ARIA Point Of View
"Aria naman sumama ka na please?"
Nagmamakaawang sabi ni Grace. Ayaw niya akong tigilan pilit pa rin niya akong inaaya.
"Ayaw ko nga Grace" pagdidiin kong sabi sa kanya
"Birthday ko naman pag bigyan mo na ko please kasama natin si Kevin" nagpapa cute pa niyang sabi
"Kasama mo na pala si Kevin eh di kayo na lamang dalawa" pinatay ko na nag t.v. dahil hindi ko naman na iyon maiintidihan
"Hindi na nga ako nag paparty para makasama ka lang sa birthday ko. Ayaw ko ng sosyalan I just wanna have fun with you and Kevin, let's go na kasi my treat" pagpipilit ni Grace sa akin kinuha pa nya yung kamay ko at nag mamakaawa.
"Ate Grace kung ayaw ni ate manang ako na lang. " Sabat naman ni Den den at inismiran pa nya ako.Dahilan upang tumawa ng malakas si Grace
"Tigilan mo nga ako Den-den at hindi ka pwede dun bawal minor doon" Lumayo sa akin si Grace at pinag cross pa ang dalawang kamay nya.
"Sumama ka na anak at ng makapag relaxat mag saya ka naman hindi yung puro trabaho" sabi ni inay na kasama naming dito sa sala.
"Tama si tita, hayaan mo po tita promise ko po na ako ang bahala kay Aria" ngiting sabi ni Grace "And Aria ako na ang bahala sa outfit mo!"
Mukhang dapat akong matakot sa mga ngiti niyang iyon. Napa oo ako ng wala sa oras.
== *=*=*=
"Wala bang ibang damit ang iksi nito" pagmamaktol koi sang fitted dress na spaghetti strap na kulay itim.
"Bagay naman ah!" sabi ni Grace.
"Hindi ba pwedeng mag pantalon na lamang ako at tshirt" pilit kong ibinababa
"Ang badoy mo talaga ate" Sabat ni Den-den sakto naman ang pagpasok ni inay sa kwarto.
"Ang ganda ng anak ko, dalaga na talaga!" nakangiti niyang sabi
"Halika dito" pinaupo ako ni inay at kinuha ang suklay at saka niya pinusod ng nakataas ang buhok ko siya na din ang naglagay ng lipstick ko.
"Wow tita ang galing nyo naman po mag ayos" ngiting sabi ni Grace na parang nanalo.
"Parang hindi si manang iyan ah" tatawa tawang sabi ni Den-den
. "Ito naman isuot mo at gogora na tayo " sabay abot sa akin ng black stiletto shoes pero tinanggihan ko siya pero wala din ako nagawa.
"Perfect" sabi niya at napapalakpak pa.
Paglabas namin ay si Kevin ang nakita naming nag hihintay sa labas ng pick up niya. Nakatulala itong nakatingin sa amin.
"Hoy Kevin natulala ka na dyan?" si Grace at ikinaway pa ang kamay nya kay Kevin.
"Ang ganda mo" yun lang ang nasabi ni Kevin.
"Kevin sya lang ba ang maganda?ako hindi? " nakalabing sabi nito kay kevin. May ipinatong si Grace na isang black na jacket sa balikat ko patong ko lang daw fashion.
"Syempre maganda ka,maganda ka pa sa pagong " panunukso neto at sumakay na ako sa likod ng pick up.
"Ang ganda naming ni Aria tapos dito mo kami sa pick up isasakay" nakangiwing sabi ni Grace
"Maganda naman na talaga si Aria kahit anong suot nya at kung meron akong limousine ay doon ko siya isasakay" nakangiting sabi nito sa akin.
Noon ko lamang napag masdan na ang gwapo ni ito sa ayos niya ngayon naka black shirt at pants na kulay cream tapos isang leather brown jacket.
"Tama na nga at umalis na tayo" nakasimangot na sabi ng birthday girl.
Huminto kami sa mga nag gagandahang mga kotse na naka park. Tawa naman ng tawa si Grace dahil mukha daw taga kuha ng basura ang sasakyan ni Vince. Pag itong dalawa na ito talaga ang nag sama sigurado puro asaran lamang.
Pagpasok naming ay hindi ito isang bar dahil isang restaurant ito. May tugtog na nakaka relax habang kumakain ka. Pumasok kami sa isang pinto at isa itong malawak at medyo madilim na pasilyo sa dulo nito ay may dalawang malalaking katawan na naka bantay.
May binigay si Grace na card sa dalawang lalaki at saka tumango lamang pumasok na kami at naupo sa isang upuan na pabilog.
"Yes this is it!" hiyaw ni Grace tiningnan ko naman si Kevin mukhang nag eenjoy na ito agad may mga lumalapit na agad na mga babae para makipag sayaw pero hindi ito pumapayag.
"Aria oh inumin mo bilis na! " sabi ni Kevin at iniabot naman nito sa akin baso na may lamang alak.
Pagkainom ko ay bigla akong napa ubo. Narinig kong tumawa si Kevin at Grace.
"Hindi ka nga sanay " tumatawang sabi ni Grace
"Hmmmm i felt like i want to dance come on Kevin dance with me " Hinatak niya Grace ang braso ni Kevin pero bago sila umalis ay bumaling sila sa akin.
"Huwag nyo na akong intindihin kaya ko sarili ko dito! " Itinaas ko pa ang hawak ko na baso na may laman sa kanila. Nagtuloy naman sila na umalis at sumayaw sa gitna
Hindi ko talaga ang hilig sa ganito ang pag sayaw pa kaya kasama ang maraming tao. Napadami na ata ang aking nainom kaya tumayo ako at hinanap ang rest room.
"Ouch ! " narinig ko na lang pag harap ko sa kanya ay nakatingin itong babe sa akin ng masama.
Hindi ko na siya pinansin kahit yung ibang nadadaanan ko alam kong may tama na din ako dahil sa alak.
Pagkakita ko sa rest room ay pumunta ako doon kaagad at pumasok sa isang cubicle. Hindi din naman ako nagtagal ay lumabas ako kaagad. Naglakad ako pero dito ako sa may counter napunta kaya naman umupo muna ako doon.
"Miss beautiful what do you want? " sabi ng bartender.
"Naku hindi po ako oorder umupo lang ako" tumango lang naman yung bar tender.
"George give her one glass of martini " sabi ng lalaking kakadating lamang gwapo siya pero alam mo yung lalaking babaero.
"Miss are you having fun here?! you look like an angel bakit kaya ngayon ko lang ikaw nakita" hindi nga ako nagkamali babaero nga ito
"ako ba kausap mo?" tanong ko sa kanya
"yes sino pa ba? " nakangiting sabi nito.Ngumiti lang ako sa kanya hindi rin naman nag tagal ay inbinigay ng noong bartender yung kanyang inorder.
"Here my treat para sa isang magandang dilag " inaabot nito yung isang baso.
"Wag na nakakahiya " sabi ko sa kanya
"Come on I'm just being nice to you wala naman itong lason o pampatulog" nagkakamot na sabi nito
"Hinid ka naman malalasing dito try this masarap itoperfect ito para sayo" nakangiting sabi nito
"Sige pupuntahan ko na yung mga kasama ko " pagkasabi ko noon ay akmang aalis na ako pero pinigilan niya ako
"Before you leave, sige na inumin mo na ito" ngumuso pa ito na parang bata.
"Sige na nga kulit mo" ngumiti naman ito ng makita niyang
"See masarap di ba? " tumango ako.
"Charles nga pala ang gwapong lead guitarist and vocalis ng banda dito " sabi nito at inilahad pa ang kamay nya .
Tinanggap ko naman ang kamay niya.
"Aria ! " simple kong sagot sa kanya
"What a very beautiful and sweet name!" nakangiting sabi nito sa akin.
"Thank you sige na baka hinahanap na ako ng kasama ko" hindi ko na hinintay ang sinabi niya at lumayo na ako
Habang lumalakad ako ay parang umiikot ang mundo ko ang mga tao ay parang nag dadalawa na. Lasing na nga talaga ako.Nagulat na lamang ako ng may bila akong nabunggo pumukit ako at hinintay kong mahulog ako sa sahig pero hindi
Iniintay kong malaglag ako sa sahig pero walang sahig akong naramdaman.
"Hey!" Teka may nagsalita! Napaka lamig ng boses neto parang galing sa ilalim ng lupa Teka nananaginip ata ako?
" Watch your step and don't flirt with me"
Parang nadinig ko na ang boses na iyon hindi ko alam kung nananaginip ba ako o hindi
" Fvck " napamulat na ako ng marinig ko ang boses niyang nag mura.
P A K ! ! ! ! !
" The Hell! " sigaw niya sa ginawa ko sinampal ko e
" Bastos ka" sabi pa nito sa galit na tono hindi ko alam kung nakakuha na ba kami ng eksena.
"If this is your trick to be with me sorry I hate flatten boobs" Nangunot ang noo ko sa sinabi nya
"Bastos ka, teka parang kilala kita?" iniisip ko kung saan ko siya nakita tiningnan ko pa siya at hinawakan yung mukha niya. Nahihilo ako pero alam kong kilala ko ito
" tsk "
"hey, Vince what happened?" Vince? Vince ba pangalan ng bastos na ito.
"Aria?" napalingon ako sa nagsalita siya yung lalaki kanina
" Kaibigan mo ba itong m******s na ito" tanong ko
"Ako m******s, ikaw itong lumalandi sa akin"
"Anong sabi mo ako lumalandi sayo?" sagot ko sa kanya nawala ang pagkalasing ko napalitan ng galit
"We can settle this in private room, not here marami na nakaka kita sa inyo" napalingon naman ako marami na nga ang mga nakatingin at nag bubulungan
"Hindi na pagsabihan mo na lang iyang kaibigan mong m******s" sabi ko na lang at umalis na
" Gizzzz who do you think you are?" narinig ko pang sabi nito pero pinigilan lang sya noong isang lalaki .
Pag dating ko sa table namin ay nandoon na sina Kevin at Grace.
"Saan ka nang galing? " tanong ni Kevin .
"Akala namin umuwi ka na" sabi naman ni Grace sa akin .
Umupo ako sa tabi nila at kinuha ang baso at nilagok ko ang laman ng basong iyon .
"Hey are you okay? " tanong naman ni Grace
Tiningnan ko sila at ngumiti ng mapait .Kapag kasi ganitong galit ako ayaw ko munang mag salita dahil baka kung ano pa ang magawa ko o masabi ko .
Kumuha ulit ako ng alak at ininum yun
"Aria " kinuha niya yung baso ko ng makita nilang sunod sunod ang pag lagok ko ng alak.
"Hindi ako lasing " matipid kong sabi tapos sumandal sa upuan.
"Saan ka ba galing at nagkaganyan ka? " halata na curious siya sa akin dahil hindi naman ako ganito
"Sa Cr tapos nakakita ako ng unggoy! " tapos tumawa pa ako ng malakas .
"Lasing ka na nga" natatawang sabi ni Grace
"shhhh ! ngayon lang okay " tumawa pa ako sa kanya .
nag sayaw kami matagal tagal din kaming nasa dance floor tapos nag pahinga na kami .
"grabe sarap sa pakiramdam " sabi ko pa sa kanila .nakangiti naman si Kevin at si Grace humagikhik pa .
"To all who wants to sing you can come here on stage ?" sabi noong M C .
NAtuwa naman ako sa narinig ko tapos itninaas ko ang kamay ko gusto kong kumanta . Tinawag ako nila Kevin at Grace pero hindi ko sila pinansin
"There may volunteer na tayo " at ibinigay sa akin ang stage sinabi ko lang yung kakantahin ko.
"Happy Birthday sa kaibigan ko, Grace para sa'yo ito" sabi ko bago ako magsimulang kumanta
♫ ♫ ♫ ♪ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪
How can I decide what's right?
When you're clouding up my mind
I can't win your losing fight all the time
How can I ever own what's mine
When you're always taking sides
But you won't take away my pride
No not this time
Not this time
How did we get here?
Well I used to know you so well
How did we get here?
Well I think I know
♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♪♫
Naghihiyawan naman ang mga tao na narito at pumapalakpak pa matapos akong kumanta.
"At para sa unggoy na nakabangga ko kanina, gaganti ako sa pagkuha mo ng first kiss ko!" sabi ko bago ko ibigay ang mic sa host.
Someone Point of View
" That girl is really diffirent and I think she is special ! " natatawang sabi habang nakatingin sa malayo mula sa kanilang kinatatayuan. Nasa taas sila ng Bar at kita nila ang mga nasa baba.