Patayo pa lang ako sa pwesto ko ng ilayo ni Kier sa kanya ang babae. Akala ko ay itutulak niya, buti na lang at hindi niya ginawa. "What the fvck Cassandra!" Malakas na sabi ni Kier habang hawak niya ito sa balikat pero hindi natinag ang babae at ngisian lang siya nito. Alam ko na ang mga ganitong galawa. She likes Cristina pero hindi na ako nababahala dahil alam kong mahal ako ni Kier. "Why? Ayaw mo na ba sa akin? Di ba nga kada uuwi ka rito ay ako ang hinahanap mo at agad tayong pumupunta doon sa dalampasigan?" Malanding sabi nito kay Kier sabay himas sa dibdib ng asawa ko. Dalampasigan? Huwag niyang sabihin na doon sa pinag-anunan namin nila ginawa ang bagay na iyon? "Cassandra, please! Shut up! Okay?" Saway ni Kier pero mukhang wala talagang kahihiyan ang babae. "Alam mo kung paano

