Pagka-bangon ni Chestine ay biglang bumaliktad ang sikmura niya kaya agad siyang tumakbo sa banyo upang dumuwal. Nasapo niya ang kanyang ulo dahil biglang umikot ang kanyang paningin. Nakasunod si Johan sa kanya at nagaalala itong inalalayan siya. "Chestine?? Are you okay??" nagaalalang tanong ni Johan sa kanyang asawa sabay hagod sa likuran nito. "No, I'm not okay. nahihilo ako," nanlalambot na sagot ni Chestine sa asawa habang sapo niya pa rin ang kanyang ulo. Tumungo si Johan sa may cabinet at may kinuha, imbis na gamot ay isang pregnancy kit. "Here, use this, para makasigurado tayo saka kita dadalhin sa doctor," utos ni Johan sabay abot niya rito ng pregnancy kit. Hindi na nagdalawang isip si Chestine at agad niya nang kinuha ito. Alam niyang may mali sa pakiramdam niya at nitong

