Pagkarating namin sa mansion ay kaagad akong umakyat sa kwarto. Naglinis ng katawan at nagpalit ng aking mahabang bestida. Nakakahiya naman kay Sir Kier dahil nakikita nito ang panget ko daw na legs. Sabagay, lahat ng nakikita niya ss akin ay panget. Kailan ba ako naging maganda sa kanya? At dahil may magluluto naman ay nag aral lang ako saglit at ginawa ang mga homeworks ko pagkatapos ay pinagtuunan ko na ng pansin ang Diary ko. Narito ang litrato ng yumao kong ina at litrato ng aking Tiyang Linda. Ang mga taong alam ko na tunay na nagmamahal sa akin. Nakita ko rin dito ang papel na ibinigay sa akin ng aking Ina noong ito ay nabubuhay pa. Palagi ko itong tinititigan. Iniisip na palagi ko silang kasama. Mahirap ang maging ulila. Malungkot pero kailangan mong tatagan ang loob mo para sa h

