Vicious Prince

2037 Words
Chapter 4 'Vicious Prince' Heaven's PoV Nagmulat ako ng mga mata dahil sa pakiramdam ko'y kanina pang may nakatingin sa akin. Ang langit ang unang bumungad sa akin kaya nasiguro kong nasa rooftop pa rin ako. "How's your nap?" Napalingon ako sa isa pang concrete bench nang may magsalita. Si Tyco? Napaupo akong bigla. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin at naupo sa tabi ko. "Naalala ko kasing naka-lock nga pala ang rooftop kaya binalikan kita. Kaya lang tulog ka na agad." Nakangiti niyang sabi. Kung kumilos siya parang hindi siya bampira. "Kanina ka pa diyan?" Tanong ko. Hindi naman niya siguro ako binantayan hindi ba? "Siguro mga 30 minutes? Pagkababa ko kasi, ilang minuto lang naalala kong hindi ka makakababa kaya bumalik ako." Paliwanag niya. Napataas ang kilay ko. He can't be serious. "What? Bakit hindi mo ako ginising?" "Mukhang ang sarap ng tulog mo e. Puyat ka ba kagabi?" Seryosong tanong niya. Yep. Napuyat ako dahil sa werewolf na nakaharap ko. Gusto ko sanang sabihin pero mas pinili kong manahimik na lang. "Nah! Inantok lang ako sa sikat ng araw." Sagot ko at tumango siya. Tumayo na siya at nilahad ang kamay niya. "Halika na. Mag i-start na ang next subject." Yaya niya sa akin at tumayo na ako, without taking his hand. Ngumiti lang siya at hindi naman nagalit. Mukha kasing expected na niya na 'yun ang gagawin ko. "Ibababa mo ako?" Paglilinaw ko. Naninigurado lang. "Yep. Kaya nga kita binalikan e." Humarap na siya sa akin. Hinihintay ko ang paghawak niya sa magkabila kong balikat para isama sa pagtalon niya ngunit hindi niya ginawa. Nagulat na lang ako nang buhatin niya akong bigla, bridal style. Seriously? Saglit lang din ay nasa likod na kami ng building. Ibinaba na nya ako. "Do you really have to carry me that way? You can just hold me in my shoulders." Reklamo ko. "That's ungentleman." He just said then shrugs. "Wow, so vampires know how to be gentleman?" I said full of sarcasm. "I'm just a turned. I experienced how to be human." He defends himself habang naglalakad na kami papunta sa next class namin. "I was just curious, who bit you?" Bigla kong naitanong. Sa kanila kasi, 'yung kambal lang ang pureblood vampire. The rest of the Alucard are turned. "Fire," tipid na sagot niya pero nagulat ako. Bakit si Fire? "Naniniwala kasi si Fire na matutulungan ko si Hell." Sagot niya nang parang mabasa niya ang tanong sa utak ko. "Matutulungan saan?" Tanong ko pero ngumiti siya. "You're a vampire slayer. I shouldn't talk to you about some personal things." Nakangiting sabi niya. Alam kong seryoso ang pagkakasabi niya pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagka-offend. "Yea. Whatever." Inirapan ko siya. Pumasok kami sa classroom namin at nakuha namin ang atensyon ng lahat. What? Don't tell me, big deal din sa kanila ang pagsabay sa isang Alucard member? "Heaven, labas tayo ng campus mamaya." Sabi ni Fire habang kinukulbit pa ako. Napakunot na lang ako dahil mukhang wala siyang balak iwasan ako kahit pa nalaman nilang isa akong vampire slayer. "Hindi mo ba ako iiwasan?" Diretsahang tanong ko. Nanatili siyang nakangiti. "Wala ka namang mapapala sa akin, Heaven e. Isang average class lang ako na bampira," bulong niya sa akin nang mailapit ang upuan niya sa upuan ko. She leans closer to me. "Si Hell ang dapat mong bantayan." Then she winks. "Si Hell? Bakit si Hell? Kambal kayo 'di ba? Kung average class kang bampira, ganoon din siya." Seriously? Ipinagkakanulo ba niya ang sarili niyang kakambal? "Maaring average class nga na bampira si Hell, pero 'yung mate niya, isang tagapagmana." Sabi pa niya. "Bakit kailangan mong ipaalam sa kanya ang tungkol sa mga 'yan?" Nagulat na lang ako nang nakatayo na si Hell sa harapan namin ni Fire. "Hell, niyayaya ko lang siyang lumabas ng campus. Nabo-bored na ako rito e," paliwanag ni Fire. "Saan mo gustong pumunta mamaya, Heaven?" Tanong niya. Gusto niya talagang malaman? "Sa kuta ng mga bampira." Seryosong napatingin sa akin si Hell at si Fire. "Pero Heaven—" "Huwag mo nang tangkain pa, Ford. Suntok sa buwan ang makalabas nang buhay sa Alucard." Pagbabanta ni Hell. Weird. Dapat ay nakakaramdam na ako ng takot ngayon ngunit wala akong nararamdaman. Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nakaramdam ng takot. At 'yun ang mga oras na ayaw ko nang balikan. "I'm willing to take the risk," sagot ko at kapwa nila ako seryosong tinignan. "Heaven, seryoso—" "Kung dadalhin mo ako sa kuta n'yo, seryoso ako." Mabilis kong sabi. "Heaven, tulad ng sinabi ko, isang average na bampira lang ako kaya hindi kita maipagtatanggol oras na may magtangka sa buhay mo roon." Nag-aalalang sabi ni Fire. I appreciate her concern pero desidido na ako sa plano ko. Matagal kong hinanap ang mga lead para mapunta sa kuta ng mga bampira, it's now or never. Wala ng nagawa pa si Fire at tumango na lang. Bago bumalik si Hell sa upuan niya ay may sinabi siya kay Fire. "Just don't tell anyone there that she's a Goddamn vampire slayer." Sabi niya. Ngumiti si Fire. "I won't." Naglakad na siya pabalik sa kanyang upuan. Kaunting oras na lang ay mapapasok ko na rin ang kuta ng mga bampira. Mapag-aaralan kong mabuti ang kanilang mga kilos. Ang problema lang, hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay mula roon. Matapos ang maghapong klase ay agad kaming dumiretso ni Fire sa dulong bahagi ng paaralan.  Dark Forest "Ito ang Dark Forest. Ito ang naghihiwalay sa mundo ng mga mortal at sa mundo ng mga bampira." Sabi ni Fire. Tinanaw ko ang malawak na kagubatan. Alas kwatro pa lang ng hapon at may liwanag pa ngunit balot ng kadiliman ang buong kagubatan. Halatang delikado. "Marami nang nagtangkang pumasok ngunit wala ni isa ang nakarating hanggang sa dulo." Babala ni Fire na para bang sinasabing 'wag ko nang ituloy dahil sa sobra itong delikado. Pero buo na ang desisyon ko. "Ilang oras bago marating ang dulo?" Tanong ko at lumungkot ang expression ni Fire. "Dalawang araw para sa mga normal na tao," "Dalawang araw?" Inis na ulit ko. Masyadong matagal ang dalawang araw. I don't think I could wait any longer. "'Wag kang mag-alala, may maghahatid sa'yo, kaya wala pang dalawang minuto, nasa Vampire's Den na tayo." "Maghahatid?" Kunot-noong tanong ko. May tumalon mula sa itaas ng puno at lalo pang kumunot ang noo ko nang mapagsino ang maghahatid sa akin. "Isang malaking karangalan ang maihatid ang isang slayer sa kanyang kamatayan," nakangising sabi ni Hell. Sumandal siya sa puno at inilagay ang magkabilang kamay sa kanyang bulsa bago muling magsalita. "Maaring ligtas kang makakarating sa Vampires' den ngunit hindi ka na makakalabas ng buhay." He warns me. "Yea. I got it!" Bored kong sagot. Kanina pa sila paalala nang paalala sa akin at kanina ko pa rin sinasabing desidido na ako sa gagawin ko. "Let's go then." Excited na sabi ni Fire at napapalakpak pa. Psh! Lumapit sa akin si Hell at tinignan muna akong maigi. Hinapit niya ako sa baywang kaya napadikit ako sa mala-pader sa tigas niyang katawan. Napahawak ako sa matigas niyang dibdib. Gawa ba sa bato ang katawan ng mga bampira? "Ready?" Tanong niya at naramdaman ko ang hininga niya. His breath is so fresh. Napatingin ako sa kanya at nakangisi siya. Jerk! "Let's go." Sabi ni Fire at nagsimula ng tumakbo. Vampire speed of course. "Put your arms on my shoulders. You might fall," utos niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang tigas ng ulo!" Hinawakan niya ang magkabila kong braso at ipinatong sa balikat niya at saka siya nagsimulang tumakbo. Sa sobrang bilis niyang tumakbo ay blur na ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko since sa kanya ako nakaharap. Nagtaka ako nang bigla siyang huminto. "Anong problema?" Tanong ko. Nakatingin lang siya sa harapan kaya bumitaw ako sa kanya at nakitingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang siguro'y mga sampung lobo. Nanlilisik ang kanilang mga mata at kapwa mga naglalaway pa. Dahan-dahan silang lumalapit sa amin. Hinila ako ni Hell at pinwesto sa likuran niya. Sinasabi niya bang hindi ko kayang takasan ang mga lobong 'yan? Nung malapit na sila sa amin ay kataka-takang bigla na lang silang nagbago ng direksyon. Napakunot ang noo ni Hell. Maging siya ay nagtaka. Baka natakot sa kanya? "Let's go." Muli niya akong kinabig sa baywang at nagpatuloy sa pagtakbo at pagtalon. Hanggang huminto na siya at ibinaba ako. "Hey," sabi ni Fire na kalalabas lang ng kagubatan. "Bakit nauna pa kayo sa akin? Hindi niyo ba nasalubong ang grupo ng mga lobo?" Parang bata niyang tanong. "Medyo nahirapan akong lagpasan sila e." Dagdag pa nito. "Sige na, tour her around sa palasyong magpaparanas sa kanya ng impyerno." Sabi ni Hell at nagsimula na siyang tumakbo pabalik ng gubat hanggang sa maglaho na siyang parang bula.  Alucard Palace Tinanaw ko na ang palasyong tinutukoy ni Hell. Madilim ang paligid. Tanging ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang pinagkukuhanan ng liwanag. Buwan? Oh yea. Nasa ibang mundo nga pala ako. "Walang araw sa mundo namin.l," sabi ni Fire kaya napatingin ako sa kanya. "Ayan ang Alucard Palace, gusto mo pa bang pumasok?" Seryoso niyang tanong. Malaki ang palasyo. Mala-palasyo sa mga fairytales, ang pinagkaiba lang ng palasyong 'to, nababalot ito ng kadiliman. Tinignan ko ang paligid, maraming tao—I mean bampira sa paligid na kumikilos ng normal. 'Yun nga lang, purong mga itim ang kanilang mga suot. Hindi rin nakatago ang pangil ng iba. Mahaba ang pathway bago marating ang palasyo kaya paniguradong marami kaming madadaanan. Bakit nga ba hindi muna kami nagpalit ng damit bago pumunta rito? Suot pa rin namin ang pink na pink na above the knee pleated skirt, long sleeve blouse, pink tie and gray coat na parte ng uniform namin. Pink uniform na napakalayo sa itim na kapaligiran. Mukha namang hindi kami pinapansin ng mga bampira kaya diretso lang kami sa paglalakad. Nakarating kami sa kahoy na tulay. Hanggang sa makarating na kami sa mismong tapat ng palasyo. Nag-aalalang tumingin sa akin si Fire pero tumango lang ako. Tinulak na niya ang double door at lumangitngit ito. Malaki ang pinto ngunit hindi na nakakapagtakhang nakaya iyon ni Fire. Halos manigas siya nang may isang lalaki ang sumalubong sa amin. Mukhang hindi niya iyon inaasahan. "May bisita pala tayo?" Sabi ng batang lalaki at nabaling 'yung tingin niya sa akin. "Prinsipe Vlad..." Tanging nasabi ni Fire. Napahawak siya sa akin at halatang takot na takot. Prinsipe? Siya marahil ang prinsipe ng palasyong 'to? "Isang mortal?" Tanong niya sa akin. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at tumango. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang magpakakaswal samantalang ang bampirang nagdala sa akin dito ay balot na ng takot. "Tuloy kayo." Sabi niya at naghinala na ako. May balak ba siya sa akin? Nakita ko ang kabuuan ng palasyo at luma na ang mga gamit ngunit halatang marangya ang pamumuhay dito. Kulay kahel ang kulay ng ilaw at marami ring kandila ang nakalagay sa kandelabra. "Mag-ingat ka, Heaven." Sabi ni Fire. Humakbang ako papasok at nakatingin lamang sa akin ang prinsipeng bampira. Nakasunod siya, maging si Fire ay nakasunod lang sa akin. Marahil ay bumubwelo lamang ang prinsipe sa pag-atake sa akin. "Isang minuto," napatingin ako sa prinisipe nang magsalita siya. Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya napakunot ang noo ko. "Lumagpas ka na sa isang minuto kaya maaari na kitang tapusin." Nagulat ako sa sinabi niya. Binibigyan nIya ng oras ang mga mortal para magtagal sa lugar na 'to. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya palapit sa akin ay siya namang atras ang ginagawa ko. Hanggang sa isang mahabang lamesa na ang nasa likuran ko. Kitang-kita ko kung paanong namula ang kanyang mga mata at lumabas ang matatalim niyang pangil. Tumulis rin ang ang kanyang mga kuko. "Your blood is now mine." Sabi pa niya at nakapa ng kamay ko mula sa likuran ko ang isang kandelabrang may nakasinding kandila sa ibabaw ng mesa. "Stay away from me!" Agad kong inihampas sa mukha niya ang kandelabra at tumakbo. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa isang malaking pinto at saka ako pumasok doon at isinara iyon. Pagtalikod ko at hahakbang pa lang sana ako ay nasa harapan ko na ang prinsipe. Fool me, of course he can. Isa siyang bampira. "Dead end. Game over." Nakangisi niyang sabi at saka ako hinawakan sa leeg at sinakal. Itinaas pa niya ako mula sa sahig gamit lamang ang isang kamay. Ubo na ako nang ubo at kinakapos na ako ng hininga. Yep. Mukhang hanggang dito na lang ang kaya kong itagal. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD