Third Person Pov Nakita ni Danilo nang magsinyasan sila Grego at Mark. Tumayo si Grego at tinungo ang pintuan palabas ng bar. Alam niya na susundan nito si Amber Via. Alam niyang may balak ang mga ito na gawan ng masama ang kaibigan niya. Pinilit niyang pinapantay ang diwa at pinaglalabanan ang antok, kahit tila unti-unti na siyang hinihila ng karimlan. "H-huwag na h-huwag k-kayong m-magkakamaling gawan ng m-masama ang kaibigan ko. L-lagot kayo kay V-vincent!" nasambit pa niya bago siya tuluyang nawalan ng ulirat. Napansin ni Vince ang hindi mapakaling pinsan na si Zaturnino. Panay ang layo nito sa kanila habang nasa tainga ang cellphone para tawagan ang kung sino naman. Panay pati ang pagtetepa nito sa kanyang cellphone. Ngayon na lamang ulit sila nagkita pagkatapos ng

