Chapter 44 Jane's POV Pagmulat ng mata ko ay nanibago ako sa paligid. Iginala ko ang aking paningin. Hindi ito ang kwarto ko! Bigla akong bumangon, lumihis ang kumot at lumantad ang hubad kong katawan. Ano'ng nangyari? Hinilot ko ang ulo ko dahil nanakit ito. Pilit kong inalala ang mga kaganapan kagabi. Napa hilamos ako sa aking mukha ng maalala. Sh*t! Mali ang pinasukan kong room kagabi. At… room ni Ace! Natampal ko ang aking noo. May nangyari sa amin. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko na kontrol ang sarili ko. Bumangon ako at hinanap ang gown na suot ko kagabi. Nakita ko ito sa kabilang side ng kama at maayos na nakatupi. Kinuha ko iyon at madaling isinuot. Nang makapagbihis ay sunod kong hinanap ang sapin ko sa paa. Halos hindi ko mai suot ng maayos ang sandals ko dahil

