PEEEEEPPPP!!! Napaigtad siya nang marinig ang napakalakas na busina ng isang sasakyan. Kumunot ang noo niya nang mapagtantong wala naman siya sa gitna ng kalsada. Galit na nilingon niya ito, subalit nagulat siya nang makilala kung kanino iyon. "Kanina pa kita hinihintay," wika ni Takumi na halatang nainip sa paghihintay sa kanya. "Ah! Naku, pasensya ka na," hinging-paumanhin niya rito. "Ano, tuloy pa ba tayo?" "Oo," seryosong sagot niya bago sumakay sa kotse nito. Habang bumabyahe sila'y lumilipad naman ang isip niya. Hindi niya alintana ang sobrang bilis ng takbo ng not-yet-professional car racer na pinsan niya. Busy ang utak niya sa pag-aanalisa ng mga bagay-bagay-sa pagbuo ng tila isang malaking puzzle sa buhay niya. For ten years, naging maayos naman ang buhay niya. Bagama't tin

