Chapter Six Consequences

1457 Words
Hindi ko alam kung ilang oras ng nakatitig sa akin si Moira halos malaglag na ang panga nito. Kanina lang pagpasok ko ng class room ay pinagtabuyan niya ako. "Transferee ka?" Tanong pa nito sa akin habang mataray na naka pamewang. "Dun ka sa dulo pumuwesto okay, dahil yang inuupuan mo ay okupado na ng kaibigang ko, alis na!" Iritableng sabi pa nito. "Moira wag kang OA ako ito si Maxine!" Natatawang sabi ko. Pero ng marinig niya ang mga salitang iyon at makilala ang boses ko, nagkaganyan na ang reaksyon niya. Sobrang na shock siguro at di na nagawa pang gumalaw OA na nga kung tutuusin, pero di ata talaga makapaniwala sa kaniyang nakikita. Maya'y bigla na lang itong umiyak as in totoong umiiyak si Moira hindi ito basta acting may luha akong nakikita na tumutulo mula sa mga mata nito. Kaya naman nag panic na ako. "Hoy, Moira ano bang nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ko tumayo na ako't nilapitan ko siya. "Bakit ganyan ka Max?" Himutok nito. "Talaga bang nakakatanga ang umibig? Tingnan mong itsura mo, mukha kang tanga ngayon." Hindi porke't broken hearted ka at na istress ka na ng sobra tapos ganyan na ang nangyari sayo. " "Bakit dun sa tatlong naging ex mo naka get over ka naman ng maayos ah. Ganyan mo ba kamahal ang Jeff na yun at parang nagrebelde ka na sa sarili mo?" *Sniff* Mapait na ngiti ang ibinigay ko dito. "Hindi ako nagrerebelde, ginawa ko ito para wala ng manligaw sa akin.Pansinin ako diba? Sikat ako sa school. Kung magtatago ako sa ganitong anyo, wala ng magkakagusto sa akin at wala ng papansin sa akin." Paliwanag ko. Tiningnan ako nito ng masama. "I can't get you, hindi ikaw yan eh, so why pretending to be somebody else?Dahil ba diyan sa mga sinabi mo?" *sigh* Padaskol na pinalis ang mga luha sa kanyang pisngi. "Hayaan mo muna ako Moira." Pangungumbinsi ko. Tumingin ito sa akin, nang aarok ang mga mata. "Okay, sasakyan ko ang trip mo." Ang sabi nito. "Pero wag mong seryosohin yang pagiging Geek mo dahil hindi ako natutuwa." Asik pa nito na umiikot pa ang mga mata. Haisst! Wala na talagang tataray pa kay Moira pero mahal ko siya, bff eh, laging nakikinig at handang dumamay sa akin. Kaya naman napayakap ako dito at pagkatapos ay nag big smile ako labas pati gilagid. "Yuckk, Ang pangit mo!" Pang -aasar nito at umarte pang diring-diri. "Pangalawa ka ng nagsabi niyan yung una si Ate Sally. Ha! ha! ha! Masasanay din kayo sa katagalan." Pinanlakihan ako nito ng mata. "My gosh Maxine! At balak mo pa talagang patagalin yang gimik na yan ha, hindi talaga ako natutuwa, wag kang sasabay sa akin pag uwi mamaya, kamukha mo si Betty La Fea." Nangunot naman ang aking noo. "Sino yun?" Tanong ko di kasi pamilyar sa pandinig ko yung huling binanggit niya. "Search mo sa google!" Asar na sabi nito, kaya naman inismiran ko siya. ~ "Buset! Sabi mo pag ganyan ka wala ng papansin sayo." Eh, anong tingin mo sa mga iyan?" Sabay turo ni Moira sa mga estudyanteng nakatanghod sa amin habang kumakain sa school canteen. "Really, si Maxine Lee ba yan?" Girl2 " Sabi nila, pero anyare?" Girl1 " Diba pag sinabing Maxine Lee pamantayan ng kagandahan sa Furukawa University?" Girl3 "Oh, anong nangyari sa dyosang si Maxine Lee? May sumumpa ba dyan at naging ugly duckling?" Girl4 "Hindi naman kayo mga sira noh, yung pinag uusapan nyo ayan lang sa harapan niyo oh! Kung makapagsalita kayo ang perfect niyo ha! Magsi-alis nga kayo sa harapan ko kung ayaw ninyong makatikim ng mag asawang sampal sa akin!" Nagtitimping sabi ni Moira anumang oras sasabog na ang dragonesa. "Aaaaalis naaaa..!" Sigaw nito. Mabilis namang nagsipagpulasan ang mga ito akala mo nakakita ng halimaw. "Tingnan mo nga yang ginawa mo, napapaaway tuloy ako ng dahil sa itsura mo." Asar na baling nito sa akin. Natatawang tumingin lang ako dito hindi ko na pinatulan ang sinabi niya. Hindi ako masasaktan kahit anong sabihin nila sa akin, ipasok sa tenga tapos ilabas sa kabila ganun lang yun. "Maxine naalala mo ba yung nagpunta tayo sa videoke bar?" Tanong ni Moira. Natigil ako sa pag inom ng pineapple juice at tumingin ako sa gawi niya. "Bakit?" Takang tanong ko. "Yung lalaking sinukahan mo?" Nangunot ang noo ko. " Ako may sinukahang lalaki?" Takang tanong ko, parang wala naman akong maalalang ganung nangyari. "Oo, sobrang lasing mo kasi nun.. Haisst grabe ka, pinagkamalan mo pa ngang si Jeff yung lalaking yun. Eh di hamak na mas guwapo naman siya sa Jeff mo kahit artista pa yun." "Pero alam mo ba yung lalaki sa videoke bar naku grabe! Mr. Oozing with s*x Appeal." "Nung nagpasabog siguro ng karisma at kagwapuhan si Lord gising na gising siya dahil nasalo niyang lahat eh, super perfect na nga siya para sa akin." Kinikilig na sabi pa nito. Hala si Moira ang landi. Kaya naman tiningnan ko siya ng masama. "Tse' , minsan lang ako magka crush pero mas maganda yung taste ko kaysa sayo." "Ha!ha!ha!" Napalakas ang tawa ko. " Nagsasabi ako ng totoo wala sa kalingkingan ng lalaking yun ang mga naging ex mo noh! At ang bait pa niya." "Kung iba pa yun nagalit na ng sukahan mo kadiri kaya yun, pero siya mas inintindi ka pa niya kaysa sa sarili niya, iniwan na nga siya nung nuknukan ng ganda niyang girlfriend at sumakay ng taxi nag selos ata." "Binuhat ka niya hanggang sa kotse ko" "Grabe ka girl. Kaya pag nakita mo siya mag thank you ka." Suhestiyon pa nito. Humaba naman ang nguso ko nagulat talaga ako sa mga narinig ko may ganun pa lang nangyari. "Hindi ko nga alam kung sino siya eh, wala talaga akong maalala." Bahagya pa akong nag isip para balikan yung mga nanyari sa videoke bar pero wala talaga akong maalala sa mga pinagsasabi ng aking kaibigan. Pero mula sa mga kuwento nito malaking perwisyo pala talaga ang nagawa ko sa taong yon. Mahaba ang naging oras namin sa paaralan, sa totoo lang nakakabagot ang maghapong discussions, wala akong ginawa kundi ang humikab. Ipinagpasalamat ko at nakauwi na ako ng bahay. Nagulat pa ako ng mabungaran ko sa kitchen si Mommy at nagluluto. Maaga itong umuwi very unusual. At mukhang masaya ito. Ewan ko ba parang may kakaiba sa kanya ngayon lalo siyang gumaganda. "Mom, Why so early?" Masayang tanong ko dito matapos ko siyang gawaran ng halik sa kanyang pisngi. Bahagya itong sumulyap sa akin at ngumiti. "This past few days I realized that aside from being a business woman I am also a mother." Nakalimutan ko ng may obligasyon ako sayo bilang iyong ina and I am sorry for taking you for granted." May guilt sa boses ni Mommy. "Tsh.. Mom I'm okay, hindi ko iniisip ang ganyan, naiintindihan kita malaki na ako, kaya ko ng sarili ko, eighteen nako remember I'm not a kid anymore." Natatawang sabi ko. Pinanlakihan ako nito ng mata. "You're still a baby para sa akin Maxine." "Hahaha! Okay, Mom." Maya'y biglang sumeryoso ang mukha ni Mommy. "Maxine anak. " Tawag niya sa pangalan ko. "Yes Mom." Nakangiti namang sagot ko, ano ba itong si Mommy bigla nalang naging seryoso parang kinakabahan ako ah. "Can I ask you a question?" Tanong pa nito na ang mga mata ay nakatuon sa mina- marinate niyang pork meat. "Oo naman Mom, ano ba yun?" Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita wari bang tinatantiya kung itutuloy pa ba o hindi na lang, nag aalinlangan pa ito. "Mom, come on tell me kung may bumabagabag sayo at kailangan mo ng masasabihan you came to the right person you know." Humagikhik pa ako. I am just trying to ease the tension. Mukhang na tense kasi si Mommy mas lalo tuloy akong na curious malaman ang gusto nitong sabihin sa akin. "What if?" Tumingin muna ito sa akin bago nagsalita uli. "What if kung mag asawa uli ako?" Nahihiyang tanong nito. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi ko ini-expect na ito ang sasabihin ni mommy. Napakurapkurap ang mga mata ko. Eight years simula ng mamatay si Daddy at si Mom hindi naman nakipag date sa iba, naging busy ito sa akin at sa trabaho, napakaganda parin naman niya madalas ngang mapagkamalan lang kaming magkapatid at di talaga posibleng may mga manliligaw dito, magkamukha ata kami ako yung young version niya. Magiging selfish naman ako kung hindi ko papayagang makipagrelasyon sa iba ang mommy, gusto ko rin naman siyang maging masaya at hindi ko maibibigay yung kasiyahang yun sa kanya sa ganung aspeto, gusto ko rin namang may makakasama siya hanggang sa pagtanda niya, kaya kung anong makakapagpasaya sa kaniya ay susuportahan ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD