Matapos ng mahabang discussion ay nagring na rin ang bell para sa lunch break. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito ay para kausapin sina Katherine tungkol kay Isabelle ngunit madalas nilang kasama si Vien. Walang anumang ideya si Vien na si Katherine ang ikawalong salinlahi sa lahi ng witch. Ang tangi niyang alam ay ay pagkatao lang ni Ysa. Nahintay ako ng magandang pagkakataon para makausap sila. Nagbalikan na ang bawat estudyante sa room matapos ng lunch at nakita ko naman papasok na rin si Katherine sa room kaya agad ko siyang hinitak papunta sa likod ng building. Nagtataka niya akong tinignan matapos ay umayos na rin ang itsura niya. “Bakit tayo nandito?” tanong niya at binitawan ko na rin siya noong mapansin walang kahit sinong tao ang nandito. “May alam ka kay Isabelle h

