"Kier! Hindi ko pwedeng iwan ng matagal si Keira, hahanapin ako ng anak natin!" Protesta ko pa. At isa pa, hindi kami pwedeng mawala ng matagal dahil sa check up ko weekly. Kailangan kong mamonitor ang kalagayan ng baby ko sa aking sinapupunan lalo na ang unti-unting paglaki ng- halos hindi ko masabi ang tungkol sa sakit ko. Ayaw pang mamatay. Ayaw ko pang iwan ang mga mahal ko sa buhay. Napansin ko naman ang unti-unting pagbagal ng patakbo niya sa sasakyan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa ginawa niya. Akala ko ay talagang dadalhin niya ako sa malayong lugar. Nakaka-excite sanang isipin pero sa kabilang banda ay natatakot ako. Iniisip ko rin kasi ang kalagayan ni Daddy at ni Keira at lalong lalo na ang kalagayan ko. "Okay. Ihahatid na kita sa inyo pero gusto kong kausapin ang Da

