"Naku! Anak! Mabuti at gising ka na! Kanina pa yan nagsisisigaw diyan!" Humahangos na wika ni Tiyang Loleng. Hindi ko na napansin na lumapit siya sa akin. Nanggaling pala siya sa silid ni Keira at ng nakita niya sigurong bukas na ang pintuan ko kaya agad niya akong pinuntahan. "Mga anong oras pa po siya nandiyan?" "Pagkaalis ng daddy mo, maya-maya ay dumating na yan. Hinahawi ang bawat maids na makikita niyang pahara-hara sa kanyang dinadaanan. Ikaw agad ang hinanap at ng sinabi kong tulog ka pa ay ayan na! Puro sigaw na ang ginawa. Hindi ko naman mapigilan kaya pinuntahan ko na lang muna si Keira sa kwarto niya. Mabuti na lang at mahimbing pa ang tulog ng bata. Wala namang pasok sa eskwelahan kaya hindi ko na ginising." Mahabang kwento ni Tiyang Loleng at sabay ulit kaming napatingin s

