NAGPATULOY sa paglalakad si Kazumi. Wala pa rin silang imikan ni Taransuke. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang planong umuwi. Ano namang gagawin niya sa bahay ni Hikari nang ganoong oras? Magmumukmok sa kanyang kwarto hanggang sumapit ang tanghalian? "Baka gusto mong magpahinga muna?" wika nito sa kanya makalipas ang ilang minuto. Nilingon niya ito. Ito yata ang gustong magpahinga. Tumingin siya sa paligid. Nahagilap ng kanyang mga mata ang isang restaurant. Napangiti siya. "Halika!" yaya niya sa binata. Kumunot ang noo nito pero sumunod din sa kanya. Naghanap siya ng pwesto. Nakita niya ang bakanteng mesa na nasa sulok. Iyon ang pinili niya. "Dalawang parfait," wika niya nang lumapit ang waiter. "Okay po," sagot nito bago sila iniwan. Naglalakbay ang isip niya haban

