Chapter Two The Superstar

1180 Words
Ano sasabihin mo na ba?" Ata't na tanong ko paano ba naman anong petsa na hindi pa rin nagsasalita si Moira nakaalis na't lahat si Miss Manlapig ay para bang nakalimutan na niya ang pinag-usapan namin kani-kanina lang o sadyang gusto niya lang kalimutan. "Like the hell, sabihin mo na kasi?" Well this time naiinis na talaga ako. *sighed* Huminga muna ng malalim ang aking kaibigan. "Okay.. okay!" Anito, maya'y binuksan ang cellphone pagkatapos iniabot sa akin. "Haiisst, ayoko ng sabihin panoorin mo na lang". Ang sabi pa na ang mga mata'y di tumitingin sa akin. " Hmmmp!" Padaskol kong kinuha ang cellphone nito. Diko pa napapanood nanlaki na ang mata ko sa nakita. Dahil hindi pa naman nakaplay ang video pero kitang kita ko ang boyfriend kong si Jeff Escarlon at ang ka loveteam nitong si Chloe Montenegro nag kiss sa lips in public sa harap ng mga audience and press people. Yun ang thumbnail ng nakuha ng video. "Damn! What is the meaning of this Moira?" Baling ko sa aking kaibigan. "Haller! I-play mo kaya para malaman mo." Umiikot ang mga matang sagot pa nito. "This can't be happening." sabi ng isip niya, hinding-hindi magugustuhan ni Jeff ang babaeng iyon. Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko ang play button. Today With Ice Sanchez - name ng talkshow Host: "Good Day Every One! We're here live sa set ng pelikulang "Line to Heaven"para makapanayam ang hottest love team ngayon, napakaswerte natin dahil nagpaunlak sila ng isang exclusive interview. Huwag na nating patagalin please welcome Jeff Escarlon and Chloe Montenegro." Maya'y bumaling ang camera sa direksyon ng dalawa na magkatabing nakaupo sa sofa. Jeff: "Good Day Tito Ice, It's a pleasure to be on your show. And to all the televiewers out there hope you're having a great day." Masayang bati nito na kumaway pa sa harap ng camera. Si Chloe naman ay maarteng tumayo at lumapit sa host para ito'y gawaran ng halik. At pagkatapos mag beso-beso ay bumalik na sa tabi ng ka love team. Chloe: "It's so nice to see you again Tito Ice." Nakangiting sabi nito. Host: Same here Chloe it's been a long time. So Line to Heaven ang tittle ng movie. Balita ko masyadong madrama ang pelikulang ito. Jeff: Yes Tito Ice, it's a story of two dying people na nagkakilala at nagka- inlove-an sa isang Ospital. Host: "Oh, Really? Parang masyadong tragic ang story." Chloe: "Yes kind'a Tito Ice! parang roller coaster ride, actually unang basa ko palang ng script na inlove na agad ako sa story ang galing kasi nung writer si Ms. Rainisms yung hindi mo akalaing pwedeng mangyari ay magkakatotoo sa story na ito, napakaraming twist and revelations." Excited na sabi pa nito. Host: "Ganun ba tiyak magiging block buster na naman ito kagaya ng nauna ninyong pelikula. Sabagay ngayon palang talaga naman ay sobrang excited na ang mga fans ninyo." Maya'y bumaling ito ng tingin kay Jeff. Host: "So Jeff may kumakalat na tsismis na break na daw kayo ng non showbiz girlfriend mo, Is it true?" Huminga muna ito ng malalim bago sumagot. Jeff: "Actually Tito Ice matagal na kong walang girlfriend almost three months na." Host: "So you're single now, di may chance na maging kayo ni Chloe?" Jeff: "Honestly speaking Tito Ice we're exclusively dating." Natatawang sabi nito ng bumaling ng tingin sa ka love team. Chloe: "Yes Tito Ice but we're on getting to know each other stage pa." Di ko na tinapos ang video pinindot ko na ang stop button. "Hey! Ba't hindi mo pa tinapos magki-kiss pa sila." Ang sabi sa akin ni Moira. " Alam mo Moira napaka mean mo, sabunutan kaya kita diyan! Gustong-gusto mo talagang nakikitang nasasaktan ako noh!" Singhal ko dito. Napaka brutal talaga ng kaibigan kong ito, meron ba namang girlfriend na gustong panoorin yung boyfriend niyang nakikipaghalikan sa iba? Haissst... Pakshet sila! "Pero Max diba three months palang kayo ni Jeff, bakit sinabi niya almost three months na kayong break ibig sabihin ilang araw lang ng sinagot mo siya nag break na kayo kaagad?" Inosenteng tanong nito sa akin. At dahil sa ka inosentehang iyon pinektusan ko siya ng bonggang-bongga. "Boklog, Style niya lang yon artista eh! Kunwari lang dahil may pelikula sila." Paliwanag ko dito ngunit maski ako naguguluhan kung ano nga ba ang totoo. Ito naba ang gusto niyang pag-usapan namin sa cafeteria mamaya? Napakaseryoso niya sa telepono kanina. Hihimas-himas ulong bumaling sa akin si Moira. Salubong ang kilay at madilim ang mukha. " Ikaw talaga, may kamay na bakal ka noh, ang sakit non ha!" Reklamo nito sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon nito. "Pero seriously, hindi ka ba naapektuhan sa pinanood mo kanina?" Makahulugang tumingin ako dito. "Ayoko mag paapekto Moira, maganda si Chloe pero kalahating tabo lang ang nilamang niya sa akin sa paligo, na total make over na yun noh at si Belo pa ang sponsor niya. So what?" Ibig sabihin lang nun pag nag ayos pako ng mas bongga kabog ang beauty niya kaya hindi ako nai-insecure". Dinaan ko na lang sa kalokohan dahil naguguluhan na din ako kung ano bang dapat kong paniwalaan. Pero totoo naman yung sinabi kong konting-konti lang yung lamang sa akin ni Chloe pag dating sa kagandahan. Matangkad lang siya pero kahit maliit ako long legged ata to noh. Mas cute ako kay Chloe baka pag ako ang nag artista malaos agad siya, pasalamat siya wala akong hilig sa pag aartista ang dami na ngang lumapit sa akin na talent scout inaalok ako kahit tv commercial lang daw tinanggihan ko lang. "Ay bruha, sa lahat ng sinabi mo yan ang tama!" Kaya nga lahat ng Campus Personalities naging boyfriend mo diba kasi ang haba ng hair mo girl!". Ang sabi nito. Hindi ko alam kung inaasar ba ako ng kaibigan o pinupuri. Inismiran ko siya. Dahil sa sinabi niyang iyon naalala ko na naman kasi ang mga kamalasan ko sa pag-ibig. Compliment nga bang matatawag na ako si Maxine Mae Lee ay naging girlfriend ng mga Campus Personalities. Nyaaa.. Hindi naman yata. Gusto ko munang kalimutan ang mga issue na yan tungkol kay Jeff kasi natatakot talaga ako na baka hindi na pala acting ang sinasabi nito na totoo palang nililigawan na niya ang Chloe na yun, pero kung totoo nga iyon napaka two timer niya. Bakit niya pako niligawan at sinabing mahal niya ako kung ang bilis naman magbago ng damdamin niya. Nasaan na yung mga ipinangako niyang ipaglalaban niya ang pagmamahalan namin kahit maraming humahadlang? Mahal ko na siya eh, Idinadasal ko na nga na sana siya na yung maging forever ko. Pero ang hirap pala pag artista ang boyfriend ang dami ko ng isinakripisyo para sa relasyong ito. Tiniis ko ang mga panlalait mga masasakit na salita ng mga fans ni Chloe sa akin. Pagmahal mo pala ang isang tao kaya mong magbulag-bulgan at magbingibingihan para sa kanya. Bakit ba kasi naging artista pa ang boyfriend ko sana naging normal nalang siya simpleng estudyante para walang conflict. Haiist!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD