Chapter 24 'De Montecillo High' Heaven's PoV "Okay ka lang ba, kuya?" Tanong ko habang inaalalayan siyang tumayo. "I'm fine, Heaven!" Sabi niya nang maka-recover siya mula sa labis na pag-ubo. Lumabas na kami ng opisina ni kuya at pinabalik na niya ako sa kwarto ko. Ang dami kong gustong itanong tungkol sa nangyari pero alam ko namang wala akong mapapala kay kuya. Hindi siya magsasalita. Inayos ko na lang ang mga gamit ko. "Heaven..." Narinig kong tawag ni nanang Lilian bago pumasok. "Ano ho ’yun, Nanang?" Naglakad siya palapit sa akin. Itinigil ko ang pagtupi sa mga damit ko nang maupo siya sa kama ko. May hawak siyang brown envelope. "Ipinabibigay ng kuya mo. Papers para sa lilipatan mong school." Sabi niya. Kinuha ko ’yung envelope at pinatong sa bedside table. "Okay ka lang ba

