CHAPTER 2 THE EVIDENCE

1577 Words
Kinabukasan ay araw ng Biyernes sa kabila ng nangyari ay pinilit pa ring pumasok ni Melissa sa trabaho, nagpapasalamat siya dahil nung college siya hindi siya pumapalya sa pag-attend ng political science may nai-apply siya sa buhay, hindi niya sukat akalaing pakikibangan niya ngayon ang natutunang iyon. Pag-uwi ng hapon ay dumaan mun siya sa tindahan ng ina sa palengke, lumaki sila sa hirap kahit naka-uniporme hindi siya nahihiyang magtinda. Nakita niyang umiiyak ito. Kinausap daw siya ng balae niya “humihingi sila ng areglo, singkuwenta’y singko mil daw ang kailangan nila…!”. Napahindik si Melissa sa sinabi ng ina. Nagagalit siya sa ginagawang pakiusap nito sa kabilang partido gayong hindi pa napapatunayang nagkasala ang kapatid niya. “Walang dahilan ma…para makiusap ka sa mga taong iyan, una hindi pa napapatunayan ang kasalanan niya, wala silang hawak na ebidensya maliban sa certificate na nagpapatunay na may UTI ito!!” naiinis na siya sa nangyayari, pakiwari niya’y masyado na silang inaapi ng kabilang partido. “Ma…kahit anong mangyari wag kayong bibigay sa sasabihin nila, antayin muna natin ang resulta pupunta ako ngayon sa station at magfofollow-up.!” sabi niya sa ina, bahagyang tumango ang ina. Awang-awa na siya apektado na ito. Nilakad na lamang niya ang munisipyo dahil hindi naman ito kalayuan sa palengke. Ang kanilang tirahan ay nasa kabayanan malapit sa lahat kaya advantage din na dito sila nakatira. Malayo pa lamang ang dalaga ay natanaw na siya agad ni Timothy. Ngayon ang oras ng duty niya. Pinagmasdan niya ito sa suot na uniporme pero mas nais niya ang suot nito kagabi, hanggang sa paghiga ay hindi niya malimutan ang itsura nito lalo na ng kumalma na ang dalaga. Gusto niya sa isang babae ay matapang na nasa lugar. Sa suot nitong uniporme, halata talagang nakapag-aral ito. Nakapag-imbestiga na siya tungkol dito kahit papaano, ang hipag ang nakausap niya kagabi tinanong niya kung ilang taon na, napag-alaman niyang beinte-sais na ito at dalaga. Batid din niyang “may nobyo pero hindi pa naman sila kasal so pwede pa” ang nasa isip niya.Nalaman niyang nagtuturo ito sa isang pribadong paaralan sa kabilang bayan, dito daw siya laging dumaraan pagpasok at pag-uwi dahil sa likod nga lang nito ang bahay nila pero ngayon lang niya ito nakita. Homebody lang daw ito ayon sa hipag trabaho, bahay at palengke lang ang pinupuntahan. Kapag walang pasok ay tumutulong sa ina, bagay na ikinahanga niya. At heto na nga ang babaing nagpatahimik sa kanya kagabi. Alanganin siya kung anong bati ang gagawin niya, kung siya ba ay ngingiti o ano, baka sungitan lang siya. Tiningnan niya muna ang sarili sa salamin, kaliligo niya lang nagwisik muli ng pabango. Bagay na hindi nakaligtas sa ilong ni Melissa, pagpasok niya sa station. “Hi!” bati ng pulis sa kanya, tiningnan lang siya ni Melissa at kiming ngumiti. Naamoy niya agad ang pabango nito hindi masakit sa ilong, katamtaman lang. “Hi!” bati naman niya “aalamin ko lang sana kung may schedule na ba ng medico legal ang bata?” Umiling si Timothy “wala raw ang doctor ngayon doon… ngayon hapon pa lang ang uwi galing sa seminar baka, bukas na matuloy ang medico legal” paliwanag nito sa dalaga. “Ha?! Paano iyan so ibig sabihin ba hindi pa lalabas ang kapatid ko?” nag-aalalang tanong ni Melissa. “Wag kang mag-alala ma’am kahit andito kapatid mo, hindi naman siya nakahalo sa mga preso, nakabukod siya ng selda” paninigurado nito. Agad pinuntahan ni Melissa ang kapatid sinamahan naman siya ni Timothy habang naglalakad palabas sa station ay hindi nakatiis na hindi magsalita si Timothy. “Teacher ka ba?” tanong niya kunwari sa dalaga, saka lang tumingin ito sa kanya. “Oo” sagot naman nito, saka lang niya napansing nakatitig ang pulis sa kanya bahagya siyang naasiwa. “Baka gusto mong magmiryenda muna… ilang buwan pa lang kasi ako dito baka may alam kang masarap na resto?”tanong niya dito. “Yung Pancit Malabon lang ni Ka Ressie ang alam ko na dinarayo dito sa Bulakan, saka yung halo-halo ni Mang Baste sa may palengke” sagot naman ng dalaga. Naasiwa siya dahil mula ng magka- nobyo siya ay hindi na niya nagawang makipag-usap nang malapitan sa ibang lalaki o sumamang kumain sa labas. Hinawakan siya ng pulis sa may siko hindi na siya nakatanggi. “Tara kumain kumain muna tayo ng pancit, nagugutom na ako” sabay ngiti sa dalaga. Noon lang natingnan ng dalaga ang pulis, ang cute pala ng mata nito kapag ngumingiti nagdalawang-isip siya pero napahinuhod na rin. Pagdating sa resto ay agad itong umorder sinamahan pa ng ibang kakanin. Nalula naman si Melissa, hindi siya kasing lakas kumain tulad ng iba. Magkasalo nilang kinakain ang pancit at hindi maiwasang pag-usapan ang kaso. Napatigil sa pagsubo si Melissa nang marinig ang sinabi nito. “Pumunta doon ang lolo ng biktima, kinausap ang kapatid mo hinihingan ng singkwenta mil para daw iurong ang kaso.” Napakunot ang noo ni Melissa, nakaka-amoy na siya nang hindi maganda. Nagkatinginan sila ng pulis sa wari nila’y pareho sila ng iniisip. “Sabi ng kabalae ni mama kanina singkwenta’y singko ang asking price nila, tapos ngayon naman fifty thousand na baka mamaya forty five na yan…mukha talagang mamemera yang mga nilalang na yan!” napabugtung-hininga ang dalaga hindi niya talaga maiwasang hindi magpakita ng inis sa inaasal ng in-laws ng kapatid. “Antayin ninyo muna medico-legal saka kayo kumilos... mga taga-saan ba sila?” tanong nito sa dalaga. “Diyan lang sa kabilang baranggay, kumukulo na talaga dugo ko sa kanila…!”bugtong-hininga niya. Naisip niyang kailangan niyang pakisamahan ang pulis kaya sumama siyang mag miryenda dito kahit paano may mapagtatanungan siya. Bandang ala-singko medya ng lumabas sila sa kainan. Inihatid pa siya ng pulis sa bahay nila, walking distance lang naman iyon. Kinabukasan 6:00 a.m pa lang ay nasa munisipyo na sila hinintay nila ang magulang at ang biktima. Nang dumating ang mga ito ay sinuyuran niya ng tingin, hindi makatingin sa kanya ang dalagita. Isinakay sila sa patrol, kasama nila ang detective at si Timothy ang nagdrive. Kahit puyat hindi niya magawang hindi samahan ang dalaga. Wala silang kibuan pagdating sa sasakyan hanggang sa makarating sa Malolos. Pinapasok agad sila sa kuwarto at inihanda upang masuri ng doctor ang biktima. Wala pang limang minuto ay lumabas na ang batang umiiyak, humawak pa sa braso ni Melissa. “Ayoko na pong magpa mediko-legal, wala pong rape na nangyari” umiiyak na sabi nito “Sorry po ate... sina tatay po kasi, sila po nakaisip nito pumayag po ako dahil pinangakuan ako na ibibili ng cellphone kapag nakakuha ng pera kay tito Allan…!” kumpisal ng bata, namumutlang nagkatinginan na ang mag-asawa. Nagulat din ang mga pulis, galit na galit sa mag-asawang gumawa ng kwento. Agad silang sumakay sa patrol. Samantala tahimik lang si Melissa, nag-iisip na siyang tawagan ang abogadong kakilala nila dahil sa ginawa ng pamilyang ito sa kanila. Pagbalik sa Bulakan ay nagsalita na agad si Timothy. “Mister, alam nyo po ba ang ginawa ninyo… inilagay ninyo sa alanganin hindi lang ang sarili ninyo kung hindi pati kami.. hindi kayo dapat gumagawa ng kwento, hindi na kayo naawa sa anak ninyo anong klaseng magulang kayo?!!” Nakayuko lang ang mag-asawa, sinabi agad ni Timothy sa hepe nila ang ginawa ng pamilyang ito. Dali-daling ipinag-utos na pakawalan si Allan. “Kamusta na feeling mo?” tanong niya sa dalaga, napansin niya ang pananahimik nito mula pa kanina nagdududa na siyang may gagawin ito at baka balikan sila. Lumingon ang dalaga “Balak ko silang sampahan ng kasong paninirang-puri” tuwid na sagot nito. “Pero magtatagal pa pag nagkataon, mahirap ang walang peace of mind…tinext ko na mama ko, papunta na sila dito ngayon” Pagbalik ng mag-asawa ay humingi ito ng dispensa sa nangyari ang palasak na katwiran “Pasensya na tao lang at nagkakamali!” gustong sugurin ni Melissa ang mag-asawa nanggigigil na talaga siya. “Mukhang nagkamali kayo ng pinalanong perahan…wala akong ilalabas kahit isang kusing para sa inyo!” galit na sagot niya sa mag-asawa. Naaawa siya sa dalagita batid niyang dadalhin nito hanggang sa pagtanda ang batik sa pagkatao na kinulapol ng sariling magulang. Naluha si Melissa, samantala mabilis na tumalilis ang mag-asawa pagkatapos pumirma. Sabay dating ng kabalae ng kanyang ina, nagulat nang makitang nakalabas na ang manugang. “O, paano ba yan balae….umamin na ang apo mo na pinagplanuhan ninyo ito para makahuthot ng pera…anong klaseng mga tao kayo?! Galit na sabi ng ina ni Melissa, hindi nakakibo ang kabalae niya sa kahihiyan ay mabilis na umalis. Hindi naman mawari ni Timothy ang mararamdaman pakiwari niya’y hindi na niya makikita si Melissa pagkatapos nito. Bahagya pa siyang nagulat ng lapitan siya ng dalaga para magpaalam. “Uuwi na kami sir Timothy, I appreciate your help! Napalakas mo ang loob ko nitong nakaraang araw”nakangiti na ito sa kanya. Dumagundong ang dibdib ng pulis. “Ihahatid na kita!” boluntaryong sabi niya, napansin niyang dumistansya na ito sa kanya. “Wag na diyan lang naman kami…magpahinga ka na mukhang wala ka pang tulog. Thanks ulit”. Sinudan na lamang ng tingin ng pulis ang papalayong dalaga, malapit lang naman ito pero pakiwari niya’y malayo ang dalaga sa kanya. Sa ilang araw na pagkikita lang nila, alam niyang may naramdaman na siyang iba batid niyang may nobyo na ito pero hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD