Nang matapos na kaming magpaenroll ni Henry ay nagpaalam na si Sir Kier sa aming dalawa. Kaya pala sinamahan kami ni Sir Kier nya ay para mas mapadali ang pag eenroll naming dalawa ni Henry. Naamaze din ako dahil naipasa na rin ang kakailanganin kong record noong high school. Ini-email pa daw ng dati kong eskwelahan dito sa University. Iba talaga pag maimpluwensya ka, ang lahat na yata ay imposibleng hindi mo makuha. Samantalang ako noon, nagpabalik balik pa ako sa eskwelahan ko nung elementary ako. Ku g ano-ano pang hiningi sa akin bago tuluyang pirmahan ang clearance ko. Bago umuwi ay namasyal muna kami ni Henry sa mall at namili ng ilang gamit na gagamitin namin sa eskwelahan. Pero higit sa lahat ay naiilang ako sa magiging uniform ko. Palda kasi itong above the knee ang haba. Hindi na

