelle siya ang lola ko,” pagpapakilala niya. Parang naestatwa akong tinignan si Mang Constancia. Hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan at nagpakita siya sa akin? Kung hindi ako nagkakamali, may kinalaman nga ako kaya lagi niya akong pinapaalalahanan. “Masaya akong makita kayo, lalo kana Isabelle,” bati ni Manang noong makita ako. “Alam ko na ang lahat,” sabat naman ni Katherine at nginitian ako. Taka ko silang tinignan, “Si-sino ba talaga kayo?” Tumayo si Katherine at ramdam kong huminga muna siya ng malalim bago magpaliwanag. “Isa din akong hybrid Isabelle. Mula sa ninuo naming si Aurora, siya ang dating mayordoma ng pamilyang sumalakay sa pamilya ng mga bampira noong World War 2,” Naalala ko bigla ang kwento sa akin ni Tyzon. Kung gano’n, sangkot ang pamilya ni Kathe

