Chapter Twelve

2507 Words
NAGMULAT ng mga mata si Paolo. Nagisnan niya ang sariling nakahinga sa isang malaki at malambot na kama sa isang marangyang silid. Naka-medyas pa siya at   suot pa niya ang faded jeans at polo shirt na natatandaan niyang suot niya kagabi. Disorient na inilibot niya ang tingin sa paligid. Bahagya pang nanakit ang ulo niya dahil sa nainom kagabi. Napakunot-noo siya nang hindi niya maalala kung nasaang silid siya o kaninong bahay siya naroroon.  Gayumpaman ay pamilyar sa kanya ang istruktura ng silid. Marahil ay nasa bahay siya nang isa sa mga kaibigan niya. Napaupo si Paolo sa kama habang inaalala sa isip ang nangyari kagabi. Dalawang araw siyang nagkulong sa condo unit niya at hindi rin siya pumasok sa trabaho dahil pinagkaabalahan niyang tapusin ang disenyo ng sports club center na balak ipatayo ng mga magulang nila ni Ken at ng iba pang kaibigan ng mga ito. Ilang araw na rin niyang iniiwasan ang lahat. Hindi niya binabasa ang mga text o sinasagot ang mga tawag sa cell phone kahit pa mula sa kanyang pamilya dahil batid niyang uusisian lang siya ng mga ito sa ginawa niyang pakikipaghiwalay kay Jane. Gabi na nang matapos si Paolo at naisipang magtungo sa Friend Jungle Bar and Restaurant para mag-relax. Ilang minuto na siyang nakaupo sa harap ng bar counter nang lapitan siya ni Miakka. She flirted with him again pero wala siyang balak patulan ang babae. Nagulat na lang siya nang mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Jane at tinarayan si Miakka dahilan upang umalis ito. Hinarap siya ni Jane at muli siyang nagulat nang marubdob siya nitong halikan. Halos kapusin na siya ng hininga nang bitiwan siya nito. When she kissed him again and encouraged him to kiss her back, she broke the kiss and left before he could even respond. Hahabulin sana ni Paolo si Jane nang biglang tumunog ang cell phone niya. Sandali siyang nakipag-usap sa engineer ng bagong project ng Builders at nang lumingon siya ay si Fran ang nakita niya. Inanyayahan siya nitong sumama table ng mga kaibigan nila na kasama pala ni Jane nang gabing iyon. Dahil batid niyang nakaalis na si Jane ay naki-join siya sa mga ito.           Madaling-araw na nang maghiwa-hiwalay sila. Pero maaga pa nang nauna nang umalis si Anthony dahil susunduin pa nito si Janine sa ospital. At katulad ng madalas mangyari sa kanya ng mga nakaraang araw ay nalasing na naman si Paolo. Naalala pa niyang muntik na siyang mag-walk out nang buksan ni Lance ang topic ng tungkol sa paghihiwalay nila ni Jane. Pinigilan lang siya nina Ethan at mabilis na iniba na ang topic. As much as possible, ayaw na niyang pag-usapan pa iyon. He had decided to end up his long time relationship with Jane. Sana tanggapin na lang ng lahat ang desisyon niya. Hindi na niya alam kung sino ang nag-uwi ng kotse niya. Pero sigurado siyang sa kotse ni Fran siya sumakay kasama si Francine.           Nagpasya si Paolo na bumangon na. Shower at matapang na kape lang ang kailangan niya at magiging okay na siya. Sa kanyang pagtayo ay humawak siya sa bedside table at hindi sinasadyang natabig niya ang picture frame na nakapatong doon. Muntik nang mabasag ang frame kung hindi niya mabilis na nasalo. Ganoon na lamang ang panggigilalas niya nang makita ang kanyang mukha at ni Jane sa picture frame. Kapwa sila nakangiti; hubad-baro siya at naka-sleeveless top naman ang dalaga. Natatandaan niyang kuha ang larawang iyon sa isang resort sa Camariñes Sur nang isama niya si Jane sa Bicol.   May kung anong humaplos sa dibdib niya habang nakatingin sa magandang mukha at nagniningning na asul na mga mata ni Jane. Noon niya napagtanto kung gaano siya nangungulila rito. Nagbalik sa isip niya ang sinabi nito kagabi bago siya hinalikan nito. “I’m still your fiancée, Paolo. Hindi ako makapapayag na basta mo na lang akong hihiwalayan.” Mapait na ngumiti siya. Base sa ikinilos ni Jane kagabi, masasabi niyang mahal na mahal talaga siya nito at ayaw nitong mawala siya. Yes, she loved him, no doubt about that. But not enough to marry him. Iyon ang mapait na katotohanan na kailangan niyang tanggapin.  Napailing siya at ibinalik ang frame sa bedside table. Nakita niya ang kanyang sapatos sa gilid ng kama. Kinuha niya iyon at naupo sa gilid ng kama upang isuot. Habang nagsasapatos siya, nakakunot ang noong muli niyang iginala ang tingin sa paligid. Nagtataka siya kung bakit sila may litrato roon ni Jane. Sigurado naman siyang wala siya sa silid ng dalaga. Hindi din ganoon ang hitsura ng silid niya o ng silid sa condo unit niya. Bigla siyang nagkahinala nang makilala ang istruktura ng isang silid na dinisenyo niya; ang lokasyon ng pinto, ang mga bintana, ang banyo, ang built-in closet at ang French doors patungo sa verandah. Pagkatapos magsapatos ay tumayo na si Paolo at malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang verandah. At doon niya nakumpirma ang hinala nang makita ang number eight-shape swimming pool. Naguguluhang nagmamadali siyang lumabas ng silid na alam na niya ngayong master bedroom ng bahay na pinagawa niya para sa kanila ni Jane. Hindi na niya gaanong pinagtuunan ng pansin ang iba pang malalaking pagbabago sa bahay, bumaba kaagad siya ng hagdan. Nadatnan niyang nagva-vacuum ng carpented na sahig sa gilid ng hagdan si Mang Gustin, ang pansamantalang kinuha niyang caretaker ng bahay. Tumigil ito sa ginagawa nang makita siya.           “Mang Gustin, ano ho ang nangyari dito? Bakit ho may mga gamit na?” buong pagtatakang tanong niya.           Bumadha ang pagkagulat sa mukha ni Mang Gustin. “Hindi n’yo pa pala ho alam? Si Ma’am Jane po ang bumili ng mga gamit dito.”           “Si Jane?” Siya naman ang nagulat.           “Oho.  At ipinadesenyo n’ya ang loob nitong bahay kay Ma’am Francine.” “Kailan pa ho ito?” “Magdadalawang linggo na, Sir.”           “Ganoon na katagal. Bakit hindi n’yo sinasabi sa ‘kin sa tuwing tumatawag ako rito?” Bago pa matapos ang kontrata ng mga construction worker at ng foreman na kinuha niya ay nawalan na siya ng interes na bumisita roon dahil sa patuloy na pagtanggi ni Jane na pakasalan siya. Napakamot ng ulo si Mang Gustin. “Bilin ho kasi sa akin ni Ma’am Jane, huwag ko raw sabihin sa inyo dahil sorpresa n’ya raw ito sa inyo.”           Natigilan si Paolo sa narinig. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. He was really surprised. Bigla siyang napahawak sa silver diamond ring band na nasa kanyang kamay. Kahit wala na sila ni Jane ay hindi niya magawang hubarin iyon at isauli. Pakiramdam kasi niya kapag ginawa niya iyon ay tuluyan na niyang tinatalikuran ang dalaga. He really could not cut her off from his life. Kapag pareho na silang nakapag-move on, gusto pa rin niyang maging kaibigan si Jane. Tulad ng nangyari sa kanilang mga magulang. Tandang- tanda pa niya ang araw na ibinigay ni Jane sa kanya ang singing na iyon. Nagulat si Paolo at ilang sandaling hindi nakapagsalita nang isuot nito sa daliri niya ang singsing.  “Para saan ‘to?” nagtatakang tanong niya nang makabawi.           “Simbolo ‘yan na engaged ka na sa akin,” nakangiting paliwanag nito.           Napangiti rin siya at tinitigan ang singsing. “Mahal to, ah. Pero, ‘di ba para sa mga bride-to-be at sa mga gay couples lang ang engagement ring?”           “Not anymore.Yes, mahal talaga ‘yan pero okay lang, mahal naman kita, eh.  Ngayon malalaman na ng lahat ng mga nagpapa-charming sa ‘yo na taken ka na. You’re mine, Paolo. You’re stuck with me forever. Huwag mong huhubarin ‘yan ha,” bilin pa ni Jane.           Tumango siya. “Thanks.”           “Pao,” anito na biglang sumeryoso. “I’m not really sure kung kailan ako magiging handa sa married life. Pero maniwala ka na mahal na mahal kita at ikaw lang ang nag-iisang lalaking pakakasalan ko. Sana hindi ka mapagod na hintayin at unawain ako.”           “I promise, hinding-hindi mangyayari ‘yon,” tugon niya at mapusok na hinalikan ng nobya.           “Jane…” usal ni Paolo. Iginala niya ang tingin sa marangyang living room. Base sa nakikita niya, kung talagang walang balak magpakasal si Jane sa kanya, hindi ito mag-aabalang ipa-decorate ang buong bahay at bumili ng mga appliances. Ang masama pa ay bigla na lang siyang nakipagkalas dito at hindi binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Bumagsak ang balikat niya nang mapagtanto ang pagkakamaling nagawa.             “Sir Paolo.” Napatingin siya kay Mang Gustin nang magsalita ito. “Lasing na lasing ho kayo kagabi nang inihatid kayo rito ni Ma’am Francine. Nagpakulo na ho ako ng tubig. Igagawa ko ho kayo ng kape,” sabi nito.           “Sige, salamat.” May motibo si Francine kung bakit doon siya nito inihatid kagabi. Gusto nitong ipamukha sa kanya ang pagkakamali niya at nagtagumpay ito.           At natagpuan niya ang sariling nililibot ang buong bahay.       IT’S NOW or never, usal ni Jane sa sarili bago bumaba ng kotse at naglakad patungo sa gate ng ipinagawang bahay ni Paolo. Hindi pa man siya nagdo-doorbell ay pinagbuksan na siya ng gate ni Mang Gustin. “Magandang umaga ho, Ma’am,” nakangiting bati nito.           “Magandang umaga rin ho. Nasa loob ba si Paolo?”           “Oho, Ma’am, nasa kuwarto ho sa ‘taas. Eh, Ma’am, alam na ho ni Sir ang sorpresa n’yo. Inihinatid kasi siya rito ni Ma’am Francine kagabi,” nagkakamot sa batok na sabi ni Mang Gustin.           “Ganoon ho ba?” Ang totoo ay alam na rin niya ang tungkol doon. Tinawagan kasi siya ni Francine isang oras pa lang ang nakalilipas, at ikinuwento nito ang nangyari magmula nang umalis siya sa Friend Jungle Bar and Restaurant kagabi. Ayon kay Francine ay nalasing si Paolo at hindi na kinaya pang magmaneho. At sa tulong ni Fran ay naisipan nitong inihatid ang binata sa magiging bahay nila imbes na sa bahay ng mga magulang nito.           “Pasensya na, Ate Jane, at nakialam na ako. Gusto ko lang kasing makita ni Kuya Paolo ang effort mo para matauhan s’ya at pagsisihan n’ya ang ginawa n’yang pakikipaghiwalay sa ‘yo,” paliwanag ni Francine.           It was okay with her. Hindi niya minasama iyon at na-appreciate niya ang ginawa ni Francine. Ang mahalaga lang naman ay ma-appreciate ni Paolo ang effort niya kahit hindi pa hindi nasunod ang plano niya. Pinayuhan pa siya ni Francine na magtungo kaagad doon upang makausap niya si Paolo at iyon nga ang kanyang ginawa.           Nagpaalam na si Jane sa katiwala at may kaba sa dibdib na naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Paano pala kung hindi nagustuhan ni Paolo ang ginawa niya?           Umakyat siya sa second floor. Nang makitang nakabukas ang pinto ng master bedroom ay doon na siya nagpunta. Pareho silang nagkagulatan ni Paolo pagdating niya sa pinto. Palabas ito at papasok naman siya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” nakakunot ang noong tanong nito na unang nakabawi.           Kaagad pinanghinaan ng loob si Jane sa narinig. Malinaw na hindi siya gustong makita ni Paolo. Mabilis siyang tumalikod at nagkalakad patungo sa hagdan.           “Akala ko ba hindi ka pumapayag na makipaghiwalay ako sa ‘yo. Bakit tatakasan mo na naman ako ngayon?” narinig niyang sabi ni Paolo.           Napahinto siya at humarap sa binata. “What do you need, Jane?” malumanay na tanong nito habang naglalakad papalapit sa kanya. Himinto ito sa harap niya. Humugot muna siya ng malilim na hininga bago nagsalita. “I’m sorry,” apologetic na sabi niya.           “For what?”           “Sa paghihintay mo sa akin nang matagal para magpakasal ako sa ‘yo. I love you, Paolo, and I want to marry you as soon as possible,” lakas-loob na deklara niya.           “We’re through, remember?”           “But we still love each other. Hindi basta-basta mawawala ‘yon.”           “Kaya ba pinakialaman mong ipa-decorate kay Francine itong magiging bahay natin?” tanong nito na inilibot pa ang tingin sa paligid.           “Yes.”  “Bakit inilihim mo ang tungkol dito, Jane?”           “Ito sana ang sorpresa ko sa ‘yo pagkatapos mong makipag-cool off sa akin. Then I was going to ask you to set our wedding date. Pero bigla mo na lang akong hiniwalayan,” paliwanag niya.           Biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Paolo. “Ako dapat ang humingi ng sorry sa ‘yo, Jane.” Hinawakan nito ang mga kamay niya. “I’m sorry, I let my anger do the talking. Hindi ako nakinig sa sasabihin mo,” apologetic na sabi nito.           Relieved na napangiti siya. “You suddenly left me. Akala ko ayaw mo na sa akin at napagod ka nang hintayin at mahalin ako.”           “For goodness’ sake, Jane. Since I realized that I’m in love with you, walang araw na hindi ako pinangarap na maging akin ka.”           “Talaga?” Napuno ng kaligayahan ang puso niya sa narinig.           Tumango si Paolo.           “Pero bakit nakipag-flirt ka sa babaeng ‘yon kagabi at binale-wala mo ako?” sumbat niya.           “Siya ang lumapit, Jane. Pero wala naman akong balak na patulan siya.  Ikaw ang bigla na lang umalis bago pa ako nakapag-react. Hindi kita nahabol dahil biglang may tumawag sa akin.”           “Pero siya rin ‘yong babaeng kasama mong pumasok sa loob ng hotel room sa Monteclaro Hotel.”           Bumadha ang guilt sa mukha ni Paolo. “I assure you, Jane, walang nangyari sa amin ni Miakka. I was just angry that night, so I tried to be unfaithful. Pero hindi ko rin nagawa dahil sumingit ka sa isipan ko.”            “I believe you,” kaagad na sabi niya.           Relieved na ngumiti ito. Itinaas nito ang mga kamay niya at hinalik-halikan. “So magpapakasal na talaga tayo?” kumpirma nito.           “Yes.”           “Pero paano ang wedding plans ng mga kapatid natin?”           “Magpapakasal sila next year o kahit kailan pa nila gusto. Huwag lang this year dahil tayo ang magpapakasal kahit bukas na bukas pa. Just promise me, Paolo, walang iwanan, ha?”           “Of course. Magtutulungan tayo sa lahat ng mga magiging adjustments sa buhay natin. Hindi madali ang buhay na papasukin natin, Jane, but with you beside me I know we can be a great team. I love you.”           “I love you, too.” Nagpalitan sila ng ngiti, pagkatapos ay kinintalan siya ng halik sa mga labi bago sila mahigpit na nagyakap.           “So, nagustuhan mo ba ang design ni Francine?” bulong niya sa tainga ng nobyo.           “Yes, especially the master bedroom.”           “Oh, pareho naming concept ang interior ng master bedroom. Ako ang pumili ng kama.”           Bahagya itong kumalas sa kanya at tumingin sa mukha niya. “Really?”           “Yes, kung gusto mo, puwede nating binyagan,” pilyang sabi niya.           Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ni Paolo. Muntik nang mapairit si Jane nang bigla siyang buhatin ni Paolo at ipasok sa loob ng master bedroom. Bago pa lumapat ang likod niya sa kama ay magkahinang na ang mga labi nila.           Batid niyang umpisa pa lang iyon sa masasaya nilang sandali sa loob ng silid na iyon.                     Makalipas ang dalawang araw ay muling namanhikan ang mga Rosales sa Familia Narvantez. Sa pagkakataong iyon ay pinag-usapan naman ang pagpapakasal nina Paolo at Jane. Isang araw pa ang lumipas, nang ikasal sila sa huwes. At nang sumapit ang buwan ng Disyembre ay silang ikinasal. Sa pagkakataong iyon ay ginanap na sa simbahan na sinundan ng enggrandeng reception. Nagdadalang-tao na noon si Jane, at hindi nagtagal ay natuklasan nilang kambal.   PEACH SEVILLA *** WAKAS***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD