AMBER VIA Maaga akong nagising upang makapaghanda ng almusal namin ni Vince. Unang araw na dadalhin ako ni Vince sa office. Ngayon n'ya rin ako ipapakilala sa ibang empleyado nito bilang bagong sekretarya n'ya. Inaamin kong magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Halos patapos na rin ako nang makita kong papalapit si Vince sa b****a ng kusina at bahagya pang nakakunot ang noo nito. Magulo pa ang buhok nito at tanging boxer short at sando lamang ang suot niya. Wala sa sariling napalunok ako at napaiwas ng tingin ang mga mata ko sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing lumalabas itong gan'on lamang ang suot ay awtomatikong doon sa gitna n'ya unang dumadako ang aking mga mata. At hindi ko maiwasang mapalunok at kabahan sa tuwing mapapara

