Chapter 1

1970 Words
Aria Point of View Naglalakad ako papasok ng kanto sa may Plaza ng bigla na lang may dumaan na mabilis na kotse kaya napatalon ako sa gilid "Hoy! Kung hindi mo mahal ang buhay ko maawa ka sa buhay ng iba!" sigaw ko sa sasakyan na dumaan nakita ko pang nilabas niya ang kamay sa bintana at itinaas lang. Ang malas ko naman ngayon araw. Napagod ka na nga sa paghahanap ng trabaho tapos ito at muntik na ako rnasagasaan. Hindi lamang iyon dahil nasira pa ang swelas ng nag iisa kong sapatos. Pagdating ko sa bahay nakita ko si lnay na nagluluto nilapitan ko sya at nag mano ako sa kanya. "Ang sarap naman ng niluluto mo inay!" sabi ko pagkababa ko ng bag ko sa may upuan. "Dinalhan ako ni Kumareng Remy ng bangus natira yan sa paninda nila kaya ibinigay na lamang" sabi ni inay habang nakatuon ang pansin sa niluluto "Ang bait talaga ni aling Remy kaya napaka swerte ng mga anak nya sa kanya" nakangiti kong sabi sa kanya. "Kamusta ang lakad mo ngayon?" natawa ako sa tanong ni inay sa akin wala naman iba sa tanong niya pero kahit araw araw yan ang tanong niya sakin di ako mag sasawa napaka supportive niya sa akin. " Okay naman po ang maghapon na ito dahil may mga nakita naman po ako at hihintayin ko na lang ang mga tawag nila sa akin. " Nakangiti kong sabi sa kanya ayaw ko na pinapakita sa kanya na naghihina na yung loob ko dahil puro apply lang ang nangyayari positive pa rin ang kailangan ko sa araw araw.Hindi ko na din sinabi na muntik na akong mabangga kanina dahil ayaw ko siyang mag alala. "Kapag nakapag trabaho na ako mag iipon ako at magpapatayo ng bahay kukuha tayo ng katulong para hindi ka na mahirapan pa" nakatingi kong sabi sa kanya "Alam mo anak hindi mo naman ako kailangan ipagpatayo ng bahay na malaki okay na ako dito kasama ko kayo masaya na ako" nginitian ko sya ng sobra at niyakap. "Alam ko naman po iyon Inay pero pangarap ko po na mabilhan kayo ng bahay at mabigyan ng maganda buhay." Sabi ko kay inay habang nakayakap. "Hangga't kaya ko anak ay gagawin ko ang lahat para sayo , para inyo". Sabin i inay "Alam ko naman iyon kaya nga gusto ko na masuklian lahat ng paghihirap mo." Sabi ko na lang sa isip ko. "Hindi ko na nga ikaw napag aral ng kolehiyo" dagdag pa nya kita ko ang lungkot sa mukha niya ng sinabi niya iyon. "Huwag ka mag alala inay makakapag aral din ako kung suswertehin" sabi ko sa kanya. "Hoy! Magsilabas kayo diyan." Napatigil kami sa pagdadrama ng may kumalampag sa may pinto. Kaya naman tumayo ako para pag buksan ito. "Aling Sol kayo po pala, bakit po?" tanong ko sa ginang "Aba, kelan nyo ba balak magbayad ng upa, apat na buwan na!" sabi ni aling Sol na halatang galit nag alit na. " Huwag po kayo mag-alala gagawan ko po ng paraan para po makapag bigay sa inyo" sabi ko sa kanya. "Puro na lang gagawan ng paraan, hanggang sa isang araw pag hindi kayo nagbigay maghanap na kayo ng tutuluyan!" sabi pa nito at umalis na. "Pasensya na ho kayo" hingi ko ng paumanhin alam kong nakatalikod na siya pero sinigurado kong nadinig niya ang paumanhin ko. "Ilang araw na siyang bumabalik-balik dito" sabi ni inay habang inihahanda ang lamesang pagkakainan namin. "Bakit hindi nyo po kaagad sinabi?" tanong ko sa kanya at tinulungan siya maghanda. "Ayaw kong mag alala ka, hindi ko kasi kaagad nakuha ang bayad sa mga labahin kaya hindi ako nakapag bigay sa kanya." Sabi ni inay, kinuha ko ang kamay niya dahilan ng pag hinto niya sa ginagawa niya "Inay, binibigay nyo po ba kay itay ang pera nyo?" tanong ko sa kanya umiwas naman siya ng tingin. "Pasensya ka na anak hindi ko kasi matiis ang iyong tatay" sabi niya alam ko kung bakit dahil sasaktan siya nito kapag hindi siya nag bigay. Sinasalo niya ang lahat. "Bukas ay sa tindahan ako ni Aling Remy, mag aadvance na lamang ako sa kanya" sabi k okay Inay "Ate Aria, nandito ka na!" dinig kong hiyaw sa may pintuan "Oo at nauna pa ako sa'yo na umuwi, saan ka bang bata ka nag susuot?" tanong ko sa kanya. "Dyan lang sa mga kaibigan ko" sagot naman niya. "Kumain na kayong dalawa at lilikumin ko lang ang mga sinampay ko." Sabi ni nay. "Bakit di na po muna kayo sumabay tutulungan ko na lamang po kayo mamaya" sabi ko kay inay. "Hindi na mukhang uulan sasabayan ko n lang kayo mamaya konti lamang naman ito." Umupo na ako at nagsimulang kumain umupo din naman si Denise pero imbes na kumain ay nakatingin lamang siya sa akin na nakangiti. "Pinag gagawa mo diyan bakit di ka pa kumakain?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin. "Ang sungit mo naman parang tinitingnan ka lang" ngumuso pa sya sa akin padabog niyang kinuha yung kutsara niya at sumandok ng kanin. "Ano bang meron at tinitingnan mo ako? Yung mga ganyan mong kilos siguradong may kasunod " Diretso kong sabi sa kanya. "Tigilan nyo na nga yang dalawa nasa harap kayo ng pagkain " hindi ko namala1yan na nandoon na pala si inay sa harap nam in. "Si ate kasi ang sungit kaya lagi siyang mukhang manang!" Napaangat ang ulo ko ng marinig ang sinabi niya. " Kanina ka pa kasi nakatingin sakin parang may kailngan ka" ngumuso siya sa sinabi ko. "Ate naman wala nga akong hihingin sayo no materials, no money exchange, ang gusto ko lang naman eh samahan mo ako" pumungay pungay pa ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon. Gusto kong matawa pero hindi koi yon pinahalata. "Saan naman tayo pupunta ng ganitong oras?" tanong ko sa kanya " Sa may plaza, sige na ate samahan mo na ako may darating daw na boy band dun na galing sa isang sikat na Academy" sabi pa niya. "Gutom lang yan Den-den. Alam mo naman na hindi ako pumupunta sa mga ganyan." Ngumiti ako pagkasabi ko noon sa kanya. "Si Ate Manang talaga para magpapasama lang eh" sabi niya na nanlilisik ang mga mata "Anong sabi mo?" tanong ko. "Tama na yan masamang nag aaway sa harap ng pagkain.Kung gusto mo ikaw na lang Den-den wag mo na pilitin ang ate mo at pagod sa maghapon." Sabin i Inay Matapos naming kumain ay ako na ang nag presinta na mag hugas ng pinggan dahil alam kong wala sa mood si Den-den pikon kasi iyon. "Inay aalis na po ako" dinig kong paalam ni Den-den kay Inay. "Sige basta uuwi ka ng maaga" sagot naman ni inay hindi ko na nadinig ang sagot ni Den-den. Pagkatapos kong mag hugas ng pinggan ay agad akong pumunta sa sala at tinulungan si inay na mag tupi ng kanyang mga sinampay. "Akin na nga iyan anak magpahinga ka na doon" hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay yumakap pa ako sa kanya sa tuwing nakiki ta ko sya na nahihirapan ay lalo akong nag pupursige na maghanap ng trabaho para hindi na masyadong mahirapan pa si l nay. "I nay dapat nga ikaw po ang mag pahinga pagod na kayo ako na po ang tatapos nito para sa inyo." Naramdama n kong humi nga sya ng malalim at hinaplos ni inay ang aking mahabang buhok. "Napaka bait mo at may mabuting puso sana balang araw ay mapatawad mo ako" kumunot ang noo ko sa sinabi ni inay. "Ano po bang sinasabi nyo?" tanong ko sa kanya "kahit mahirapan ako ay hindi ako titigil kung dito at ito lamang ang paraan para maging ligtas tayo" sabi niya lalo naman ako naguluhan. "Inay pagod ka na nga kung anu-ano na kasi ang pinagsasabi nyo" sabi ko sa kanya na tatawa tawa lang tiningnan ko siya nab akas ang lungkot sa kanyang mga mata. "Ano na naman bang drama iyang pinag gagawa nyo" napatingin ako sa may pinto at nandun si Itay na hindi na halos maka tayo ng maayos dahil sa kalasingan Tumingin siya kay inay at pagkatapos ay tumigin sa akin. "Nandito na pala ang aking magandang anak" sabi niya at akmang pupunta sakin pero inalalayan siya ni Inay. "Halika ka nga dito at tulungan mo si tatay" kinabahan na naman ako sa tono ng boses. Tinapik niya ang kamay ni inay at akmang pupunta na naman sa akin. "Halika dito anak ko at masahihin" ulit nyang sabi habang nakatingin sa akin tatayo na sana ako para tulungan sy a ng mag salita si inay "Aria, anak di ba pupuntah an m o ang kapatid mo? sige na at baka kung anu- anon a pinag gagagawa nun" tumingin si inay sa akin yung tingin na nag papahiwatig na umalis na ako pero bakit? dati naman ng ganito ito si itay. "Bakit ba pinapaalis mo may pinapagawa pa ako sa kanya" sabi ni itay na halatang nagalit na ito. "Pupuntahan niya si Den-den at baka kung saan saan pumunta ung anak natin" sagot naman ni inay. Kahit na gusto kong tulungan si Inay ay hinila ako paalis ng aking mga paa. Dinala ako ng aking paa papunta sa may plaza kahit na puro tanong ang nasa aking isip kung bakit niya ako pinapaalis ngayon lamang nangyari iyon. "Hoy, Aria" nagulat ako sa taong tumapik sa balikat ko. "Grace!" iyon na lamang ang nasabi ko "Kanina ka pa lutang, kanina ka pa naming tinatawag!" sabi niya noon ko lang napansin na nandoon din pala si Kevin napangiti naman ako. "Uy ano yan date?" napangiti ako ng makitang namula ang pisngi ni Grace. "Iniiba mo ang usapan" sabi ni Grace para hindi mahalata na apektado siya. "Hindi ko kayo nadinig" yun na lamang sinagot ko. "Saan ka pupunta?" tanong ni Kevin seryoso na naman mukha niya at mukhang napilit lamang dahil mukhang byernes Santo ang mukha. "Sa Plaza" sabi ko "Sa Plaza? Kelan ka pa nahilig manuod?" tanong ni Grace "Hahanapin ko lamang si Denise." Napatango na lamang si Grace sa sinabi ko at nag tuloy na kaming tatlo na. Nanag makarating kami sa plaza ay nakipag siksikan kaming tatlo humahanap sila ng magandang pwesto ako naman ay kung saan saan ako tumitingin at nagbabakasakali na Makita si Den-den "Alam mo ba na magagaling daw yung inimbitahan ni kapitan na banda at sabi pa mga college pa lang daw ang mga iyon mga gwapo din yun for sure"Kini kilig na sabi ni Grace "Basta tsismis mabilis ka" sabat naman ni Kevin Natatawa ako sa tuwing makikitang nag sasabatan ang dalaw daig pa ang mag dyowa. "Lalabas muna ako hindi ako gaano makahinga dito" sabi ko na lang tumango naman silang dalawa "Sige balik ka agad ha" pahabl pang sabi ni Grace Nakipag siksikan ako hangga't makalabas ako malabong makita ko si Den-Den dito sa dami ng tao.kaya nagpasya akong pumunta sa may playground may ibang tao dito pero mukhang mga mag jo dyowa. Nakakita ako ng isang swing at lumapit ako dun at naupo. "Leave" sabi ng isang malamig na boses Tumingala ako ng maaninag ko ang taong nagsalita. "At bakit mo ako pinapaalis?" nakataas kilay kong sabi sa kanya. "I'm the one who see this first" sabi nya sa tonong gal it aba at sya pa ang galit "Hoy Mister kung ikaw man ang naunang naka kita pero ako ang unang umupo diyan" sabi ko nakaka pang galaiti itong taong to. "I'm not your husband." Aba at pilosopo pa buwisit na ito "Di ko sinabing asawa kita at wag mo ko ma English English palamunin kita ng lupa diyan" sabi ko sa kanya "Dayuhan ka, dito ako taga rito kung sisigaw ako ng r**e maraming kukuyog sayo" pananakot ko sa kanya "Don't you dare me coz' I can do it right here ,right now" Lumapit pa sya sa akin at inilapit pa ang mukha nya .Ang bango bango nya ang sarap arnuyin. "But you are not my type" nakita ko ang pag ngisi niya dahil doon ay nawa la yung pag i imahinasyon ko sa sinabi nya umupo sya sa swing tapos tiningnan nya ako ngum isi pa sya sa akin dahilan upang magbaga ang ilong ko sa galit ang yabang ng lalaki na ito. "Hoy lalaki hindi ako natatakot sayo! hindi rin kita type wag kang ambisyoso." Pagkasabi ko noon ay tumal ikod na ako dahil sa galit ko ay sumigaw pa ako "Mayabang !" Naka kainis puro kamalasan ba ang mangyayari saki n sa araw na ito. "Napakayabang talaga ng lalaki na iyon kala mo kung sinong gwapo mukh a naman uggoy." bulong ko sa sariIi ko sobrang nakakainis talaga kasi yung lalaki na iyon. "Sino kausap mo diyan?" nang biglang may nag salita mula sa aking likod boses pa lang alam ko na kung sino. "Wala" naglakad na ako palayo 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD