People's Home
I was caught off guard when he did that.
Mabilis kong inilayo ang aking mukha at gulat na humarap sa kanya.
"What did you do?" Hindi pa din makabawi sa pagkagulat.
"Kissed you," he simply replied.
"I know. But why did you kissed me?" I hysterically asked.
Nilibot ko ang aking mga mata sa bawat sulok ng opisina. There are two cameras at the corners, my intercom at my table are luckily off. The glass walls were opaque but it has thick layer of tint so the person inside still have a privacy as well as its door. And the glass door! Is that even locked?
"Do I have to explain why I kissed you?" He asked.
Agaran akong tumayo para tingnan ang pinto kung ito ba ay nakalock o hindi.
Hindi iyon nakalock!
Paano kung may biglang pumasok tapos naabutan nito ang ginawa ni Wilder?
"Nag-iisip ka ba? Hindi pa rin ba pumapasok sa kukote mo na nasa opisina na tayo?" Singhal ko.
"Alam ko na nasa opisina na tayo," mayabang niyang sagot sa akin.
"This is a professional workplace. And what you have displayed was a f*****g unprofessionalism!" Nanggagalaiti na ako sa galit at kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang uunahin kong gawin sa mga oras na ito.
Muli akong lumapit sa aking lamesa ang tinawagan ang opisina ng security office. Wilder was just looking at me not knowing how trembling my legs are.
"Good afternoon security team, is Mr. Santos there?" Bungad ko nang sagutin ng mga ito ang aking tawag.
"Opo ma'am. Narito po siya." Sagot ng kanilang staff.
"Okay. I'll just come down there." Sabi ko bago binaba ang tawag.
Sunod ko namang tinawagan ang extension number ng telepono ni Jomar. Hindi ko alam kung nasa table ba niya ito dahil sa tagal ng ring sa kabilang linya. Mabuti na lamang at nasagot niya ito bago ko maisipang ibaba at puntahan na lamang siya doon.
"Jomar, please come here." I said.
"How many times do I have to tell you to call me Jomarie?"
"I have no time for this. Please, Jom." Pagmamakaawa ko.
"Oka-" hindi ko pinatapos ang kanyang sasabihin at agad binaba ang telepono.
Ilang segundo lamang ay dumating na si Jomar. Nakasimangot ang mukha nito nang dumating ngunit nang makita niya si Wilder ay agad nagbago ang kanyang ekspresyon. Mula sa nakasimangot hanggang sa malapad na pagngiti nito.
"I need to go somewhere important. Mabilis lang ito." Dinampot ko sa aking lamesa ang aking cellphone.
"Where?" Wala akong panahon para sagutin ang tanong niya at agad nang lumabas sa kwartong iyon.
Nagmamadali akong naglakad at pindutin ang down button ng lift para puntahan ang palapag kung saan nadoon ang Security Office. Binuksan ko ang pintuan at nakitang nakaupo at may kanya-kanyang trabaho ang mga ito ngunit agad ko namang nakita ang taong tanging tukoy ko dito.
"Can I talk to Mr. Santos?" Tanong ko sa reception ng mga ito.
Mabilis naman ang aksyon na ginawa nang mga ito sa aking hiling. Hindi nila ako pinaghigpitan na tingnan ang record ng mga CCTV sa buong building.
"Ano po ba ang problema, Ms. Barcelon?" Tanong nito sa akin.
"Gusto ko lang sana makita ang lahat ng footage simula noong lunes hanggang ngayong oras," hindi ko sinabi na ngayong footage lang ang gusto ko makita.
"Doon po ba sa may reception area niyo?" Nakikita ko na hinahanap nito ang footage sa may reception area namin.
"Doon po sana sa aking opisina. Sa dating pantry ng buong eighteenth floor." Sabi ko.
"Doon ho ba? Naku ma'am, pasensya na. Noong lunes lamang ang maipapakita ko sa inyo ngayon." Problemadong sinabi sa akin ni Mr. Santos na nagpakaba lalo sa akin.
"Ano ho? Bakit po?" Kinakabahan na talaga ako.
"Kakapalit lang po kasi ng dalawang CCTV doon sa opisina niyo noong isang araw. Hindi pa po siya na-register kasi absent po yung IT namin kahapon." Ibig sabihin walang recordings?
"Kaya nitong mga nakaraang araw hanggang ngayon ay wala pong naganap na recording kasi patay pa po yung mga camera roon," dismayadong sabi naman ni Mr. Santos.
Biglang nawala ang aking kaba sa kanyang sinabi. Kung walang recording na naganap, ibig sabihin ay hindi nakita ang ginawa ni Wilder sa loob ng opisina. The cameras were off, the door was open but there are no person entering that time, and the glass dividers was not see-through.
"Kailan po ba makakabalik sa trabaho ang magre-register ng mga CCTV po sa inyong system?" Tanong ko para hindi niya mahalata.
"Bukas na bukas din ma'am bibisita kami sa floor nyo para ma-register yung cameras na nasa opisina mo. Tatawagan ko po ngayon ang IT para masabi sa kanya ang inyong concern."
"Sure. Just give me a call." I said.
"May nawala po ba sa mga gamit mo doon ma'am?" Tanong naman ng isa pang staff na kasama namin sa CCTV room.
"Hindi. Wala naman. Gusto ko lang makita kasi matagal akong hindi nakapunta doon sa opisina kasi nasa labas ang trabaho ko." Magpasalamat ka talaga, Wilder.
"Pasensya na ma'am. Bukas na bukas din ho, para hindi na kayo mag-alala."
"Maraming salamat po. Ako ho ay aakyat na. Pasensya na po sa abala."
"Walang anuman iyon, Miss. Kung may kailangan ka pa po sa amin ay tumawag lang po kayo."
Mabuti na lamang talaga at hindi pa buhay ang mga camera na mayroon ang aking opisina.
Umakyat na ako agad nang matapos na ang aking sadya sa security room. Bumaba na ang aking pangamba ngunit hindi pa rin bumababa ang galit ko sa ginawa ni Wilder. Hindi pa ba niya naiisip na opisina na lugar na naroon siya ngayon?
"Thank you, Jomar." Sabi ko nang makarating ako sa office.
Naabutan ko siya na pinagmamasdan ang ginagawa ni Wilder sa na parehong nakatingin sa monitor.
"I said Jomarie," sabi nito habang nakangiti at mas lalong lumapad ang ngiti nang mapatingin ito kay Wilder.
"Just go, I'll take my part here." Mataray kong sagot sa kanya.
Lumapit siya sa akin na may nanliliit na mga mata. Naka-ekis pa ang mga braso sa kanyang dibdib habang hinaharangan ako.
"Mr. Burnand was upset. You are not answering his calls!" Bulong nito sa akin.
"I am busy. Sinabi ko na sayo noon na wala akong panahon sa mga blind dates na ito." Kapag nakakatanggap ako ng tawag o mensahe sa kanya ay hindi ko iyon pinapansin.
"At least give him a chance. He's a jackpot."
"Whether he is or not. I don't care."
"Kaya hindi ka nagkakaboyfriend. Hindi mo hinahayaan na pumasok sila sa buhay mo."
"I don't need a man," I laughed.
"Bente otso ka na, Bethany. Sa edad mo yung iba may asawa at anak na. Ikaw ang wala pa." Ano ba talaga ang gusto palabasin ng baklang ito.
"Is that a tradition?"
"No. But that is your obligation. To find a partner. Hindi mo kaya mag-isa palagi."
Ito na lang palagi ang sinasabi niya sa akin. Nang malaman nito na hindi pa ako nagkakaboyfriend ay ito na ang gumagawa ng paraan para magpakilala sa akin ng mga lalaki. Wala naman ako pakialam ngunit hinahayaan ko na lamang siya sa gusto niya.
"Go. Mamaya mo na ako chika-hin." Pagpapa-alis ko sa kanya.
"Text him. Just try." Makulit talaga.
"Go," pinagsarhan ko na siya ng pinto.
Humarap ako kay Wilder nang mapa-alis ko na si Jom sa aking opisina. Seryoso siyang nakatitig lamang sa monitor habang ang pinagsaklob na mga kamay nito ay nasa kanyang baba. Nilapitan ko siya at tumigil sa harap nito ngunit hindi siya natinag sa ginawa kong kilos.
"Don't do that again," I said while looking at him.
"Okay," tipid nitong sagot.
"I want you to realize what you have done. This is workplace, you need to display professionalism. Not your bedroom." Umikot akong muli para umupo sa tabi nito at ipagpatuloy ang aming session.
"You've been doing blind dates now?" He suddenly asked at the middle of our pause.
"Where did you get that information?" I remember nothing that I have told him that.
"Your colleague's voice was not a whisper voice," Kahit kailan talaga itong si Jomar.
"Don't mind that. Okay, what else are the products are we selling?" Pag-iiba ko sa usapan.
Tatlong oras ang lumipas bago sumapit ang alas syete. Bumabalik na naman ang sakit ng aking likod matapos kong magreport para sa araw na ito. Kanina pa umalis si Wilder dahil pinauwi ko siya ng maaga kasabay ang ibang staff. At narito na naman si Jom sa aking opisina upang hintayin ako.
"Did you text him?" Muli na naman nitong bungad sa akin.
"Can't you see, Jom? Busy nga ako."
"Ilang segundo lang ang pagtitipa ng mensahe at hindi mo pa magawa," ayan na naman at nagsisimula na siya sa sermon.
"Jom, hindi ko naman kailangan na magkaboyfriend. Well, at least not now."
"Kung ganoon, kailan pa? Kapag trenta ka na? Trenta'y cinco? Kwarenta?"
"Hindi ko alam. Basta ayoko muna ngayon. Hindi pa ako handa." Bakit nga ba hindi pa ako handa?
"Beth, hindi ka na bata. In our age, we should start to settle things down. Although we have a lots of responsibilities, it is better if you have someone by your side." He holds my hands while preaching me those words.
"I want you to experience the different kind of care and love by a special person. You grew without a father by your side that supposed to be the first man who will give you everything you deserve. You are a kind person, Bethany. And I want you to see that you deserve all the love in this world."
I really like it when he's being this serious. But why does he have to mention my father? It made me cry.
But am I ready to enter another world for this life?
Am I ready to accept pain again?
Am I really ready to have that special person by my side?
I am afraid.
I am afraid to feel pain again because of that.
Father passed away when I was young without remembering what he really look like not basing on pictures. I was five and I don't know what was happening. That time, I don't know why my mother cried every night looking at my father's portrait on his hands. Wilder played my weakness back then by giving me a worth of a hundred pesos. He treated me in different way that I have fallen without knowing that I was just his bait.
It teared me to pieces. And it was so hard to build myself again.
I don't think I am ready for another pain.
As per my usual Saturdays, dumadalaw ako sa orphanage. Dinadalhan ko ng mga lutong pagkain at mga laruan at educational things ang mga bata roon. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Mama sa paghahanda ng mga ito.
"Ang dami ng dala mong ito. May susundo ba sayo?" Tanong ni Mama nang maihanda ko ang lahat ng aking dadalhin sa bahay ampunan.
"Mag-book ako ng grab taxi. Sigurado ka ba na hindi ka na sasama?" Inayos kong muli at binilang ang mga dadalhin.
"Hindi na muna. Maglilinis na muna ako ng flat mo. Madumi na!" Sagot nito.
Kinuha ko ang aking cellphone para sana magbook na ng sasakyan nang tumunog ito mula sa isang tawag.
"Sabado ngayon, Wilder. Ayoko na abalahin mo ako." Masungit kong bungad sa kanya nang sagutin ko ang kanyang tawag.
"Sinong Wilder? Iyong kaibigan mo ba dati?" Mabuti pa si Mama, tanda niya pa rin.
"Gusto ko lang naman malaman kung may gagawin ka ba ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Oo may gagawin ako. May pupuntahan ako at wala akong pakialam sayo dahil araw ko ngayon." Araw na wala ka sa buhay ko.
"Saan ka ba pupunta?" Ang kulit naman nito, hindi tuloy ako makapagbook ng sasakyan.
"Nakapagpabook ka na ba ng sasakyan, anak?" Singit na tanong ni Mama.
"Hindi pa, Mama." Sagot ko.
"Wilder, I don't have much time for you to talk. Please leave me alone now." I was about to hang up when he offered me something.
"I can give you a ride," he offered.
Napatigil ako. Sa kabila ng aking utak, sinasabi nito na tanggapin ko para hindi na ako magbayad. Samantalang sa kabila naman ay huwag dahil makakasama ko na naman siya.
"Mag-iingat kayo! Bethany, message mo ako kapag pauwi na kayo." Tinulungan ako ni Mama na magbaba ng mga gamit.
"Opo," matamlay kong sagot.
"Sige na. Wider ikaw muna bahala sa anak ko." Paalala ni Mama sa katabi ko.
"Don't worry ma'am. I'll do my best to keep her safe." Sabi naman ni Wilder na nagpangiti kay Mama.
"Mama, we gotta go. Bye!"
Agad naman minaneho ni Wilder ang kanyang sasakyan papunta sa aming pupuntahan. Sinusundan niya lamang ang GPS na nasa kanyang phone dahil hindi siya familiar sa lugar na iyon.
What to expect to a rich person?
"Can I play some music?" To ease the awkwardness.
"Sure," he replied.
Kinonekta ko na sa bluetooth ang aking cellphone at sinumulan na ang pagtunog ng kanta.
"Did you always do this every Saturday?" Tanong niya sa akin in the middle of the first song playing.
"Yes," I simply reply.
And then we went on silence again. Walang gustong magsalita. Nakatingin lamang kami sa unahan habang tinatahak ang daan papunta sa orphanage.
Bago kami makapunta doon ay may nadaanan kaming flower shop. Hindi iyon kilala ngunit sigurado sa ganda ng mga bulaklak. Freshness of the flowers were visible and I like the smell of it.
"Stop right here," sabi ko na agad namang tumigil ang sasakyan.
Bumaba naman ako agad para puntahan ang flower shop. Pagpasok ay namayani agad ang mabangong amoy ng mga ito. Nagdiwang ang aking ilong na nagdulot nang kapayapaan sa aking isipan.
Hinanap ko ang tanging bulaklak na tukoy ko dito at agad iyong pinuntahan. Nararamdaman ko na nakasunod lamang sa akin si Wilder.
"Sino ang bibigyan mo ng bulaklak na iyan?" Tanong naman nito sa akin nang pumili ako ng tatlong piraso nito.
"That's none of your business," pagbara ko sa tanong niya.
"Ate, I'll take these three." Sabi ko nang makalapit ako sa counter.
"Are you seeing someone there? At ikaw pa ang magbibigay ng bulaklak? Babae pa?" Natatawa na lamang ako.
"Just wrap it nicely. Putulan niyo na rin po yung dulo para hindi masyadong mahaba." Utos ko habang pinapanood ang mga ito sa kanilang ginagawa.
Nang matapos ang mga ito ay pinakita nila sa akin ang ayos. Nagustuhan ko iyon kaya bumunot ako ng isang daang piso para ibigay na tip sa kanila. Nagbayad na ako para makuha ko na ang bulaklak.
"Ma'am sobra po yung bayad niyo po," inabot nito sa akin ang pera ngunit hindi ko iyon tinanggap.
"Keep it. Sa inyo po iyan. Pambili mo rin po ng meryenda." I genuinely smile.
"Salamat po ma'am," nakangiti lamang ako habang palabas ng shop.
Pinagmasdan ko ang tatlong bulaklak na magandang nakaayos sa isang wrapper at hindi mawala ang aking ngiti. Sana ay magustuhan niya ito. Matagal ko nang hindi nakikita ang mga ngiti niya.
"Get in the car will you?" Masungit na utos sa akin ni Wilder nang mauna na itong nakapasok sa sasakyan.
Umismid ako sa kanyang sinabi at sa aking isip ay unti-unti ko na siyang sinasakal.
Who are you to boss me around?
Ilang minuto lamang ay narating na namin ang orphanage. Excited akong bumaba ng sasakyan para pindutin ang doorbell. Naririnig ko na ang mga halakhakan at tilian ng mga bata sa loob na masayang naglalaro. Gusto ko na silang makita.
"Bethany!" Maligayang bati sa akin ni Sister Belen.
"Sister, mano po." Kinuha ko ang kanyang kamay at dinikit iyon sa aking noo.
"God bless you," sabi nito pagkatapos. "Mabuti at napadalaw ka ulit ngayon. Kanina ka pa hinihintay ng mga bata. Maagang nagsi-gising dahil alam nila na pupunta ka raw."
"Opo nga, heto po at may mga dala ako sa kanila." Humarap ako sa sasakyan para kunin ang mga dala ko nang mawala sa isip ko na may kasama pa pala ako.
"Sister may kasama po pala ako, nakalimutan kong ipakilala." Sabi ko. "Ito po si Wilder, kaibigan ko po siya sa trabaho."
"Mano po, Sister Belen." Magalang na bati ni Wilder at ginawa rin ang pagmano ko.
"God bless din sayo," maligayang bati naman ni Sister.
"Halina kayo. Pasok kayo. Ramon! Tulungan mo si Bethany sa mga dala nito."
Pumasok na kami na tanging bulaklak lamang ang aking bitbit. Ang mga pagkain at mga regalo ay nasa sasakyan pa. It's nice to be back. This place was just like my second haven in this cruel world.
"Para ba iyan sa kanya?" Pagtukoy ni Sister sa aking bitbit na mabangong bulaklak.
"Opo. Gising na rin po ba siya?" Tanong ko.
"Hindi pa siguro. Puntahan mo na lamang siya." Sabi nito.
Alas otso pa lamang nang tingnan ko ang aking relo. Maaga pa nga at nakasisiguro ako na hindi pa siya gising.
"Ate Bethany!" Sigaw ng mga batang nagtatakbo palapit sa akin.
Kinulong ako ng mga ito sa kanilang yakap sa aking binti at baywang. Ang mga masasayang ngiti at mga mata nang mga ito ang nagpapatunay na hinihintay nila ang pagdating ko.
"Hello. Kamusta kayo ha?" Lumuhod ako sa mga ito at inisa-isa silang niyakap nang mahigpit.
"Ate, ate, ate. Tingnan mo may star ako." Ipinakita nito sa akin ang tatak na start sa kanyang kanang kamay.
"Perfect po ako sa spelling kahapon. Binigyan po ako ni teacher ng star." Pagmamalaki nito sa akin.
"Ang galing naman. Alam kong kaya mo iyon." Ginulo ko ang kanyang buhok.
"Ate Bethany, crush ka daw ni Kuya Vhon." May isa naman na nagsalita mula sa aking likod kaya nabaling ang aking tingin dito.
Si Vhon ang pinakamatanda sa mga batang narito. At kung hindi ako nagkakamali ay grade twelve na ito ngayon. Nang makita ko siya ay ngumiti lamang ako. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi at hindi makatingin sa akin ng diretso. Tinakpan nito ang bibig ng batang nagsabi niyon at kiniliti.
"Halina kayo. Kumain muna tayo ng dala ng Ate Bethany niyo!" Pagtawag sa amin ni Sister nang matapos ang kanyang pag-aayos sa lamesa.
"Hindi pa rin ba kayo kumakain?" Tanong ko sa mga bata.
"Hindi pa po," sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Okay, sige! Sabay-sabay na tayo kumain. Pero bago kumain, ano ang dapat na unang gawin?" Tanong ko sa kanila.
"Maghugas ng kamay!" Mabuti naman at natatandaan pa nila ang tinuro ko.
"Very good. Sige sundan nyo lang si Ate." Inunahan ko sila sa paglakad papuntang faucet para maghugas ng kamay.
Mahaba yung lababo sa labas ng bahay na may maraming gripo din. Pumila ang mga bata habang naghihintay ng kanilang komando na sila na ang sunod na maghuhugad ng kamay. Sinabayan ko ang mga ito sa paghuhugas ng kamay paa may magayahan sila.
"Magsi-upo na kayo sa lamesa at susunod na si Ate," utos ko sa mga ito at nagtakbuhan na papasok sa loob.
"Dahan-dahan! Huwag nang tumakbo."
Excited ang mga bata sa pagkain na dala ko dahil alam ng mga ito na ang paborito nila ang aking niluto.
Humugot ako ng tissue para sana punasan ang aking kamay nang makita ko si Wilder na naka-ekis ang mga braso habang hawak ang bulaklak na binili ko kanina.
"Kanino mo ba talaga ito ibibigay?" Kyuryoso niyang tanong.
"Someone important to me," Sagot ko.
"Sino?" Masugit nitong tanong na gusto talagang malaman kung sino.
"Maghugas ka na ng kamay dito at sumabay ka na sa pagkain," pag-iiba ko sa usapan at kinuha sa kanya ang bulaklak.
Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob. Sa pangalawang palapag ang mga kwarto ng mga bata at isa sa mga kwarto dito ang aking pupuntahan. Hindi na ako makapaghintay nang maakyat ko na ang hagdanan at pihitin ang pintuan sa dulo ng palapag na ito.
"Angela?" Marahan kong tawag ko nang mabuksan ang pinto.
Naabutan ko siya na nakahiga pa rin sa kanyang kama at nakapikit pa rin ang mga mata. Nilapitan ko siya at nakitang payapang natutulog pa rin. Hinaplos ko nang mabagal ang kanyang makinis na pisngi na nagdulot para magmulat ang kanyang mga mata.
"Ate, ikaw ba yan?" Hinaplos niya ang kamay nang maramdaman nito.
"Oo, nandito na si Ate." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan.
Si Angela ang dahilan kung bakit kada Sabado ay nandito ako sa ampunan. Noong una ko siyang makita ay halos wala itong samahan at kahit kina Sister ay mailap ito. Laging malungkot at nakatingin sa kawalan.
Nang malaman ko na hindi ito nakakakita ay hindi ko maiwasang maawa sa kondisyon niya. Napakabata pa niya para maranasan ang ganito. She supposed to see the beauty of the world but she was not given a chance.
Sa tuwing maiisip ko ang kalagayan niya, hindi ko maiwasan ang maiyak. Minsan ay napapatanong ako kung bakit kailangan niya pa maransan ito.
"Halika ka na. Kakain na tayo." Sabi ko.
Ipinatong ko sa kanyang side table ang bulaklak na aking binili at tinulungan siyang makatayo. Hindi nakatakas sa aking paningin ang mga pasa sa kanyang likod at braso. Dahan-dahan kong binaba ang kanyang damit.
"I'll help you," Biglang sabi ni Wilder na sumunod pala sa akin hanggang dito.
Hinayaan ko siya na buhatin si Angela para bumaba sa hapag kainan.
Narinig ko na ang ingay na nagmumula sa dining table dahil sa mga bata. Nagsisimula na ang mga ito sa pagkain. Nakakatuwa na nagugustuhan nila ang mga dinadala kong lutong pagkain.
"Ate, ang sarap po!" Sabi ng isang bata na inaro pa ang kanyang hinlalaki sa akin.
"Enjoy eating," sabi ko.
Sumabay na kami ni Wilder sa pagkain at ngayon ay magkatabi kami. Nasa aking kaliwa naman si Angela na tinutulungan ko sa pagkain.
"Sarap?" Tanong ko kay Angela na masaya namang tumango.
Nagpatuloy ang aming pagkain at masaya ang aking puso nang makita ko silang ganado sa pagkain. Dumating sina Sister sa kusina at tiningnnan ang aming ginagawa.
"Sister, sabay na po kayo sa aming pagkain." Anyaya ko sa kanila.
"Hindi na, sige na at mauna na kayo. Mamaya na kami pagtapos niyo." Anito.
The looks on these children was just priceless. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako natatakot na magbigay sa bahay ampunan na ito. In this house, I feel wanted. In this house, I do not worry about a thing. In this place, I feel the the peace.
Matapos naming kumain ay nagtungo kami sa bakuran para makapaglaro ang mga bata. Tuwang-tuwa ang mga ito sa dala kong mga laruan at mga damit na araw-araw kong binibili para ipunin at dalhin dito. Naghahabulan ang mga ito at kung sino ang maabutan ng talo ay siyang susunod na taya.
"I never knew, you were into these." Nabawi ni Wilder ang aking atensyon nang ito ay magsalita.
"This became my routine noong gumanda na ang trabaho ko," sabi ko.
"Every Saturday? Without missing a single Saturday?"
"Oo, iba't-ibang oras lang depende pa sa schedule ko."
Katabi ko si Angela sa aking kanan na nakaupo sa kanyang wheelchair. Hindi niya binitawan ang manikang binigay ko. Hindi na mapawi ang kanyang mga ngiti simula nang siya ay aking gisingin.
"Ate Beth, ano po ang kulay ng damit mo ngayon?" Tanong sa akin ni Angela.
Sa tuwing dadalaw ako dito, palagi niyang tinatanong ang kulay ng aking damit.
"Ang kulay ng damit ko ay asul," sabi ko.
"Asul? Pwede ko po bang hawakan?" Pagpapaalam niya sa akin.
"Oo naman," tinulungan ko siyang igiya ang kanyang pala sa aking manggas.
Hinayaan ko siyang haplusin ang tela ng aking damit. Sinabi niya sa akin noon na kaya nitong malaman ang kulay ng isang bagay kapag nahahawakan nito.
"Ang ganda po ng damit mo," sabi ni Angela nang matapos siyang haplusin ang aking manggas.
Napakasimple lamang ng suot kong damit. A blue flare sleeves V-neck top with with wait ruched paired with washed skinny jeans and flats.
"Kung nakakakita pa po siguro ako, mas makikita ko po ang kagandahan ng damit mo." Sa sinabi niyang iyon, hindi naiwasan ng aking mga mata na maginit.
"Gagaling ka. Pinapangako ko na hindi tayo titigil hangga't hindi ka nakakakita ulit." Ginagawa ko ang lahat para maging positibo sa harapan niya. Sa tuwing sasabihin niya iyon ay yumayakap siya sa akin na nagpapabigat ng aking puso.
Ilang buwan nang sumasailalim sa chemotherapy si Angela dahil sa sakit nitong Acute Lymphoblastic Leukemia. Sabi ng doktor, depende sa may katawan ang chance of survival sa therapy na ito. Hangga't kaya pa ng bata ay magpapatuloy ang therapy. Nagsimula lamang mawalan ng paningin si Angela nang bumalik ang pagtubo ng mga pasa sa kanyang katawan. This is a rare case for a child and the experts are still looking for possible hypotheses on this.
"Ano ang palagi kong sinasabi sayo? Laban lang. Matatapos din ito." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at hinalikan ang noo nito.
"Basta nandito ka po sa tabi ko. Lalaban po ako." Sabi nito.
"Tama. Kailangan mas malakas ka sa sakit mo." Pagpapalakas ko pa lalo sa loob ng bata.
Tinawag ni Sister Belen si Angela para liguan kaya naiwan kami ni Wilder dito sa bench habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Mainit na ang sikat ng araw at pawisan na ang mga ito ngunit hindi iyon alintana sa masaya nilang laro.
"Will you please stop staring at me?" I asked even if my eyes are not directly to him. I can still sense his gawking eyes on me.
"I am just amazed. I didn't believe you have come this far to help those children." He said.
I can't help but to smile. As I looked back, it is true that I have passed all the barriers to come this far. Just by helping those children. A child with a special need. A child who needs special care.
"Sa totoo lang wala rin ako. Yung sweldo ko kulang pa sa mga pangangailangan ko. Pinag-iipunan ko pa rin ang chemotherapy ni Angela sa susunod na buwan." Naalala ko kung paano ko tinitipid ang sarili ko para lamang may maipon ako para kay Angela.
"Kung tatanungin mo ako, kung bakit ko ito ginagawa? Isa lang ang maisasagot ko sayo."
"Ano?" Tanong ni Wilder. Humarap ako para tuluyan ko siyang makita.
"Kasi sa paraang iyon ako masaya," sabi ko habang nakangiti.
"Okay lang na mawalan ako. Ayos lang na magkulang ako. Basta mapunan ko ang pangangailangan ng isang batang mas higit na nangangailangan kaysa sa akin."
Nang tingnan ko ang kanyang mga mata, hindi niya ako pinagkaitan na pumasok doon. Nakita ko na makulay ang mundo ngayon. Sa mga oras na ito, ang pagkinang niyon ang nagpapaalala sa akin kung bakit ko iyon gustong tingnan palagi.
"Kung kaya ko lang isilid ka sa dibdib ko ay nagawa ko na kanina pa," bigla nitong sabi.
"Ano? Bakit mo naman gagawin iyon?" Natatawa kong tanong.
Umunat ang kanyang braso ngunit nananatiling seryoso ang kanyang mga mata. Naramdaman ko na hinaplos nito ang aking buhok habang pinapalis ang mga tabon na hibla sa aking mukha dahil sa hangin.
"Wala akong masabi. Gusto ko na ikaw na lang mismo ang makaalam ng nararamdaman ko dito." Sabay turo niya sa kanyang dibdib sa parteng nakapaloob ang kanyang puso.