Napansin ko ang pagbabago ni Sir Kier sa akin nitong mga nakaraang araw. Naging malamig ang pakikitungo nito at halos hindi na ako pansinin. Kahit tingnan ako nito ay hindi na magawa. Kakausapin lang ako kapag may kailangan o kapag may iuutos sa akin pero hindi nakatingin sa aking mga mata. Pagkasabi ng utos ay diretsong talikod rin. Hindi na rin kami inihahatid sa eskwelahan bagkus ay ipinagamit na.lang nito kay Henry ang isang sasakyan nito. "Akira! Matagal ka pa ba? Tanghali na tayo!" rinig kong sigaw ni Henry sa labas ng pintuan. Kasalukuyan pa lang akong nagbibihis ng uniporme ko. Tinanghali kasi ako ng gising dahil sa kakaisip kagabi kay Sir Kier. "Andyan na, Henry! Pababa na ako!" pasigaw na sagot para marinig ako nito. "Pesting Alarm Clock kasi 'to!" sisi ko sa aking orasan ng

