Chapter Four Confidant

1629 Words
Kailan pa ba naging nakakaiyak ang pag inom ng hot chocolate at pagkain ng sandwich? Bakit ba kasi ayaw tumigil ng pagpatak ng mga luha ko? Limang box na ng tissue ang naubos ko pero bakit ba hindi parin napagaan nito ang pakiramdam ko? Kaya naisipan kong kuhanin ang aking cellphone at tawagan ang aking kaibigang. Baka sakaling gumaan ang aking kalooban ko kung may masasabihan ako ng aking nararamdaman. "Oh, Max napatawag ka?" Moira on the line. "Moira nakipag break na siya sa akin." Habang sinasabi ko iyon ay nag bagsakan na naman ang aking mga luha. "Whaaaat? " Hysterical na tanong ni Moira sa kabilang linya. "Nakipag break na siya, binge!" Asar na ulit ko, di ko alam kung slow lang to o sadyang bingi lang talaga. "Oh, my gosh! As in oh my gosh! This calls for a celebration, hinatayin mo ko diyan Max susunduin kita mag paparty tayo." Excited na sabi nito pag katapos ay pinatay na ang telepono. Tooot..toot.. Call ended Anoooo daw? *Frown* Grabe ka Moira ang happy mo pa ha! Party talaga? Nung una pa lang against na talaga si Moira sa relasyon namin ni Jeff, naalala ko pa ang sinabi niya ng ibalita ko sa kanyang sinagot ko na ito. "Naku naman Max! Hindi ka na nadala, paiiyakin ka na naman ng isang yan eh!" Himutok nito sa akin. Well, Tama na naman siya as usual. Lagi naman siyang tama kapag tungkol sa love life ko ang pag-uusapan namin. Mahirap pala talaga kapag isa lang ang mag e-effort para mag work out yung relationship. After twenty minutes ang loka-loka kong kaibigan ay dumating na. "Uy, Bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong nito sabay upo sa gilid ng aking kama. Pinandilatan ko siya kahit mugto pa ang aking mga mata, kaso hindi ko na ma expand ang mga ito, wala ng ilalaki magang maga na eh, halos tatlong oras ba naman na akong umiiyak. "As in seriously?" Naniniguradong tanong ko. Tumango tango ito. "Dun tayo sa videoke bar tapos inom tayo ng konti, tutal one week naman tayong walang pasok diba?" Tuwang tuwang sabi nito. One week nga pala kaming walang pasok dahil may seminar ang mga professor namin sa Baguio, ewan kung para saan ang seminar na yun, ang mahalaga may one week vacation kami. Tumila na ang ulan, tumawag si mommy bago pa dumating si Moira at ang sabi ay gagabihin daw siya at dahil gusto ko ring makalimot kahit sandali lang agad agad na kong nagpalit ng damit. Kupas na skinny jeans at plain blouse na puti lang ang sinuot ko nagpulbo ng konti dahil makinis ang mukha ko at walang ka pores pores mapupula na ang aking labi at mga pisngi di ko na kailangan mag make up gandang natural lang talaga, effortless. Kaso maga naman ang mga mata ko bad trip, pero keri na rin maganda pa rin naman. In born na talaga ang kagandahan ko hindi sa pagyayabang. ~ Sa private room ng isang videoke bar. Umorder si Moira ng maiinom namin apat na boteng alak. SanMig Light lang naman. Nasa tamang edad na naman kami para uminom. Umorder din ito ng pork sisig para sa pulutan at tacos para may makukutkot. Nagsimula na itong tumingin ng mga kanta sa song book mukhang nasa kondisyon talaga ang aking kaibigan. Tsk. Patay na naman ang tenga ko nito. Sinimulan ko ng inumin ang isang bote. Aaaaah! Ang pait! Pero wala ng papait pa sa nararamdaman ko ngayon. Oo bitter ako. Tsk. Pathetic. Nagsalita ang videoke machine ng pindutin ni Moira ang mga numero ng napili nitong kanta. One Three Five Eight Maya'y tumugtog na ang intro. Nagsimula ng kumanta si Moira. Why do people fall in love And they end up crying Napalingon ako sa monitor ng marinig ang kinakanta nito. "Sira ulo ka Moiiiraaaa...!" Sigaw ko dito ngunit waring hindi naman ako naririnig nito dirediretso lang sa pagkanta. Inaasar ba talaga ako nitong si Moira?Napadalas tuloy ang lagok ko ng alak. Why do lovers walk away from themselves.. When their hearts are breaking.. Why does loving sometimes never stay long Why does kissing this time mean you'll be gone Why do gladness become sadness Things that I don't get Someone's always saying goodbye I believe it hurts when we cry Don't we know partings never so easy And with all the achings inside I believe some hearts won't survive Trying hard to pretend That we're gonna be fine.... "Alam mo Moira ang sakit dito." Itinuro ko ang tapat ng aking puso. Nakaapat na boteng alak na ako samantalang si Moira umorder pa uli dahil naubos ko ng lahat ng inorder niya kanina habang ito ay mag isang nag co-concert. Ngawa na naman ako. "Hugot pa more, Iyak pa more, Yan ang napapala mo eh, puro kasi gwapo ang nagiging boyfriend mo. Bakit hindi mo kaya subukang mag boyfriend ng pangit for a change, sigurado hindi ka na sasaktan nun, jackpot pa siya sayo." Suhestiyon nito sa akin. Pinandilatan ko naman ito ng mata at umismid naman ito sa akin. "Hmmmp! Hindi lang nag-iisa ang Jeff na yun noh, maraming lalaki sa mundo hindi lang siya". A pa nito. "Yun na nga eh, hindi nag iisa si Jeff maraming lalaki sa mundo ang ibig sabihin lang nun marami silang manloloko, marami silang mga paasa, liligawan ka pa-iibigin, ako naman itong si tanga naniniwala sa forever at kapag hulog na hulog ng loob ko ay basta-basta na lang nila kong iiwan." Himutok ko. "Tama na nga yan friend, pag pahingahin mo na muna yang puso mo." Naawang sabi sa akin ni Moira. Tumango-tango ako. Tama naman ito siguro panahon na para magpahinga ang aking puso ng hindi na makaranas ng kasawian. Dinaan nalang namin sa pagkanta ang lahat pinatugtog namin ang Love Yourself ni Justin Beiber at nag duet pa talaga kami, anupat sandaling nakalimutan ko ang aking kabiguan. Tinamaan talaga ako, naparami kasi ang inom ko, kaya naman nag-aya ng umuwi si Moira hindi naman ito gaanong nalasing dahil halos dalawang bote lang naman ang naubos niya. At isa pa dala nito ang kaniyang kotse kaya naman hindi ito pwedeng malasing dahil mag da-drive pa siya. Iniwan niya ako saglit sa labas ng Videoke Bar dahil ilalabas niya sa parking ang kanyang sasakyan. Habang nakatayo ako duon. May tumigil na pulang sports car sa tapat ko bumaba sa backseat ang matangkad at magandang babae na parang isang modelo, pagkatapos ang lalaking kasama nito ay bumaba din sa gawing kanan ng backseat. Anupa't si Jeff ang iniluwa ng pintong iyon. Oo si Jeff yun ang aking boyfriend na si Jeff, ay ex-boyfriend na nga pala dahil simula kaninang alas kwatro ng hapon ay nag break na nga pala kami. Umalis ang pulang sports car ng makababa ang mga sakay at dumiretso ito sa parking. Mabilis naman akong lumapit kay Jeff. "So all the time akala koh bah shi Chloe ang dahilan kung bhakhet kah nakipag brehake shaken, eh shino na naman yhang kashama moh na yahaan?" Ang lakas na talaga ng tama ng alak sa akin, alam ko naman ang sinasabi ko pero hilong-hilo ako. "Whoah.. What's this?" Gulat na reaksyon nito. Tumingin naman ako dito. "B*ll shet ka Jh-ee-fh!" Galit na sabi ko . " Is this a prank, a joke or something?" Puzzeled na tanong nito parang wala talaga itong ka ide-ideya sa mga sinasabi ko. "You look familiar miss, but I can't remember where did I met you." Kunot noong sabi pa nito na para bang I naalala kung saan niya ako nakita. "Oh, Pakshet ka-hh jh--eff! Kanina kah lhang nakipa-aghh brehhhaak sha-ken ang bhilishh moh nahmahn makhalihmot." "Oh, come' on sweetheart leave that stupid girl alone. She don't even know what she's saying, she's a dead drunk!" Mataray na sabi ng magandang babaeng kasama nito na akala mo sasabak sa Miss Universe sa kagandahan. Binalingan ko ito at tinitigan ng masama. " Shut the f*ck up b*tch! It's between the two of us." Galit na dinuro-duro ko pa ito. Bigla naman itong natahimik wari'y natakot ata sa akin at medyo nagtago pa sa likod ni Jeff. "Miss you're drunk just go home okay, do you want me to get a cab for you?" Nanatiling mahinahon ito, mukhang nag-aalala pa nga ito sa akin. Kaya naman napaiyak na ako ng tuluyan. I missed him! "Shabhin mhong hindi moh nahko mahal jhe--eef, ngayon moh sabihin, Hiik!" Yun ang eksenang nadatnan ng aking kaibigang si Moira hinazard nito ang kaniyang sasakyan at agad-agad bumababa dito. "Oh gosh, Bruha ka! What are you doing?" Tarantang tanong nito. Maya'y bumaling sa dalawang kaharap ko, todo hingi ng paumanhin sa mga ito ni Moira. "Naku, sorry talaga! Pagpasensiyahan niyo na naparami ang inom ng kaibigan ko." Yuko ulong sabi na para bang siya ang nahihiya para sa akin. "No! Moira don't say sorry to him, can't you see si Jeff yan, He's the one who need to say sorry for hurting me, Hiiik!" Haiist lasing ako pero pag english ang sinasabi ko bakit diretso naman ang dila ko. Lumakad ako palapit dito kaso nabuwal ako dala siguro ng matinding hilo, ngunit maagap naman akong nasalo nito at napasubsob ako sa matitipunong dibdib nito, bigla'y para namang hinahalukay ang tiyan ko at ang sobrang sakit ng aking ulo, namalayan ko na lang nagduduwal na ako. Well nasuka ako. Yes nasukahan ko ang mamahaling damit ni Jeff. "F*ck, What the hell!" Gulat na naibulalas nito. "Aaaaay, ano ba yan friend!" Shocked na lumapit sa akin si Moira. "Yuckkkky... Eeeew!" Maarte at diring- diring sabi ng magandang babae. I don't know what happened next. It was all black then.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD