"Akira, ipinapatawag ka ni Sir Kier, sabay na daw kayong kumain," rinig kong boses ni Manang Rosa. Napabuntong hininga ako. Umiiwas nga ako sa kanya tapos ipapatawag naman niya ako para sabay pa kaming kumain? Hindi ko tuloy kung ano ang isasagot ko kay Manang Rosa. "Hmm... Manang Rosa, busog pa po ako, e. Tsaka kailangan ko pa pong tapusin itong ni-re-review ko. May final exam po kasi kami bukas." palusot ko na lang. Sana ay hindi na ako pilitin ni Manang Rosa. Pagkarating ko kaninang hapon ay wala pa nga si Sir Kier. Kaya nagmamadali akong umakyat sa kwarto dahil alam kong anumang oras ay darating na ito. Hindi na rin ako kumain dahil kapag kumain pa ako ay baka magkita pa kami. "Sige, sasabihin ko na lang ang mga sinabi mo sa akin," ani ni Manang Rosa. Narinig ko na ang mga yabag nito

