Amber Via Kinabukasan ay muli kaming nagkausap ni Vincent. Nakikita ko ang matinding pagsisisi sa kanyang mga mata. Patuloy pa rin nitong sinisisi ang sarili. "Kung hindi kita pinilit sumama alam kong hindi ka sasama. But I forced you to came with them for me. Ako ang nagpahamak sayo." ang muli niyang pagsisisi na kinailing ko. Nakaupo ito sa gilid ng kama, nakayuko habang sabunot ng dalawang kamay ang buhok. He's very frustrated. Kung kanino niya nalaman ang totoo ay hindi ko na tinanong pa. Nangyari na naman ang hindi dapat nangyari, ngayon ay alam na niya ang totoo. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na kasalanan niya, hindi sumagi sa isip ko na sisihin siya. He always want the best for me. Naging responsible at loving boyfriend siya sa akin, at 'yon ang mananatiling

