"D-daddy..." sambit ko pagkakita ko sa puntod ni Daddy. "Magkasama na kayo ni Nanay diyan... Ang daya nyo. Pareho nyo na akong iniwan..." pagkakatulo ng luha ko ay pinapalis ko rin kaagad. Daddy don't want to see me crying infront of him. Ipinaramdam niya talaga sa akin kung gaano niya ako kamahal noong nabubuhay pa siya. Hindi niya ako pinabayaan at mas minahal pa ng sobra. Tinumbasan niya ang pagiging ina at pagiging ama sa akin. Napatingin naman ako sa kabilang bahagi kaya hindi ko na napigilan ang paghagulhol ko. Hindi ko inaasahan na mag-e-effort si Kier na sa puntod ni Nanay itabi ang puntod ni Daddy. Napakaraming bulaklak ang naririto. Nalaman ko rin sa caretaker nitong cemetery na palagi pa lang bumibisita dito si Daddy. He loves nanay so much. Sayang lang at pinaghiwalay agad s

