"Tiyang kaya po ba hindi ka na nag-asawa dahil wala ng nanligaw sayo?" Interesadong tanong ko. Madami akong gustong malaman kung bakit mas pinili ni Tiyang Loleng ang maging matandang dalaga kaysa mag-asawa at magkaroon ng sariling anak. "Kung sa manliligaw anak, marami. Kaso ang puso ko ang ayaw ng umibig sa iba. Siya at siya lang talaga ang nais kong makasama. Mahirap pilitin ang puso anak. Mahirap din turuan na magmahal." nakangiting sabi ni Tiyang sa akin. Ganun pala talaga? Pero bakit may mga tao na papalit palit ng karelasyon? Kung magpalit sila parang nagpapalit lang ng damit. Like, Sir Kier before. So, ibig sabihin nun... hindi siya marunong magmahal? "Eh... Tiyang... paano po 'yung papalit palit ng karelasyon? Lalo na yung marami ang karelasyon." tanong ko ulit. Nandito kami s

